CHAPTER 30: Ang Muling Paglisan

1587 Words

HINDI INAASAHAN ANG pagpapakita ng hari ng mga habo na si Hastro sa baryo ng kalag. Maging ang kanyang mga mandirigma ay hindi iyon inakala. Habang pinapanood niya ang paghaharap ng kanilang sugong si Prinsesa Deza at ng binatang mandirigma ng Ezharta ay nabahala siya. Kilala ng binata ang katauhan ng sugo at nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalangan. Hindi maaaring maalala ni Prinsesa Deza ang kanyang nakaraan! Kaya sumugod si Haring Hastro upang pigilan ang binatang si Nate na ginugulo ang utak ng kanilang sugo. Labis na ikinagulat naman ni Reyna Kheizhara ang pagpapakita ng itim na diwatang may pakpak na katulad ng paniki at may nakakakilabot na mga sungay sa noo. Kilala niya ang lalaking habo - kilalang-kilala. Ang diwatang iyon ay matagal nang nais muling makita ni Reyna Kheizhar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD