Habang nakatanaw ako sa kawalan ay siya naman kusang pagbagsak ng aking mga luha na nag-uunahan para bumagsak sa lupa. Kasabay naman nu'n ang kirot sa aking puso na hindi ko lubos maisip na inalagaan at iningatan ko ang mga anak ko, pero sa isang iglap ay para lamang naglaho ang lahat nang pangarap ko sa mga anak ko. Bakit kailangan sa akin pa ito mangyari? Bakit kailangan sa akin na ang ginusto lamang ay sumaya sana sa lahat ng sakit na aking naramdaman.
''Bakit ako pa?! Kung kailan handa ko nang tanggapin ang lahat?!'' saad ko sabay hagis ng mga gamit sa ibabaw ng lamesa na aking kinalalagyan. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari buhay ko. Malakas ang pagtangis na ginawa ko para ilabas lahat nang sama ng loob ko.
Kung wala na din naman ang anak ko, bakit naririto pa ako? ayokong makasama si Hell nang habang buhay puro pasakit lang ang ibinibigay niya sa akin na alam kong hindi niya na ako kailangan ngayon dahil wala na ang anak namin.
Malakas na bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ay si Hell na mabilis na lumapit sa akin pero kasabay nu'n ang naramdaman kong galit na naman sa kanya. Bakit ba kasi sa tuwing magagalit ako, siya ang palaging andiyan para i-comfort ang nararamdaman ko? Hindi ko siya kailangan. Dahil sa kanya kaya nawala ang mga angel ko. Dahilan sa panloloko niya sa akin ay nawala ang mga pinag iingatan ko sa buhay.
''Kasalanan mo ito lahat! Kung hindi dahil sa 'yo'y kasama ko pa sana ang mga anak ko. At kung hindi dahil sa 'yo. Hindi ako magkakaganito!'' saad sa kanya na pinaghalo-halo na ang galit at sakit na nararamdaman ko sa kanya. Nakita ko naman ang kanyang mga mata na hindi ko alam kung nasasaktan ba siya o naawa sa akin dahilan sa nalaman ko din ang katotoohanan sa kanya. Lalo na ang panlolokong ginagawa nila sa akin.
''H-hindi ko intensyon na mawa--''
Malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya na hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sa mga pinagsasabi niya hindi ako makapagpigil na hanggang ngayon ganyan pa din ang sasabihin niya na paniniwalain niya ako na hindi niya ginusto ang nangyari sa anak namin at lalo na sa ginawa niya sa akin. Bahagyang natulala ito sa aking nagawang pagsampal.
''Uulitin ko. Ikaw ang may kagagawaan ng lahat nan--''
''Please, kahit ngayon lang Fulvia, makinig ka sa akin. Oo inaamin ko na sinabi at binalak namin iyon, pero noong aksendinteng dumating ka sa buhay ko'y nagbago ang lahat. Totoo ang sinabi ko at nararamdaman ko sa 'yo, mahal kita at ang mga anak natin. Wala akong inisip kundi ikaw lang, kahit na isa akong Mafiaboss na masama noon ay nagbago ako para sa 'yo kasi mahal kita.'' huminga muna ito saglit kasabay nu'n ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa kanyang makinis na pisngi. ''—Mahal kita. Mahal na mahal kita. Fulvia,'' aniya sa akin naikinatulala ko na lamang sa kanya. Hindi ako nagsalita, hindi ako makatingin sa mga mata niya dahilan pinipigilan ko ang aking sarili na mahulog na naman sa kanyang patibong na alam kong isang kamalian na kapag ako naniwala sa kanya'y baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mahalin ko siya kahit na nagkamali siya sa akin.
Hindi maari dahilan sa gusto ko na din lumayo sa kanya.
Narinig ko na lamang ang pagsara ng pintuan na alam kong lumabas na siya. Matagal din akong tulala sa mga narinig ko sa kanya at naguguluhan pa rin ako sa dapat kong paniwalaan. Hindi naman ako papayag na mabilis lamang makuha ni Hell ang kapatawaran sa kanyang kasalanan sa akin. Lalong-lalo na sa mga anak ko, hindi ako makakapayag.
Bumukas muli ang pintuan ay akala ko si Hell muli ito pero nagkamali ako dahilan isa sa mga katulong niya ito at dumiretsyo para linisin ang mga kalat na ginawa ko kanina.
Mabilis akong lumabas at nanlaki ang mga mata ko sa mga kalat sa labas. Halos lahat nga ng vase ay nakakalat sa daanan. Pahakbang nasa ako muli nang magulat ako na umangat ako bigla sa ere at napatingin sa lalaking bumuhat sa akin na parang bagong kasal.
''Maraming nagkalat na bubog rito sa labas, sana'y sinubukan mo rin mag tsinelas baka masugatan ka pa.'' aniya sa akin na ngayon ko lamang napansin na nakayapak pala akong lumabas sa kuwarto.
''I-Ibaba mo nga ako. H-hindi na ako nasasaktan kahit na masugatan pa ako, dahil winasak mo ako at sinaktan mo pa.'' saad ko sa kanya, pero hindi niya ako pinakinggan. Hindi ko alam kung bakit para bang kakaiba ngayon si Hell kanina lamang ay umiiyak siya sa mga sinabi ko, pero sinusubukan pa rin niya natulungan ako sa mga nasabi ko sa kanyang masasakit.
''H-hindi kita... mapapatawad.'' saad ko dito na ikinahinto na lamang niya sa paglalakad.
''I know,'' aniya sa akin na sinimulan muli ang paglalakad at inilapag ako sa malaki at pulang sofa. Napatingin na lamang ako sa labas ng veranda at napansin ko na maghahapon na pala at napakaganda ngayon ng paglubog nang araw.
''Suotin mo ito.'' napatingin ako kay Hell na may inabot na jacket. Kesa mag away pa kami ay mabilis ko na lamang kinuha iyon dahilan sa malamig na rin naman ang simoy ng hangin. Nasa labas kasi kami at talagang dito niya ako idinala. Naaamoy ko ang napakabangong pabango ni Hell na madadala ka. Ayokong sirain ang araw na ito dahilan sa natatanaw ko ang paglubog nang araw.
''Bakit ginawa mo iyon... bakit ninyo ako nagawang lokohin?'' hindi ko maiwasan ang hindi na magsalita dahil gusto ko talaga malinawan at masigurado ang mga bagay-bagay.
Nakita ko naman na tumingin ito sa akin at ngayon ay may dala naman siyang kape at gatas na para sa akin. Inilapag niya ito sa harapan ko at siya naman umupo sa katapat kong upuan.
''Ginawa ko ang bagay na iyon noon dahilan sa wala talaga akong tiwala sa mga babae. Alam ko din naman na pera lamang at kapangyarihan ang gusto nila makuha sa akin, kaya naisip namin na pagkatapos nila ibigay sa akin ang bata na anak ko'y babayaran ko na lamang sila at hindi kasama roon ang usaping pag-ibig.'' mahabang lintanya niya sa akin.
''Noon iyo--''
''Marami ka nang isiniping bukod sa akin?'' saad ko sa kanya naikinaubo naman nito sa aking katanungan.
''What the f*ck?! Of course not. What do you think of me that I will also give myself to others for anyone?'' aniya sa akin. Anong kinagagalit niya? Nagtatanong lang naman ako dito.
''Malay ko bang marami ka--''
''Mapili rin naman ako na tao, hindi lang babae ang dapat pumipili para sa tamang lalaki na kailangan ay healthy at maanakan ko talaga at malinis ang backgrounds.'' aniya sabay higop ng kape at nakatitig naman sa akin.
Healty daw. Naku!
''Si Calla, natikman mo na ba siya?'' saad ko sa kanya na ikinakunot naman ng magaganda niyang kilay. Siguro, natikman na niya ang babae na iyon.
''Calla and I are just friends and that's it. Hindi ko naisip na makasiping o maka-s*x si Calla sa buong buhay ko dahilan sa itinuturing ko siyang kababatang kapatid.'' aniya sa akin na seryoso na nagsasalita. Sana'y ganito na lamang ang ginawa namin kanina para mag usap dahil pakiramdam ko lahat nang itatanong ko sa kanya ay sasagutin naman niya ng tama.
''Pero, bakit gano'n na lamang ang galit niya sa akin? At nagawa niyang patayin ang anak k--''
''Anak natin, hindi anak mo lang.'' aniya na ikinaikot na lamang ng eyeballs ko.
Napatingin na lamang ako sa lumubog na araw at mukhang pati ang araw ay napapagod ngayong araw na ito.
''Alam kong galit ka sa nagawa ko sa 'yo pero sana isipin mo na nasaktan din naman ako sa inaasahan ko na andiyan na ang mga anak natin para sa atin. Hindi lang ikaw ang magulang nila Fulvia, pati ako'y nasaktan sa ginawa ni Calla.'' aniya at napayuko na lamang at ngumiti ng mapait.
''Kahit ilang beses ko din naman ipaliwanag ay bulag ka nasa galit mo sa akin, pero sana'y huwag mo subukan lumayo o umalis sa puder ko. Dahil kahit ano pa man ang gawin mo'y hindi mo matatakasan ang isang kagaya ko. Hindi kailanman.'' aniya na ikinagulat ko na lamang sa sinabi niya sa akin. Tumayo ito at iniwan ako mag isa dito sa veranda at iniwan na tulala.
Kakaiba ang kilabot sa huling sinabi niya na ikinalunok ko, kakaiba si Hell sa mga katagang iniwan niya o sinabi niya dahilan para bang may pagbabanta ito na kailangan kong mag ingat sa aking binabalak na pag-alis. Kailangan ko makaisip na hindi niya ako mahuhuli sa aking binabalak na pag-alis sa buhay niya habang buhay.