Hawak ko ang isang brush sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay ang maliit na canvas. Sa harap ko naman ay may palette na nilalagyan ng pintura para doon ipaghalo ang mga gusto kong kulay. Na ka indian seat ako ngayon sa sahig. Ang kalat din ng palagid dahil sa mga natapong pintura at mga nakakalat na iba't-ibang klaseng brush. Mahigit tatlong minuto na akong ganito at nakatulala lang sa puting canvas na hawak ko. Wala pang bahid ng pintura ang canvas. "Kanina ka pa dyan, pero hindi kita nakitang sinawsaw yang brush mo sa kahit anong kulay ng pinturang na nasa harap mo," napatingin ako sa babaeng nagtanong sa akin. Ang dungis na ng mukha at dalawa niyang kamay dahil kanina pa siya nagpipinta. Nakita ko siyang ngumiti sa akin. Ba't ba kasi ako pumayag na samahan siyang magpinta

