bc

Billionaire's Illegal Girlfriend

book_age18+
1.6K
FOLLOW
47.7K
READ
forbidden
one-night stand
family
HE
escape while being pregnant
opposites attract
pregnant
kickass heroine
police
mafia
single mother
heir/heiress
bxg
office/work place
disappearance
enimies to lovers
lies
war
addiction
assistant
wild
like
intro-logo
Blurb

Sa kagustohan ni Judith na magkaroon ng trabaho ay pumayag siya na maging bodyguard ng isang pulis na si Giovan Samonte, iyon ay kahit di naman siya marunong maski pumatay ng ipis man lang. Inaral pa niya ang mga self defense at paghawak ng baril. Sa una ay ayos lang ang trabaho niya, pero kalaunan ay nabahiran na ng emotion niya ang lahat nang ipakilala siya nitong nobya sa mga kamag anak nito. Unti unting nahulog ang loob niya sa lalaki. Pero Kakayanin ba niyang maging Illegal Girlfriend lang nito gayong gusto niya ay maging tunay na girlfriend nito at matatanggap kaya nito ang isang lihim ng kanyang nakaraan at ang bunga niyon?

chap-preview
Free preview
GIO 1
Tahimik lang siya habang nakikinig sa mga nag uusap na mga bisita ng kaibigan niyang si Dria, kakakilala niya lang sa mga ito dahil tinulongan niya ang mga ito na makahanap ng matutuloyan. At doon nga sa masungit na pinsan ng Mama niya ito naituro, nabili na ng mga ito ang bakanting bahay na kalapit lang ng bahay nila. Medyo inaantok siya dahil nilalagnat si Kade, bagamat apat na taon na ang anak niya ay super protective parin siya dito. "Uy Judith kumain ka kaya, kanina pa kita kinakausap di kaman lang sumasagot diyan!" Palatak ni Aqua sa kanya. Maiingay ang mga ito, pero di siya naiirita na kagaya ng pagka irita niya sa tuwing nag iingay ang Tita niya. Para siyang bumabalik sa panahong dalaga pa siya, yung wala pa siyang anak na responsibilidad niya. Pero ngayon ito siya at tila pasan ang daigdig lalo na ngayong wala na naman siyang trabaho. Mahirap pala na magkaroon ng katrabaho na tila ba ay tagapagmana ng kompanya. Nakakasakal pala ang ganun lalo na at di naman din biro ang pressure sa kanila ng mga heads about sa sales. Medyo hirap siya pagdating sa bagay na iyon lalo na dahil mahilig pang manulot ng customer ang katrabaho niyang iyon. At kahapon nga ay napuno na siya sa babae at inaway niya ito, idagdag pa ang manyakis nilang boss na hinipoan siya kaya ayon ura urada ang kanyang pag resign. Hindi na niya pinag isipan man lang ang kanyang naging pasya, sa galit niya sa mga ito ay nakalimutan niyang kailangan niya pala ang trabahong iyon. Pero magsisi man siya ay huli na, tsaka tama lang siguro ang ginawa niya, di na niya kakayanin pa na makasama ang mga demonyong kasama sa trabaho. Di healthy sa kanyang mental health ang mga ito. "Ito na kakain na, ano ba ito pinakuloang medyas?" Biro niya sa babae na tinikman ang inihain nitong pagkain. "Siraulo to, expert to magluto ui kaya nga inlove na inlove sa akin si Jhai e." Sabi ng babae. "In love pero para ka namang may ketong kung kausapin, may singhal pang kasama." Sabat ni Julliana sa kanilang pag uusap. "Grabe naman to, wag ka nga lang sabat ng sabat nakakasakit ka sa heart e. Masyado kang honest e para kang di kaibigan, may LQ lang kami nun kaya yun masungit sakin." Sabi ng babae, di niya kilala ang Jhai na sinasabi ng babae. Masyado na siyang maraming dinadala na problema sa utak niya at di na niya kayang problemahin pa ang problema ng iba. "Ewan ko ba sayo ang ganda ganda mo, wag kanang humabol habol pa doon sa damuhong gobernador na yun. Obvious naman na wala na siyang paki sayo at sa past nyo." Dagdag pa ni Julliana sa kaibigan. "O ano Judith may idadagdag kapang panlalait sa luto ko? Wag kang mag alala at araw araw mong matitikman ang luto ko, araw araw akong magpa practice na magluto para gumaling ako." Sabi pa ng babae. "Masarap, binibiro kalang e." Sabi niya dito. "Parang may kakaiba sayo today." Sabi ni Jana na nakatitig sa kanya. "Sa akin? Wala a nag aalala lang ako ang hirap kasi na makahanap ng trabaho, di ako pupwedeng matingga ng matagal kailangan ko na bumili ng gamot nila Mama at Papa na pawang may mga maintenance medicine na." Daing niya dito. Di alam sa kanilang lugar ang tungkol sa kanyang pagkakaroon ng anak. Ang alam ng mga ito ay sa kanyang pinsan ang bata, di naman sinasadya ang ganun. Pero hinayaan na nila ang ganun lalo at di rin naman niya kayang sagutin ang tanong kung nasaan na ang ama ng bata. "Surprised!" Halos mapatalon siya nang bumukas ang pinto at magsipasok ang mga lalaki. Di niya kilala ang mga ito, pawang mga magagandang lalaki at walang itulak kabigin. Halos nakatulala lang siya sa mga ito, napansin niya naman kaagad ang mukha ng isa sa mga lalaki na nandun. Para kasing pamilyar ang mukha nito, pero parang natatakot naman siyang tanungin ang lalaki sa pangalan nito. At nang ipakilala na sa kanya ay lalo tila na disappoint siya nang malamang Gio ang pangalan nito at hindi Van. Five Years Ago Damang dama niya ang pagkainip at pagka pikon, lalo na at kanina pa mahaba ang pila ng mga pasahero sa airline company na nakuha nila ng Mama niya. Kinakailangan niyang puntahan ang kanyang Ama dahil may malubha na itong karamdaman ngayon. Sa totoo lang ay malaki ang naging galit niya sa ama niya dahil inakala niya na ito ang dahilan ng pagkasira ng pamilya nila. Pero mali pala dahil inamin mismo ng Mama niya na ito ang nangaliwa kaya nasira ang pamilya nila. "Ano ba yan, wala namang bagyo bakit na delay ang flight natin? " Mababakas ang pagkayamot sa mukha ng babaeng nakapila din na gaya niya. "Di na naman bago ang mga ganitong scenario sa mga paliparan, palibhasa kasi mga luma na ang mga eroplano kaya madalas na ang maintenance." Sabi ng isang may edad na lalaki. Papunta siyang Mindanao ngayon, medyo nag aalangan pa siyang magbiyahe ngayon dahil unang una wala siyang kasama, pangalawa ay alam naman niya na lubhang mapanganib ang lugar na pupuntahan niya. Maraming mga bandidong grupo ang doon naninirahan sa lugar ng ama niya, sabi pa nga ng isa niyang tiyahin ay mag iingat siya sa biyahe palang, dahil may mga ilang mga takas sa bilanggoan ang doon na naninirahan. Maski ang mga ibang lahi na mga kriminal ay meron din daw doon, di niya alam kung bakit doon pa pinili ng Papa niya na manirahan, gayung aware naman ito sa panganib na maaring dulot ng paninirahan sa lugar na iyon. Dadalhin niya na ng Laguna ang kanyang Papa bukas na bukas din, di rin naman siya pwedeng magtagal sa lugar na iyon at ayaw niyang mag alala ang Mama niya. "Ganyan talaga sa Pinas, para naman kayong bago ng bago sa kalakaran ng bansa natin, as long as naraming corrupt e di na talaga magbabago ang ating mga nakasanayan at nakamulatan na nating problema. Tinitipid nila ang mga maintenance fee para mas malaki ang kita nila, iwas na iwas sila sa mga liability na kaakibat ng kanilang negligence kaya ang nag suffer ay ang mga consumer, ang mga biyahero. " Dinig niyang tungayaw ng isang lalaki na nakacoat pa na suot. Mukhang masyadong abala ang kanilang biyahe ngayon, ayon sa narinig niyang pag uusap ng mga empleyado ng airline company ay aabutin ng dalawang oras ang delay ng kanilang flight. At ang problema niya ng mga sandaling iyon ay ang sasakyan papunta sa lugar ng ama niya mismo. Sa pag uusap nila ng kanyang tiyahin ay nasa Liblib na lugar pa ang kanyang ama na pagdating ng alas kwatro ng hapon ay wala na masasakyan papunta doon. Parang gusto na niyang magback out nalang ng mga sandaling iyon, alam kasi niyang wala siyang matutulogan pagdating niya doon. Pero nanghihinayang din siya sa pera na ipinangbili nila ng ticket lalo at inutang pa ng Mama niya iyon sa bombay. Kaya sa kabila ng pangamba niya ay pinili nalang niyang maghintay sa flight niya at tumuloy nalang sa kabila ng mga nakaambang panganib. Wala paman din siyang cellphone na magagamit dahil naisangla niya iyon bilang pandagdag sa allowance niya sa biyahe niyang iyon. "Papuntang Zamboanga ka din ba?" Tanong ng babaeng katabi niya, halatang muslim ang babae sa suot nitong abaya at hijab. Bahagya siyang nailang kasi mostly ay masasama daw ang ugali ng mga muslim, ayon sa mga naririnig niya habang lumalaki siya. Pero mukhang harmless naman ang babae, dangan nga lang at medyo may tono ang Tagalog nito. "Opo, kayo po ba? Sa Flyro din po ba ang airline company nyo?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang airline company na kanyang nakatakdang sakyan. "Oo ang tagal nga e, nakakainis nga e nagmamadali pa naman sana ako." Sabi nito na bakas ang panghihinayang sa oras. Sino ba ang hindi, lalo at malaking abala sa kanila ang lahat ng mga paulit ulit na inspection ng mga crew. "Ang dami pa naman naming dala." Sabi naman ng katabi nito. Gusto niya sanang magtaray sa babaeng sumabat kahit di naman tinanong, pero naalala niya na wala siyang karapatan na magtaray dahil isa lang siyang dukha. "Sana lang may masakyan na ako agad pagkarating natin ng airport." Sabi niya na ikinalingon ng dalawang babae sa gilid. "Saan ka sa Zamboanga Neng?" Tanong ng muslim na babae. Sinabi naman niya kaagad ang Bayan at ang brgy na kinaroroonan ng kanyang ama. Mukhang alam ng mga ito ang lugar na sinasabi niya, aware ata ang mga babae sa history ng lugar ng Papa niya. Wala ng ibang tao na kumausap sa kanya matapos na umalis ang babae na muslim. Napalingon siya nang makita ang isang poging lalaki na may dala dalang bag na maraming bulsa at gitara. Nag iwas nalang siya ng tingin at di pinansin ang tila pagkakagulo ng mga kababaehan sa airport. Pinili nalang niyang ipikit ang mga mata at umidlip habang naghihintay sa kanyang flight. "Ang pogi naman ng lalaki, mukhang bakasyonista siya." Sabi ng isang bakla na nasa harap ng inuupoan niya nakaupo. Na gwapuhan din naman siya sa lalaki kaya lang ay di naman kasama sa kanyang pakay ang paghahanap ng gwapo. Naroon siya upang sundoin ang kanyang ama, kaya pasensya nalang ang mga gwapo na makasagupa niya sa lugar. Wala pa naman siyang nagiging nobyo sa tanang buhay niya, pero sandamakmak naman ang kanyang crush. Para sa kanya kasi ay sagabal lang sa kanyang pag unlad ang pagkakaroon ng karelasyon at naniniwala siyang makakaya naman niyang mabuhay ng walang lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook