Chapter 7

1761 Words

"KUYA LIAM, bakit ang pogi mo? Saan ka ba ipinaglihi ni Tita Mercedes?" Nakangiting binalingan ni Liam si Tere na nakapangalumbaba sa lamesa habang pinapanood ang paggawa niya ng avocado shake. "Ang kaguwapuhan ay wala sa lihi-lihi kundi sa nagdadala 'yan," pabiro niyang tugon dito. "Kaya pala ang guwapo pa rin ni Pierre kahit ipinaglihi siya ng mommy niya sa adobong palaka." Muntik nang masamid si Liam sa sariling laway. Natawa siya nang palihim. Hindi niya akalaing seryosohin ni Tere ang biro niya noon tungkol kay Pierre para lang tantanan na nito ang kaibigan niyang iyon. Takot at diring-diri kasi ang dalagita sa palaka. "Bakit ba puro Pierre ang bukambibig mo? Baka nadapa na iyong tao." Nanunukso ang mga matang tiningnan siya ni Tere. "Why, Kuya? Are you jelling of him?" Kumunot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD