Shanie: Jonie? Gusto mo talaga malaman?
Jonie: Oo ba. Sige. Teka, dito, dito, dito tayo sa likod. Oh sino na?
Shanie: Wag nalang kaya. Nahihiya kasi ako.
Jonie: Ang daya naman.
Natahimik ang dalawa. Nagpahinga sandali sila at inaantok na si Shanie. Si Shiwin at Julia ay bumili ng ice water.
Shanie: Jonie, pwede pasandal sa shoulder mo? Inaantok na kasi ako eh.
Sumandal sa shoulder ni Jonie si Shanie.
Pero ang ginawa ni Jonie, niyuyugyog sya.
Shanie: Wag ka magulo.
Jonie: Sino nga kasi?
Shanie: Wala nga, makulit ka din noh.
Jonie: Ayy...
Julia: Shanie oh. Eto na inumin.
Shanie: Salamat.
Uminom na si Shanie, pero pagkabukas sa ice water nabasa nya si Jonie. At sabay tawa ang magkakasama.
Shanie: Ayy Sorry Jonie.
Sabay punas kay Jonie.
Jonie: Ay naku. Ok lang sige.
--------------------
Jonie's POV
Anu ba yan. Gusto ko mainis kasi nabasa nya ako. Pero wala pinabayaan ko nalang. Di naman din nya sadya yun tss. Pero nabasa parin ako. Ang kaso, pinunasan naman nya. Ayy ang g**o ko naman!
Naglakad ulit kami pagkatapos magpahinga sandali. Habang naglalakad kami tinanong ko siya.
Jonie: Bakit ba kasi ayaw mong sabihin?
Shanie: Eh kasi nga diba baka magkaiwasan lang.
Jonie: Eh sino nga ba?
Sabi ko sabay tingin kay Shanie.
Shanie: Jonie paano kung ganito?
Jonie: Ano?
Shanie: What if ako nagkagusto sayo? Iiwas ka?
Jonie: Hindi. Bakit ako iiwas? Matutuwa pa nga ako kasi kahit ganito ako may nagkakagusto din pala.
Shanie: Ahh…Ganun ba?
--------------------
Shanie's POV
Natahimik kami sandali. Pagkatapos, si Jonie naman ang nagtanong, at ikinagulat ko ito. Alam kong hindi ko dapat bigyan ng malisya ang tanong ni Jonie kaya hindi ko nalang inisip ang tanong niya.
Jonie: Paano kung baliktad?
Shanie: Ha? Anong ibig mong sabihing baliktad?
Jonie: Baliktad. Paano kung ako ang magkagusto sayo? Iiwas ka?
Shanie: Ahh..ahhmmmm...hindi siguro. Ewan.
Pagkatapos kong sabihin yun, napansin kong parang nalungkot siya. Minabuti ko nalang na wag siyang tanungin.
Sa paglalakad nagpahinga ulit kami, at ang pangyayaring yun na siguro ang hinding hindi ko makakalimutan.
Sumandal ulit ako sa shoulder ni Jonie at niyugyog ulit niya ako para kulitin kung sino ang crush ko.
Umamin ako…
At nagkunwaring inaantok si Jonie para maulit ko kung sino ang crush ko.
Halata naman kasi ee.
Anong nangyari? Ganito kasi yun...
--------------------
Jonie's POV
Kinukulit ko parin si Shanie para sabihin na niya sakin ang crush niya. Para naman kasing malaki ang mawawala pag sinabi niya ee. Baka nga matulungan ko pa siya e.
Jonie: Uy! Sino na?
Shanie: Ang alin?
Jonie: Crush mo?
Shanie: Wala nga.
Jonie: Sino nga kasi?
Shanie: Ikaw!
Nagulat ako sa sinabi niya.
Tama ba ang narinig ko?
Ako ang gusto niya?
Jonie: Sino?
Shanie: Wala.
Tamo kakasabi niya lang kanina e.
Jonie: Sino nga?
Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.
Shanie: Ikaw.
--------------------
Shanie's POV
My GoodNessssssssss!!!
Did that really happened?
Hay!! Pano na nyan?!
Nahihiya na tuloy ako.
Kaloko naman ohhh. Bakit ko ba kasi nasabi yun?! Kaasar naman ohh!
Nabigla siguro yun. Ayy naku naman ehh!
Shanie Miranda..anu ba nagawa mo?! Ano? Ano? Ano? Bakit? Bakit? Bakit?! Whaaaaaaaaaaaayyyyyyyy?!
Shanie kasi---
Ayy shunga lang? Kausapin ang sarili? Eh ano pa nga ba magagawa ko? Nangyari na eh.
--------------------------------------------------EPISODE 3: IKAW! --------------------------------------------------