Malakas ang hangin sa loob ng simbahan ng oras na'yun. Naka-kapit sa upuan si Fia dahil tinatangay siya ng mas tuminding ihip ng hangin. Isang kumikinang na nakaputing lalaki namay pakpak ang biglang lumitaw sa harap niya. Nawala ang malakas na hangin. Hindi pwedeng magkamali si Fia na isang anghel ang nasa harap niya ngayon. "S-sino ka?" Tanong ni Fia. Seryoso ang mukha ng anghel na animo'y parang malungkot. "Ako ito, Fia," saad niya "Patawarin n'yo ako kung nabigo ko kayo. Nahuli na nila ako at pinatay. Wala na si Godric. Ako na ulit ito si Ricky. Binuhay na nila ang totoong ika-pitong dimonyo na alaga ni Snow white. Buhay na ngayon si Hellric na siyang may kakayahan na gumawa ng apoy. Isa siya sa malakas sa kanila," kwento niya. Lalong nagulat si Fia ng isa-isa niyang makita

