bc

Filthy Bastard

book_age12+
941
FOLLOW
1.8K
READ
love-triangle
kidnap
forced
pregnant
dominant
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

SOON.

Nakilala at minahal ni Theo si Dal noong mga panahong mayor pa ang lalaki sa isang maliit na probinsiya ng San Agusto Fe. Ngunit matapos may mangyari sa kanila, natuklasan niyang may ibang babaeng iniibig ang binata—si Talia.

Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila kaya pinili niyang magpakalayu-layo upang hindi makasira ng relasiyon. Subalit makalipas ang limang taon, muling nagkrus ang mga landas nila ng lalaki. Malayo na ito sa dati nitong buhay na isang politiko, but now he was everything a woman could ever ask for. Hindi niya napigilan ang sarili na muling mahulog dito sa kabila ng katotohanang engaged na siya sa lalaking si Jafar Casiño.

Sa pangalawang pagkakataon, ibinigay niya ang puso at katawan sa binata. Pero katulad noon, isang bagay ang natuklasan niya tungkol dito—bagay na muling wawasak sa kaniyang puso.

chap-preview
Free preview
Chapter One
NAKANGITI akong lumabas mula sa isang convenience store habang bitbit sa isang kamay ang cellophane na puno ng chocolates. Ngayon ay ang kaarawan ng pinakamamahal kong anak na si Dosius. Mahilig ito sa tsokolate kaya plano kong pumunta sa isang cake shop upang bumili ng chocolate cake para dito. Habang nasa daan, nag-iisip ako kung ano ang regalong puwede kong ibigay sa kaniya. Hindi siya mahilig sa mga materyal na bagay. Maging ang mga laruan niya sa bahay ay bilang lang din sa mga daliri sa isang kamay. Sapat na sa kaniya ang dalawa o tatlo, mas gusto niya kasing magbasa ng libro tungkol sa mga metolohiya. Matalino ang anak ko. Sa tingin ko ay may pinagmanahan siya kaya ganoon. At sa palagay ko, hindi ako ang taong pinagmanahan niya. Napangiti ako nang matanaw ang cake shop hindi kalayuan mula sa nilalakaran ko. Lalo ko pang binilisan ang paghakbang. Itinaas ko ang relong-pambisig ko at napansing mag-a-alas-nuebe na ng umaga. Pinangako ko kay Dosius na uuwi ako bago mag-alas-nuebe y medya. Mukhang isa na namang pangako ang mababali ko kapag hindi ako nagmadali. Patakbo kong nilapitan ang cake shop at namili sa mga available nilang chocolate cakes na naka-display. May iba't ibang flavor at disenyo ang bawat cake sa loob ng refrigerated glass display, at mukhang masasarap ang lahat ng ito. Nang mabaling sa bahaging dulo sa kanan ang paningin ko, nakuha ang atensiyon ko ng isang simpleng chocolate cake na puno ng strawberries sa ibabaw. Nakangiti kong tinuro iyon sa isang babae na naghihintay sa akin. Ngumiti pa ito bago mabilis na kinuha ang cake at hinanda. Matapos kong magbayad ay sandali pa akong tumigil sa harap ng salaming pinto ng shop upang sagutin ang text message ni Jafar. Nagtatanong ito kung saan gaganapin ang handaan para sa birthday ni Dasius. Pagkatapos kong mag-reply, huminto muna ako nang ilang segundo bago bumuntong-hininga. Isang regalo lang ang hinihingi sa akin ng anak ko tuwing sumasapit ang kaarawan niya, at iyon ay ang makilala niya ang tunay niyang ama. Masakit din sa akin, pero hindi ko puwedeng ibigay sa kaniya ang hinihingi niya, lalo na ngayon na lalong naging komplikado ang sitwasiyon. Bumuntong-hininga ako bago tuluyang lumabas ng cake shop at luminga sa paligid para maghanap ng taxing masasakyan. Medyo may kalayuan ang mall na pupuntahan ko. Isang beses kasi nang lumabas kami ni Dasius para mamasiyal, nakita ko siyang nakatitig sa isang laruan sa toy section. Hindi ko agad iyon mabili para sa kaniya dahil may kamahalan ito at sa mga oras na iyon, gipit din ako sa pera. Ilang minuto na rin akong naglalakad at naghahanap ng taxi, pero sadyang malas ako dahil ni isa ay wala akong mahagilap. Nang matanaw ang isang paparating na jeep, naisip kong sakyan na lamang iyon at bumaba sa babaan na pinakamalapit sa mall. Iaangat ko sana ang kamay ko upang parahin ito pero mabilis akong natigilan ng isang tawag. Nagmamadali kong kinuha sa loob ng dala kong sling bag ang aking selpon at nakita ang pangalan ni Jaysia sa screen. Napangiti pa ako nang maisip na baka si Dasius ito. Si Jaysia kasi ang katabing apartment namin na lagi kong pinag-iiwanan kay Dasius. Nakangiti kong sinagot ang tawag, pero nang marinig ang umiiyak at natatarantang boses ni Jaysia, tila ako pinanawan ng ulirat. "Oh my God! T-Theo? S-si Dasius! Dinala namin siya sa ospital! Nasagasaan siya ng kotse!" Tuluyang huminto ang jeep sa tabi ko at narinig ko ang nanlalabong boses ng driver. Hindi makapagsalita, nanginginig ang mga kamay kong nabitiwan ang hawak kong selpon. Pakiramdam ko ay tumulin ang takbo ng mundo at biglang naging malabo ang buong paligid ko. Ni hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko dahil sa sobrang pagkagulat. Nang businahan ako ng driver ng jeep, saka ako tuluyang nabalik sa reyalidad. Namamasa ang gilid ng mga mata ko nang balingan ko ang jeep. "Iha! Sasakay ka ba o hindi? Bibiyahe na kami!" Tuluyang umagos ang mga luha sa pisngi ko kaya nakitaan ko ng pagtataka ang mukha ng driver pati ang ibang pasahero na nakakikita sa hitsura ko. Wala sa sarili kong dinampot ang selpon kong nahulog sa daan at nagmamadaling pumasok sa likod ng jeep. "S-sa ospital, manong! Sa ospital po! Ang anak ko!" Tuluyan akong napahikbi sa takot at pag-aalala. Mabilis na pinatakbo ng driver ang jeep nito. Nanlalabo naman ang mga mata ko dahil sa luhang walang tigil sa pagbuhos. Nanginginig ang buong katawan ko sa pag-aalala sa anak ko. Tandang-tanda ko pa ang bawat gabing umuuwi ako mula sa trabaho, nasa labas siya ng aming apartment at nakatayo sa gilid ng gate, tahimik na naghihintay sa akin. Siguro ay hinintay na naman niya ako sa labas kaya nangyari ang aksidente. Mariin akong napapikit. Hindi ko kakayanin kung mawawala sa akin ang anak ko. Siya na lang ang pamilya kong kasama ko. Siya na lang ang natitirang rason kung bakit nagpapatuloy ako sa buhay. "Lord, please... save my baby," pipi kong dalangin habang nakatingin sa text message na ipinadala sa akin ni Jaysia. Nakasaad sa mensahe kung nasaang ospital sila. Madadaanan iyon ng jeep na sinakyan ko kaya dali-dali kong sinabi rito kung saan ako bababa. Tila naintindihan naman ng matandang driver ang pinagdadaanan ko kaya mas lalo nitong binilisan ang pagmamaneho. Nang makarating ng pagamutan, wala sa sarili akong tumakbo patungo sa entrance ng ospital. Ilang beses akong bumangga sa mga nakasasalubong kong mga tao pero hindi ko alintana iyon. Wala nang ibang laman ang isipan ko kundi si Dasius lang—ang anak ko. "Miss! N-nasaan ang anak ko? Naaksidente siya k-kanina lang. Dito siya dinala!" Hindi ko mapigilan ang mautal habang nangingig sa takot. Hiningi naman sa akin ng babae ang pangalan ng anak at sandaling may tinipa sa computer. "Nasa emergency room pa po ang anak ninyo, ma'am. Dumiretso lang po kayo rito." Itinuro niya sa akin ang kanan niya kaya mabilis akong tumakbo. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na nagawang tingnan ang pasilyong mabilis kong tinatahak, kaya bigo akong makita ang paglabas ng isang malaking lalaki mula sa isang silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook