CHAPTER 25: Claryvel

2350 Words

MAGKASAMA KAMI NI Claryvel. Nakaupo kami sa ugat ng malaking puno na parang pine tree. Ang mga huni ng ibon at mga insekto ang naghahari sa paligid. Nagsisilbing ilaw namin ang napakaraming alitaptap na nag-iiba-iba ng kulay at mas malalaki sa pangkaraniwang alitaptap sa mundo ng mga tao. Halos ilang minuto na rin mula nang magkasama kami na wala pang mga salitang narinig mula sa isa’t isa. Magkahawak ang aming mga kamay. Payapa ang pakiramdam ko bagama’t mabilis ang t***k ng aking puso. Kanina, nang banggitin niya sa isip ko at tawagin niya akong Nael, hindi na ako napalagay. Lumabas ako ng tent at kinausap ko siya sa isip ko. Agad siyang lumabas at sinundan niya ako para makapag-usap kaming dalawa. Nang hawakan niya ako, hindi ko na iniwas ang aking kamay. Parang kusa rin nitong dinama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD