CHAPTER 41: Kabiguan, Ang Kinahantungan Ng Laban

2490 Words

~ SALPUKAN KUNG SALPUKAN ang labanan nina Rama at ng habong si Vehoo. Ayam na may pakpak at liyon na may pakpak pa rin ang kanilang anyo. Mula sa magkalayong distansiya, lilipad sila papalapit sa isa't isa at magsasalpukan. Sa bawat paghampas nila ng kanilang mga paang may matatalim na kuko, bumabaon ito sa kani-kanilang katawan. Kapwa na sila sugatan at nais masakmal ang leeg ng isa't isa upang tapusin na ang laban. Sa muli nilang pag-atake, nagkahampasan sila ng ulo sa ulo. Sa lakas ng pagbunggo, kapwa sila nakaramdam ng hilo. Naramdaman ni Rama na mahuhulog siya at gano'n din si Vehoo. Ngunit habang pabulusok na si Rama, nagawa ni Vehoo na makaatake nang pahabain nito ang buntot na may patalim sa dulo. Nasaksak ang bahagi ng tiyan ni Rama habang bumubulusok silang dalawa, umalingawngaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD