HO-Chapter 16

1621 Words
"Ano ba Ate? hanggang kaipan ka ba magtatago kay Kuya Hell?" saad n Mynx na ngayon ay nagluluto nang makakain namin dito sa kanyang condo. Hindi ko akalain na ikukuha siya ni Hell ng maganda at mamahaling condominium para lamang mapaniwala ako na hindi siya sumira sa usapan namin noon. Malawak at maganda rin ang paligid nito at talagang masasabi mong mayaman ang bumili nito. Pero bakit kailangan niya pang gawin sa gayong alam naman niyang hindi naman kami umaasa sa pera niya at wala na rin naman siyang obligasyon sa akin dahilan wala na ang anak namin dalawa. "Ate?!" napatingin na lamang ako kay Mynx na ngayon ay nakaharap na pala sa akin at nakapamiwang, akala mo naman ay talagang mature na siya kung mag isip at talagang sinisermunan niya ako sa pagtatago ko sa lalaking iyon na siyang kinukuya niya. Hindi ko alam kung ano ba ang pinakain ng lalaking iyon dito at ganito na lamang ang pagtataboy sa akin. "Puwede ba, wala ako sa mood mag paliwanag." saad ko rito na itinignan na lamang siya ng walang buhay. Ayoko na naman pagtalunan pa namin mag kapatid ang ganitong usapin lalo na't hindi ko gusto ang ipasok sa isipan ko si Hell sa ginawa niya sa akin. "Paano mo nasasabi iyan? Ate, alam ko naman na nasasaktan ka rin. Alam ko rin naman na mahal na mahal mo ang mga pamangkin ko, pero Ate--" "Hindi mo naiintindihan! Paano ko gugustuhin makisama sa taong may gawa ng lahat nang ito?! Hindi madal--" "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ate hindi lang ikaw ang nawalan ng anak, pati na rin si Kuya Hell ay nawalan. Anak ninyo iyon Ate.—" huminga muna ito nang malalim at tumingin sa akin ng maigi. "Alam ko naman na nasasaktan ka at alam ko rin na dahilan kay Kuya Hell ay nagkakaganyan ka, pero Ate hindi mo ba naisip na siya din ang dahilan kaya ka naging masaya? siya rin ang dahilan noon kaya nabuo ang pagmama--" Malakas kong binalya ang lamesa na ikinatili lamang ni Mynx. Hindi ko alam pero nagagalit ako na kung bakit kasi ngayon ay para bang sinisisi pa nila ako na kaya ako nagkakaganito ay para lamang akong isip bata sa kanilang mga mata. "Hindi ko nga sabi siya mahal! Ilang beses ko bang sasabihin iyon sa inyo?! Si Hell ang taong kinasusuklaman ko! Siya ang dahilan kaya ako hindi nakagraduate sa Collage. Huwag na ninyo ipilit ang mga bagay na hindi kailanman magbabago. Kung ayaw mo ako rito sa condo mo magtago, sabahin mo lang. Hindi iyon ipipilit mo rin na umuwi ako sa kanya." saad ko rito na ikinailing lamang nito sa akin. Mabilis nitong pinulot ang mga nahulog sa lamesa at nilinis iyon. Nagulat na lamang ako na may kinuha siyang medicine kit. Huwag mo sabihin na nasaktan siya sa mga tumilapo-- "Okay lang naman umiyak, Ate." aniya sa akin na ikinatingin ko na lamang nang kuhain niya ang kamay ko na may bahid ito ng dugo. Nagtataka akong napaigik nang maramdaman ko ang hapdi na galing sa alcohol. "Pero sana, huwag muna ulit sasaktan ng ganito ang sarili mo, please..." naluluhang saad niya na niyakap ako. Hindi ko lubos maisip ang nangyayari sa buhay ko. Ngayon ay mabilis uminit ang ulo ko at hindi ko rin lubos maisip na mabilis akong maapektuhan kapag si Hell ang pinag uusapan namin dalawa. Tumakas ako kay Hell mga ilang araw na din ang nakalipas at talagang hindi niya ako nahanap. Hindi ko alam pero hindi manlang binalak ni Hell hanapin ako sa kapatid ko at sa condo na siyang may bigay. Gusto ko lang naman sana kalimutan siya at lalo na sa mga nangyari sa akin at lalo na sa babae niyang si Calla. Napatingin na lamang ako sa pagbukas ng pintuan at iniluwa nun ay si Jack na ngayon ay napatingin sa akin at kay Mynx. Para bang hindi na siya nagulat na andirito ako. "Ano'ng ginagawa mo rito?" basag ko sa katahimikan na alam kong gusto nila akong pakiramdaman kung ano ang magiging reaksyon ko sa nakikita ko. "Buwan-buwan talaga andito ako para ihatid ang budget ng kapatid mo." saad naman ni Jack at ngumiti sa akin. "Wala naman akong balak magtaga--" "Ibalik mo na iyan. Hindi kailangan ng kapatid ko niyan." saad ko rito na ikinakapit na lamang sa akin ni Mynx na ngayon at para bang pinipigilan akong magsalita. "Bakit? Ayoko lang na tatanggap ka pa galing sa kany--" "Kanino? sa akin?" Bigla akong kinabahan sa munting tinig na baritonong na nanggagaling sa pintuan at hindi ako nagkakamali dahilan kilala ko kung sino iyon. Naka-white tuxedo ito at blue pants na matikas na nakatingin sa akin na ngayon ay nagpalambot naman ng tuhod ko. Mabilis na kumunot ang kilay nito na tinignan ang kanang kamay ko. "W--what happen to your hands?" aniya na mabilis naman lumapit sa akin at kinuha ang kamay ko at tinignan ang sugat nun. "Ano pa nga ba Kuya, malamang nag wawala na naman siya." napatingin na lamang ako kay Mynx na hindi ako makapaniwala na para bang matagal na niyang kilala si Hell dahilan sa paraan niya makipag usap rito. "Hanggang ngayon ba naman magmamatigas ka?" saad naman ni Hell na ngayon ay kinuha ang medicine kit mula kay Mynx. Gusto kong batikusin ang sarili ko dahilan sa hindi ko man lang nakuhang tumanggi sa nga sinabi ni Hell at talagang akala ba niya'y pinapatawad ko na siya sa kanyang ginawa? "Tari kana, muna sa Mall Kuya Jack. Gusto ko kasi bilhin ang project ko e," napatingin na lamang ako kay Mynx at hindi ko akalain na gagawin niya ito at iiwanan niya ako? Siya ba ang nagtext kay Hell na andito ako sa condo niya? "Bumalik ka rito Mynx! Ipaliwanag mo sa akin ang lahat ng ito." naghihimutok kong saad sa kanya na ikinahagikgik na lamang nito. "Hoy, bata. Wala akong pera dito. Diyan kana lamang sa Kuya Hell mo mag pa-libre. Hindi ako bangko." saad naman ni Jack na para bang kinakabahan sa ipapabili ng kapatid ko sa kanya. "Tari kana kasi Kuya Jack." pilit nahinihila naman ni Mynx si Jack na ikinatingin naman ni Hell at mabilis sa alaskuwatro na lumabas din kaaagad si Jack kasama ni Mynx. Napatingin na lamang ako sa nilabasang pintuan nila Jack at Mynx at napalunok sa lalaking kaharap ko na busy gamutin ang sugat ko. "Kahit baliktarin mo pa ang mundo, hindi pa rin kita mapapatawad." saad kong panimula kay Hell. "I know, pero baliktarin mo rin ang mundo. Hindi rin ako magsasawang mag sorry sa 'yo." aniya sa akin na ikinatingin ko na lamang sa kanya. Ang huli naming pag uusap ay talagang hindi ko alam ang gusto kong isigaw sa mukha niya, pero nagagalit pa rin ako sa nangyari sa anak namin. "Please lang, sana naman ngayon ay pakinggan muna ako. Dahil sinabi ko na sa iyo, na hindi mo ako matatakasan kahit saang lupalop ka pa naroroon.—" aniya sa akin na ikinatingin ko naman sa mukha niya. "Alam ko naman na alam mo rin na isa akong Mafiaboss at alam kong alam mo ang sakop na meron ako, at ilang beses ko rin sinabi sa 'yo ang pagmamahal ko pero hindi ka pa rin nakinig sa akin." aniya sabay tingin sa kawalan. "Ginawa ko naman ang lahat para paniwalaan mo ako, e. Ginawa ko rin naman ang palayain ka kahit saglit kahit na napakahirap gawin." aniya na ikinatingin ko naman sa kanya. "Sana'y tuluyan mo na akong palayain. Hindi iyong masasaktan lamang ako ng ganito." saad ko sa kanya na ikinatingin naman nito sa akin at mapait na napangiti. "Hindi maari, dahil simula ng angkinin kita'y akin kana. At walang sino man ang makakasira pa nun. Wala, sino man." aniya na mabilis nagbago ang enerhiya niya. Mabilis ko naman siyang sinampal dahilan na rin sa emosyon na hindi ko mapigilan. "Simula nang mawala ang anak ko'y hindi na ako kailanman magiging sa 'yo! Hindi na." sabay hagulhol sa sobrang galit. "P--please... Kahit ngayon lang pakinggan mo ako?" aniya na hindi ko alam kung nagkukunwari lamang siya para maawa ako o magpaloko na naman ako. "Bakit Hell? sa tingin mo ba? kapag nakinig ako sa 'yo maibabalik mo pa ang kambal? Maibabalik mo pa ang buhay ng anak natin?" saad ko sa kanya na ikinailing na lamang niya. Hindi ko akalain na ganito ang kahihinatnan nang lahat sa akin. "Alam mo, alam kung gaano ko kagusto ang mabuntis ka. At alam mo rin kung paano ako nahulog sa 'yo. Please... bumalik kana sa akin? Lahat gagawin k---" "Kahit anong i-utos ko? paano kong mamatay kana? o mag pakamatay kana?" saad ko naman sa kanya na ikinatingin nuya sa akin at pinahid ang kanyang luha at bigla na lamang itong tumayo. "Iyon ba talaga ang gusto mo?—Ang mawala ako?" aniya na hindi ko alam ang isasagot. Pero napatingin na lamang ako sa kanya nang bigla siyang lumakad patungo sa pintuan at hindi na siya lumingon pa. Bigla na lamang akong kinabahan. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko, pero natatakot naman ako sa kahihinatnan nito. Oo galit ako, pero hindi ako masamang tao para ipagawa ang bagay na iyon. Nadala lamang ako nang galit. Galit na mukhang pagsisisihan ko hanggang sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD