"Hindi ako pumunta ng rooftop kanina, wala akong matandaan na magkikita pala tayo doon Clij." Paliwanag ni Knixx sa akin habang na ka dungaw parin siya sa pinto. "Pero sinabi ko yun sayo kanina lang," hindi pa rin maalis ang pagkunot ng kanyang nuo. Binuksan na niya nang tuluyan ang pinto and she stepped forward. "Pero, wala talaga akong matandaan Clij na sinabihan mo ako." "Nag-usap tayo sa loob ng room ni Trixie, sabi ko pumunta ka ng rooftop around eight p.m. and you agree with it," I explained. "Kanina? Nandito lang ako buong araw sa room ko," nagulat ako sa sinabi niya at napaatras. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya, kung ganon, nakalimutan niya pala ang mga nangyari kanina. "Ganon ba, sige, sabi mo eh," I heave a deep sigh at yumuko. "Punta na lang tayo ng rooftop

