Pagdating ko sa room, nagulat ako sa aking nakita. Si Knixx, hindi lang siya nag-iisa may kasama siya. Kasama niya sina Clover at Cliff. Nabitawan ko ang mga pinamili kanina dahil sa gulat at kaba. Pagbagsak ng siopao at Real leaf ay napatingin silang tatlo sa akin. Na sa loob kami ngayon ng aking kwarto, nakaupo sila ni Cliff at Clover sa isang couch habang ako naman ay na sa kama. Matapos ang nangyari kanina, ay iniwan namin si Knixx sa loob ng Children's Room para makapag-usap kaming tatlo ng masinsinan. Sabi ni Knixx ay okay lang daw siya, at nagpasalamat sa dinala kong pagkain at pag-assist sa kanya. "Anong pinag-usapan niyo kanina?" Tanong ko ng seryoso sa kanilang dalawa. "Wala," si Cliff, at may pailing-iling pa. "Anong wala? Nakita ko kanina ang mukha niya gulat na gulat

