CHAPTER 55: Ang Halimaw Na Si Kabahon

2736 Words

NAKANGISING LUMIPAD SI Rama, nabalot siya ng itim na enerhiya at unti-unting nagbabago ang anyo ng kanyang mga pakpak. Kasabay no'n, nagdatingan ang napakaraming uwak na pumaikot-ikot sa kanya. Dumilim ang paligid dahil sa pangyayaring iyon na akala mo'y gawa ng sama ng panahon. "Nate, maghanda ka," sambit ni Chelsa kasabay nang pag-transform niya at nang pagbalot ng purple na kidlat sa kanya. Tinawag ko rin ang aking baluti at aking mga dahon, kulay berdeng nagliliwanag ang mga ito na pumalibot sa akin. Inihanda ko rin ang baging na nakapulupot sa aking kanang kamay na siya kong magiging pansamantalang sandata. Sinuri ko rin ang paligid para kung may halaman at puno na maaari kong magamit sa laban at maging mga tuyong dahon. "Chelsa, kaya ko ang sarili ko," saad ko kay Chelsa. Napansin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD