CHAPTER 52: Panganib Sa Ilog - 2

1910 Words

SAMANTALA, NANG MGA oras na 'yon ay narating ni Kabahon ang lugar sa tabing-ilog na pinanggalingan nina Nate at Chelsa, nagamit nito ang kanyang kakayahang makipag-usap sa mga hayop kaya natunton ang lugar na iyon. Nakita nito ang mga nakatambak na naiwang mga dahon, baging at ilang kahoy. Maging ang bakas ng mga natuyong d**o sanhi ng galit ni Chelsa at ang pinag-ihawan nila. Napangisi si Kabahon, mabilis itong lumipad at sinundan nito ang agos ng ilog. ~~~ SA WAKAS NAMAN sa magdamag na paghahanap ay natukoy na ni Bangis ang posibleng kinaroroonan ni Nate sa tulong ng bulong ng hangin. Kaya mabilis nitong nililipad ang direksyong tinukoy ng hangin. ~~~ ~ SA ISLA NG DULOM ~             LUMABAS SA KUWEBANG nagsisilbing palasyo ng mga habo si Haring Hastro. Sumalubong sa kanya si Ayre

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD