"Hija," napatingin ako kay mama. Tapos titig na titig siya sa kamay naming dalawa ni Knixx. Magkaholding hands kasi kami. Hindi namin namalayan na magkahawak ang aming mga kamay habang tumatakbo papunta dito. "Hi, po tita, at good afternoon po sa inyong lahat," bati ni Knixx at nginitian ang mga taong na sa harap namin. "Umupo na kayong dalawa, at ng makapagsimula na tayong kumain" sabi ni mama sa aming dalawa. Habang tinuturo niya ang dalawang magkatabing upuan sa gilid ng mesa. Tumango naman kaming dalawa ni Knixx bilang tugon. Kaya pumunta na kami sa upuan at naupo. "Teka, si Rems, tatawagan ko muna bago tayong magsimula," sabi ko sa kanila. Nakita ko naman si Clover na kukuha na sana ng isang piraso ng pizza. Kaso natigilan siya ng marinig ang sinabi ko at napakamot ng ulo

