Kinabukasan ay maaga walang nasa bahay na ni gio si Poly at syempre pa ay kasama nito ang bago nitong driver na si Berto, hindi niya tuloy alam kung paano iiwas dito. Ang alam pa naman niya ay napapalibutan ng cctv ang buong bahay ni Gio. Meaning lahat ng parte ng bahay nito ay may cctv camera na nakalagay. Kaya hindi siya po pwedeng makipag-usap kay Berto, nakakailang sa totoo lang dahil wala namang ginagawang masama ang tao pero kinakailangan niyang iwasan. "Ate Judith swimming tayo!" Masayang sabi ni Poly sa kanya. Napag usapan nila kanina ng mga kasambahay na regular visitor na nga daw sa bahay na iyon si Poly. Malaya nitong magagamit ang mga gamit sa bahay na iyon nang walang sumisita dito, lalo na at paborito daw ang babae ng mga magulang ni Gio. Nang mabanggit ang mga magulang n

