Shanie's POV
Chanel: Tara na?
Naglakad ulit ang lahat. At still magkatabi parin kami ni Jonie.
Nananahimik ako. Dahil hindi ko akalaing nasabi ko kay Jonie.
Biglang nagtanong si Jonie sakin na parang kami lang dalawa ang naglalakad. Pero sila Glen at Chanel magkasama. Dahil ready to comfort ni Chanel si Glen. Sila Julia at Shiwin naman, naglalaro na parang action Star.
Biglang umiyak si Glen.
Jonie: Alam mo Glen dapat hindi tayo ang umiiyak sa mga babae, dapat tayo ang iniiyakan.
Sinapok ko si Jonie.
Shanie: Huy! Ang sama mo! Alam mo ba yun ha?!
Chanel: Oo nga. Kaasar to.
Jonie: Hahahahha
--------------------
Jonie: Diba sabi mo kanina ako crush mo?
Shanie: Oh napano?
Patay malisya kong tanong pero ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan na talaga ako.
Jonie: Ano nagustuhan mo sakin?
Shanie: Hmm..kasi maparaan ka, maaalalahanin, conservative, tas medyo may pagka sweet.
Jonie: Ahh…
Naglalaro sila Julia at Shiwin para hindi mainip at nagawa nilang mapatawa ang lahat.
Nagpunta sila sa bahay nila Mikaella at dun pinagpatuloy ang pagpapahinga.
Si Shanie naman ang nangungulit kung sino ang crush ni Jonie. Pero ayaw sabihin ni Jonie.
Hanggang matapos ang time nila, nakasandal lang si Shanie sa shoulder ni Jonie.
Sweet and romantic day yun para kay Shanie.
Dahil yun ang first time na nangyari sakanya yun kahit na second crush si Jonie.
Chanel: Nie, tara na uwi na tayo.
Jonie: Chanel. Wait lang. Mamayang 10 nalang hatid ko kayo hanggang sa school.
--------------------
Jonie's POV
Jonie: Chanel. Wait lang. Mamayang 10 nalang hatid ko kayo hanggang sa school.
Shanie: Seryoso ka? Ayaw mo pa ata kami pauwiin ahh.
Oo nga noh. Ayaw ko pa sila pauwiin?
Hindi ko rin alam.
Jonie: Hindi naman sa ganun. Kasi syempre pagod tayo.
Shanie: Hhmmm...okie po.
Ayun. Lusot! Haha.
Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ba talagang nararamdaman ko kay Shanie.
Nung sinabi niyang gusto niya ako. Nagulat talaga ako. Pero yun bang hindi naman bumilis ang t***k ng puso ko. Nagulat lang pero walang spark. Wala akong kakaibang naramdaman. Ayoko naman paasahin si Shanie pero ayaw ko rin siyang saktan kasi kaibigan ko siya.
Basta wala akong sinabing gusto ko siya at hindi ko siya binibigyan o bibigyan ng dahilan para umasa. Dahil alam kong masasaktan lang rin siya sa huli.
10pm na, at nagtext na ang tita ni Shanie.
Shanie: Jonie uwi na kami nagtext na si tita eh.
Jonie: Sure ka? Sige, hatid ko na kayo.
Shanie: Tara na Chan.
--------------------
Shanie's POV
Umalis na sila at pati sa paglalakad, super close sila.
Masaya yung gabing yun para kay Shanie.
At ng makarating sa may school ng elementary. Magpapaalam na nga lang sila sa isa't isa parang ayaw pa maghiwalay. Dahil nung magpapaalam na si Jonie kay Shanie parang umikot lang si Jonie pero nakadikit kay Shanie. Corny man basahin pero kinikilig si Shanie.
Hanggang pagdating ng bahay, nakangiti parin si Shanie. Dala dala nya hanggang bahay nila ang saya at pagkakilig nya. Hindi na nga sya makatulog dahil si Jonie ang nasa isip nya. Hindi makalimutan ni Shanie ang nangyari at parang gusto nalang nya na huminto ang oras at dun nalang sa masayang part na yun huminto. Ayaw na matapos ni Shanie ang araw na yun. Masaya at naramdaman nya ulit ang umibig.
--------------------------------------------------EPISODE 4: CRUSH--------------------------------------------------