CHAPTER 54: Pagsisimula Ng Kaguluhan

937 Words

~ SA PALASYO NG EZHARTA ~ NAPAKUYOM SI REYNA Kheizhara nang masaksihan niya mula sa bato ng Verlom ang pag-atake ng mga habo sa tatlong bayan kasama ang mga dakula, mga higanteng nilason ang isipan upang maging kaaway. Nais na niyang sumugod, ngunit kailangan niyang protektahan ang palasyo dahil naroon ang pinakamahalaga at makapangyarihang bagay sa buong kaharian, ang puno ng Marhay na siyang pakay ng mga habo. "Mahal na reyna, nasa bulwagan na po ang Lolaly," balita ni Philip kay Reyna Kheizhara sa pagpasok nito sa silid. Tumango siya at dumapo sa balikat niya si Philip. Naglaho sila at napunta sa bulwagan kung saan nakatayong naghihintay ang tatlong babaeng mandirigma na kilala sa tawag na Lolaly, sina Lorienel, Lasarah at Lyn-lyn. Nakasuot ang mga ito ng berdeng baluti at mapapansin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD