Gabi na ng dumating ang Mama niya kasama si Kade halata sa mukha ng bata ang pagod. Lalo na at hindi biro naman ang biyahe papunta sa kanila, kahit anong pigil ni Papang kasi kanina na wag na itong sumama ay hindi talaga ito nagpapigil. Gustong-gusto din kasi nito yung nagbibiyahe. "Anak pakilinis na lang ako kay Kade at medyo masakit na talaga ang katawan ko." Sabi ng mama niya sa kanya. Nang may trabaho kasi siya ay ang mama niya talaga ang naging hands on sa pag-aalaga kay kade. Marami ang mga panahon na hindi niya halos maalagaan yung anak niya dahil sa trabaho niya, at lubos niyang ipinapasalamat iyon sa Mama nya. Paano nalang pag wala na ito tiyak ng mahihirapan siya kaya habang malakas pa ito at kaya pa nitong bantayan si kade ay kailangan niya ng makahanap ng trabaho at mag-ipo

