CHAPTER 56: Kamatayan Ng Kaibigan At Ang Lakas Ng Tagapagligtas

2775 Words

ANG MALAMIG NA hanging naramdaman ni Nate ay naramdaman rin nina Pinunong Kahab, Mira at Mapo Nhamo, habang nakikipaglaban ang mga ito. At maging sina Reyna Kheizhara at saday na si Philip na siyang itinuturing na maestro ni Shem-shem ay naramdaman ang hanging malamig. At lahat sila ay pumasok sa kanilang isipan si Shem-shem, ang mga ngiti ng masiyahing saday at ang mga sandaling nakasama nila ito. Nang lumingon si Nate, nakita niyang luhaan na rin si Claryvel, dahil maging ito ay naramdaman rin ang hangin at ang pagkawala ng enerhiya ni Shem-shem. May nagpakitang lalaking diwata sa harap nina Nate at Claryvel. "Nahuli ako ng dating," sambit nito. "Sino ka?" tanong ni Nate sa matangkad na diwatang puti ang kasuotan at may berdeng mga pakpak. "Kapanalig natin siya. Katulad namin siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD