Kinakabahan siya habang papalapit ng papalapit sa bahay ni Gio. Nasa fifty five thousand ang nagastos niya habang nasa thirty naman kay Poly. Tapos may mga binili pa na make up materials basic lang naman ang kinuha niya. Ayaw nga sana nya kaya lang mapilit si Poly kaya kinuha na niya para wala nang mahabang usapan pa. Binawas naman ang lahat ng nagastos niya sa atm na kabibigay lang ng lalaki kaninang umaga. Yung kay Poly naman ay may sariling card naman ito na inilabas. Sabi nito bigay iyon ng Kuya nito, pero bukas daw pag nag shopping na ay si Gio na din ang magbibigay ng pang shopping nito. "Di na ako sasama bukas na mag-shopping kasi maraming mga damit doon sa closet pagkarating ko pa lang, sabi nila daw iyon ni Gio sabi ng mga kasambahay. Hindi ko naman yung kayang isuot lahat. "

