Napakunot ang noo ni Gio habang nakatingin sa mga dokumento na nasa kanilang harapan. Iniisa isa nito ng tingin ang mga papeles na hawak nito sa kamay nito ngayon. Sinabi kasi nito na titingnan nito ang mga dokumento na dumating mula sa Mindanao at gaya ng sinabi nito ay maaga palang ito sila sa may lamesa at ikinalat pa nito ang mga papel sa lamesa. Tulog pa ang mama niya at Papang maging si Kade ay tulog na tulog nang iwanan niya sa kama. "So? Ano ang napansin mong kakaiba sa mga papel? Peke ba?" Kunot ang noo na tanong niya dito. Yun kasi ang purpose niya ng pagpapakita ng mga papel dito, gusto niyang malaman kung lehitimo ang mga papel na iyon, lalo na sa panahon ngayon na napakahirap na i identify ang peke sa hindi. Habang tumatagal ay pagaling ng pagaling ang mga nangungupya nala

