Chapter 10

1405 Words
Sabik at halos buong gabing iniisip ni Carter ang planong pag tungo sa bayan ng Mazdean. Sobra niyang minamahal si Snow white kaya naman kahit ikapapahamak pa niya ang gagawin niya ay tutuloy parin siya. Hudyat nalang ni Fia ang hinihintay niya para matuloy na sa lugar kung saan pinaghihinalaan nilang kinalalagayan ni Snow white ngayon. Matapos isuot ang uniporme niya ay bumaba na siya isa ibaba para kumain na ng umagahan. Sa gitna ng pagkain nila ng umagahan nang kanyang ina ay bigla siyang napatanong dito. "Ma, may alam kabang kababalaghan sa bayan ng Mazdean?" Seryosong tingin ang tinapon sa kanya ng kanyang ina. "Bakit mo naman natanong 'yan?" Ngumiti muna si Carter bago sumagot. "Wala lang po. Napagkuwentuhan lang namin ng barkada ko sa school," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang sabihi na ang totoo ay galing sa librong nabasa niya ang kanyang tinanong. Magagalit kasi ito na pinakelaman niya ang gamit ng kanyang ina. "Wala. Hindi muna dapat pinaniniwalaan ang mga kwentong 'yun," seryoso nitong sagot sa kanya. "Bakit po parang galit kayo?" Sa sinabi niya ay biglang umaliwalas ang mukha nito. Binitawan niya ang kutsarang hawak at hinawakan siya sa kanyang kamay. "Pasensya ka na. Ayoko lang kasi na mapahamak ka. Kung ano man ang napagkuwentuhan n'yo, kalimutan mo na'yun at walang magandang dulot ang mapupulot mo do'n." Dahil pakiramdam ni Carter ay may alam ang ina niya sa bayan ng Mazdean ay minabuti nalang niya na ilihim ang planong pagtungo niya do'n. Sa tono pa lang kasi ng pananalita ng ina niya ay siguradong hindi siya papayagan nito. Maagang pumasok sa paaralan si Fia dahil may usapan sila ni Letizia. May bago daw kasing natuklasan ito tungkol sa manunulat ng libro ng Pamilya white. Naghihintay si Fia sa labas ng room nila ng bigla siyang lapitan ni Sydney. "Pwede ba kitang makausap?" Untag ni Sydney sa paraan ng mahinahon na pagsasalita. "Kung gulo at away na naman 'yan, parang awa n'yo, tama na," sagot niya. Akmang papasok na sana siya sa room nila ng bigla naman siyang pigilan nito. "Hindi ako makikipag away. May mga ilan lang akong katanungan sa'yo?" Mahinahon paring wika ni Sydney. Sa huli ay nakumbinsi nadin niya si Fia. Nagtungo sila sa isang bench sa school nila at doon naupo. "May kilala ka bang Lestat?" Tanong agad ni Sydney. Nanlaki agad ang mata ni Fia. "Bakit? Ano ang ginawa niya?" Tanong din agad ni Fia. "So, kilala mo nga siya?" "Bakit mo saakin 'yan tinatanong? Hindi parin ba kayo tapos sa paghihinalang kami ng mga kaibigan ko ang pumatay kay Jonna?" "No, hindi ako nanghihinala. Nagtatanong lang ako." "Eh ano yung ginawa ni Mary shantal? Bakit siya sumugod sa bahay namin at sinasabi niyang kami ang dahilan ng pagkamatay ni Jonna at pati narin ng ama ni Blaire? Hindi paba sapat yun? Sydney, please, tama na." Pagtalikod niya kay Sydney ay halos kinakabahan si Fia. Nagulat kasi siya sa tinanong nito na si Lestat. Alam niya kasing isa 'yun sa mga dimonyong alaga ni Snow white. Lalo tuloy siyang naiintriga sa mga nangyayari. Sakto ang pagpasok niya sa room nila dahil doon nakaabang na ang kaibigan niyang si Letizia. "Anong nagyari? Akala ko ba maaga kang papasok? Kanina pa ako dito ah?" Inis na saad ni Letizia. "Sorry. Kanina pa din naman ako dito. Kinausap lang ako ni Sydney. Nagtanong siya kung kilala ko ba daw si Lestat." Napatayo si Letizia sa sinabi niya. "Anong sinabi mo?" "Wala. Doon ko dinala ang topic sa pagbibintang nila. Hindi ko sinabi ang tungkol sa mga nabasa natin sa libro," sagot niya. Naupo muna sila bago ulit nag usap. "Good. Maganda na'yung wala silang alam. Kung naghihiganti man si Snow white, okay. Deserve niya 'yun dahil pinatay nila si Snow white. Tama lang 'yun sa kanila!" "Natatakot ako, Letizia. What if nag iba na ang ugali niya. What if dimonyong nadin ang pag iisip niya?" "'Yan din ang iniisip ko kagabi. Ako man din natakot din. Pero, manalig tayo sa panginoon dahil alam kong pinalaki niyo siyang mabuting tao. Kaya tiyak hindi siya magpapadala sa kung ano man ang meron silang itim na budhi na tinataglay ng pamilya niya." "Sana nga." "Anyway, may nalaman ako tungkol kay Totoro," sambit bigla ni Letizia. "Ano?" Agad agad na tanong ni Fia. "Sinabi saakin ng kapatid ko na buhay pa daw ang asawa ni Totoro," saad niya na kinatuwa ni Fia. "Totoo? Naku sana marami siyang alam tungkol kina Snow white. Marami akong gustong malaman." "Oo, maari natin siyang puntahan. Sigurado akong malapit lang ang bahay nila sa bahay nila Snow white. Sabi sabi daw kasi ay hindi ito lumilipat ng bahay simula pa noon," wika pa ni Letizia. "Ano ang kanyang pangalan?" Tanong ni Fia. "Misty." "Ayos. Siya muna ang una naming pupuntahan ni Carter." "Gusto kong sumama!" "Kaya mo ba?" "Oo naman!" "Okay, sige." Tanghali na ng akyatin si Mary shantal ng Ina niya sa kanyang kwarto. Nagtaka kasi ito dahil hindi ito pumasok sa school at hindi manlang kumain ng umagahan. "May problema ba anak?" Bungad na tanong sa kanya ng Ina niya. "Wala naman po. Wala lang po ako sa mood. Sorry po kung hindi ako pumasok." Naupo ang ina niya sa tabi niya at niyakap siya. "Kung may problema ka, huwag kang mahihiyang magsabi saakin," saad nito habang hinihimas-himas ang likod niya. Bumaklas ng yakap si Mary shantal sa kanyang ina at tinignan ang ina niya ng seryoso. "Kapag po ba namatay ako ay malulungkot kayo?" Tanong niya na kinabigla ng ina niya. "Tumigil ka nga diyan! Kung ano-anung pinagsasabi mo!" Galit nitong sagot sa kanya. Imbis na tumigil ay inulit pa niya ang pagtatanong sa ina niya. "Malulungkot po ba kayo?" Umirap ito at niyakap ulit siya. "Ofcourse! Sinong ina ang hindi malulungkot kapag namatay ang anak niya? Please, dont say that. Nakakangilong pakinggan." "I love you, Ma," saad nito na parang sa tono ng pananalita niya ay problemadong-problemado siya. "Anak, hindi ko gusto 'yang pananalita mo. Tell me, may problema ka ba?" Sa oras na'yun ay nagtataka na ang ina niya sa inaasta niya. Hindi niya kasi kilalang malungkutin at seryoso ang anak niya kaya naman lubos ang kanyang pagtataka. Hindi narin nakatiis si Mary shantal. "Ma, baka sunduin na din niya ako!" Bigla niyang sabi na kinalito ng ina niya. "Nino? Sinong susundo sa'yo?" Naguguluhang tanong ng nito. "Si Jonna po. Patay na po siya at kagabi ay nagpakita siya saakin at ako naman daw ang susunduin niya." "Shut up! Kabaliwan 'yang sinasabi mo. Anak, yung totoo, okay ka lang ba? Nakahitit kaba ng pinagbabawal na gamot?" Sa huli ay hindi niya napaniwala ang kanyang ina. Imbis na lambingin siya nito ay nagalit at nilayasan pa siya nito. "Ngayon hindi kayo naniniwala. Hintayin n'yo lang na mamatay ako bago kayo umaksyon. Sa mundong ito napatunayan kong talagang nasa dulo ang pagsisisi..." bulong niya na para bang desidido at handa na siya sa anumang mangyayari sa kanya. Uwian na ng abangan ni Carter si Fia sa labas ng school nila. Nagulat pa si Fia ng hatakin at dalin siya ni Carter sa sasakyan nito. "Tinakot mo naman ako. Akala ko kung ano na," hahabol-habol hiningang saad ni Fia. "Sorry. Teka, anong desisyon mo? Tutuloy ba tayo?" Tanong niya agad. Sinabi ni Fia ang natuklasan nilang asawa ni Totoro. "Talaga?" Tanong ni Caster na tila hindi makapaniwala. "Siya muna ang kausapin at puntahan na'tin," saad ni Fia. "Okay. Maganda 'yan kasi pwede tayong magpasama sa kanya papunta sa bahay nila Snow white. Malaki ang maitutulong sa atin ni Misty." "Tama. 'Yun nga din ang nasa-isip ko." "So, kelan tayo pupunta sa Mazdean?" "Next week." "Seryoso?" "Oo nga. At isasama natin si Letizia." "Okay. So, halika, hatid na kita sainyo." Naghahanda ng hapunan ang ina ni Mary shantal ng makadinig siya ng isang malakas na sigaw sa isa sa mga kwarto sa bahay nila. Nabitawan niya ang hawak niyang sandok at napatakbo bigla patungo sa kwarto ni Mary shantal. Nagka-kanda-dapa sa hagdan ang ina niya habang nagkukumarat ito sa pag takbo sa hagdanan. Pagbukas niya sa pinto ng kwarto ni Mary shantal ay nagulat siya nang nakabigte sa chandelier ang puro ugat at kulay gray na katawan nang anak niya na animoy tila naubusan ng dugo sa katawan. Namatay ito na tila pinahirapan dahil nakaluwa pa ang mga mata nito at nakausli pa ang kanyang dila. Umalingasaw ang napakalakas na sigaw ng Ina niya sa kwarto nito. "Mary shantal!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD