Chapter 11

1387 Words
Napamulat ng mata si Mary shantal ng maramdaman niyang parang may kung sinong nakatingin sa kanya. Malamig ang buong paligid dahil nakabukas ang bintana ng kwarto niya. Ginala niya ang tingin niya sa paligid niya pero wala naman siyang nakitang kung ano man. Kinuha niya ang cellphone sa table at tinawagan ang kaibigan niyang si Sydney. Kinamusta niya lang ito at mayamaya ay binaba din. Walang buhay na para bang latang lata ang pakiramdam ni Mary shantal. Natatakot siya na halos nag aabang sa ano mang mangyayari dahil sa pangitain na hinatid sa kanya ng kaibigan niyang pumanaw na si Jonna. "Jonna," bigkas niya bigla habang nakatingin sa bukas na bintana na ang nakikita niya ay madilim at puro bituin sa kalangitan. "Ako na ba ang susunduin mo?" Tumulo ang luha niya mula sa malungkot niyang mga mata. Pinikit niya sandali ang kanyang mata upang tumulo na lahat ang kanyang mga luha. Sa pagbukas ulit ng kanyang mga mata ay isang maliit na nilalang ang bumulaga sa kanya na nakatayo sa bintana ng kwarto niya Nanlaki ang mata niya sa nakita niya. Bumangon siya bigla at inaninag ang nilalang na nakatayo sa bintana niya. "Sino ka?" Tanong niya. "Ako na ito. Hindi ba't nagpadala ako ng sulat sa'yo?" Nagtaasan ang balahibo ni Mary shantal sa nadinig niyang boses ng nilalang nayun na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa. "I-ikaw ba ang nagpadala nun?" Natatakot na tanong niya. "Oo. Ako na ito, si Yoko." "Pero hindi kita kilala. Sino ka ba? Anong kailangan mo?" Sa oras nayun ay nangangatog na siya sa takot. Naglaho mula sa bintana ang maliit na nilalang na'yun at nagulat nalang siya ng lumitaw ito sa harap ng kama niya. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang itsura nito. Maliit na taong duwende na may halong pagkahalimaw ang mukha. Mahaba ang buhok nito at halos kulubot ang mga balat. Akmang sisigaw na sana si Mary shantal na pigilan siya mula sa isang pitik sa kamay ni Yoko. Nagkaroon bigla ng tahi ang bibig ni Mary shantal na siyang punong puno agad ng mga dugo. Halos mangisay sa sakit si Mary shantal. Nagpupumiglas siya. Sa kagustuhan humingi ng tulong ay nagpakawala siya ng malakas na sigaw na siyang dahilan na pagkawarak ng bibig niyang may mga tahi. Naramdaman ni Yoko na may taong papaakyat kaya naman minadali niya ang pagpaslang kay Mary shantal. Gamit ang kamay nito ay pinalutong niya sa ere si Mary shantal at sinabit ang ulo nito sa chandelier. Mula doon ay hinigop niya ang lahat lahat kay mary shantal. Lahat ng dugo at kaluluwa nito ay kinuha niya. Namatay nang nakaluwa ang mga mata niya at nakausli pa ang dila na halos maging kulay abo ang balat nito. Umiiyak ng umagang iyon ang magkakaibigan na sina Sydney. Hindi nila lubos maisip na totoo na ang mga sunduang nagaganap sa grupo ng samahan nilang magkakaibigan. "Sino ang susunod?" Natatakot at umiiyak na tanong ni Khaine. "Tumigil ka. Natatakot ako sa sinasabi mo!" hiyaw ni Vhangz kay Khaine. Habang umiiyak si Sydney ay nakatanggap siya ng message mula sa ina ni Mary shantal. Nagulat siya ng pasahan siya nito ng litrato ni Mary shantal. Nanlaki ang mata niya at halos kilabutan sa nakita niyang bangkay ni Mary shantal. "Jusko, anong nangyari kay Mary shantal? Bakit naging ganito ang itsura niya?" Sambit ni Sydney habang pinapakita niya sa mga kaibigan niya ang litrato nito. Napaiyak lalo si Blaire. Si Vhangz lalong kinabahan, habang si Khaine naman ay nangangatog sa takot. Namuo ang kagimbal-gimbal na takot sa kwarto ni Blaire. Mayamaya ay nakatanggap ng tawag si Vhangz galing sa Mama niya. Hihikbi-hikbi niyang sinagot nag tawag. "H-hello?" "Nasaan ka anak?" Tanong agad ng ina niya. "A-andito po kila Blaire," sagot niya habang mahina na ang kanyang pag-iyak. "Ganun ba. Galing kasi dito kanina yung kaibigan mo. Ang sabi niya eh, susunduin ka daw niya sa makalawang araw at may pupuntahan daw kayo." Samandaling napatigil si Vhangz sa nadinig niya. Nagtataka kasi siya dahil bukod kila Blaire ay wala ng siyang ibang pang kaibigan na ka close niya. "Susunduin? Sino po siya?" Tanong niya na nalilito parin. "Si Mary shantal." Sa sinabi ng Ina niya ay nabiwatan niya ang kanyang telepono. Nanlaki agad ang mga mata ni Vhangz habang nanginginig siya sa takot. "What happen?" Tanong ni Blaire. Sumigaw ng malakas si Vhangz. "Bakit?" Nag alalang tanong din ni Blaire. Nilapitan ni Sydney si Vhangz at saka ito niyakap. "Anong problema?" Kalmado niyang tanong. "Huwag mong sabihin na..."natigil sa pagsasalita si Khaine ng magsalita na si Vhangz. "Ako na ang susunod!" Sigaw nitong sabi sabay nag iiyak na naman. Napailing ang lahat. Kabado na sila lalo na't napatunayan na kina Jonna at Mary shantal ang sunduang nagaganap. Malaking palaisipan ang misteryong nangyayari sa kanilang magkakaibigan. Kumalma saglit si Vhangz. Kinuwento niya ang napag usapan nila ng ina niya sa telepono kanina. Halos hindi makapaniwala si Blaire na kahit patay na si Mary shantal ay nakuha pa nitong dumalaw sa bahay nila Vhangz upang sunduin ito. "Sa tingin ko ay hindi pangkaraniwang patayan ang nagaganap," sambit bigla ni Sydney. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Khaine. "Tignan n'yo ang mga bangkay nila. Kakaiba. Parang may kung anong misteryo eh. Parang kinulam o binarang. Ibang iba ang mga bangkay nila. Nakakatakot..." "Sabagay. Kung patayan lang na madalian, dapat saksak o baril lang. Pero hindi, nag iiba yung itsura na para bang natutuyot ang katawan nila. Gaya nang nangyari kay Papa," saad ni Blaire. "Huwag na tayong maghiwa-hiwalay. Dito nalang muna tayo sa kwarto ni Blaire, para mabantayan natin ang isa't-isa," saad ni Sydney. "I agree, natatakot na ako kaya mas gusto ko nang may kasamang matulog sa gabi," sang ayon ni Blaire. Nang malaman ni Fia na namatay na din si Mary shantal ay lumalakas ang kutob niya na maaring nakabalik na talaga si Snow white sa bayan nila sa Mazdean. Ang patayang nagaganap ay dahil kay Snow white. Sigurado na si Fia na ang magkakaibigang sina Blaire ang dahilan ng pagkamatay ni Snow white kaya ngayon ay iniisa-isa na sila nito. Na sa tingin ni Fia ay kailangan na niyang pigilan ang kanyang kapatid dahil alam niyang may mas mainam na bagay para gumanti. Iniisip ni Fia na sa ginagawa ng kapatid niya ay lalo siyang itatakwil ng panginoon. Lalong tumitindi ang kadimonyohang taglay ni Snow white kapag nanahimik pa siya sa bahay nila. Kailangan niyang ituwid ang masamang gawain ng kapatid niya. Kailangan na niya itong puntahan para kausapin. Nakahiga ngayon si Fia sa kwarto niya habang paulit-ulit parin niyang binabasa ang libro. Sinarado niya ang libro ng makaramdam siya nang antok. Bumukas bigla ang pinto ng kwarto niya na siyang kinagulat niya. Niluwa nun ang maliit na tao namay mahabang buhok. Anino palang ang nakikita niya dahil madilim ang buong paligid dahil gabi na nang oras na'yun. Hindi alam ni Fia kung bakit nagkaroon ng flashlight sa tabi niya. Agad niya 'yung kinuha at tinanlaw sa maliit na tao. Gano'n gano'n nalang ang gulat niya ng makita niya ang itsura nito. Duwende na may halimaw na mukha ang kanyang nakita. Sumigaw si Fia. "Huwag kang matakot," sambit bigla ng nilalang na'yun. "Sino ka? Isa ka din ba sa mga alaga ni Snow white?" Natatakot na tanong ni Fia. "Oo, at iba ako sa kanila. Ang totoo ay kaya ako pumasok sa panaginip mo ay dahil babalalaan kita. Parating na si Cain. Maniningil na ulit ang amo namin. Papatayin na naman nila ang dalawa sa mga magkakaibigan na'yun," saad nito na kinagulat ni Fia. "Sino ka? Talbot? Vladimir? Yoko? Lestat? Ichabod?" Tanong ni Fia. "Ako si Godric. Isa sa naiiba sa kanila. Nag aanyong dimonyo ako pero ang totoo ay anghel ako na pinadala ng panginoon para itama ang landas ni Snow white. Kinausap kita para humingi ng tulong. Hihintayin kita sa Mazdean. Magtulungan tayo..." Nagising si Fia ng humangin at nahulog sa sahig ang libro. Bumangon si Fia at pinulot ang libro. Sa sahig ay nakabukas ang libro sa pahina kung saan nandoon ang pangalan ni Cain. Ang dimonyong kayang dumukot ng dalawang puso. Nang maalala niya ang panaginip niya ay mabuhayan siya ng loob. May isa na silang kakampi. Pero nang maalala niya na padating na si Cain ay kinabahan na ulit siya. "Sino ang dalawang susunod?" Tanong ni Fia sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD