Chapter 11. Napakapit siya ng mahigpit sa suot nitong jacket na sakto lang sa katawan nito. Kusang pumikit ang mga mata niya at ginaya ang galaw ng labi nito.Mas Lalo naman itong naging aggressive sa ginawa niya. Hindi alam ni X kung anong pumasok sa utak niya basta ang alam niya katawan niya ang kusang gumalaw hindi ang isip .
Hindi na niya kontrolado ang sarili everytime na nasa malapit ang dalaga. Bago pa siya tulayang mawala sa sariling katinuan tinapos na niya ang halik.Yong nasa pagitan ng mga hita niya biglang nagising...Shit....!!!!mura niya sa sarili,sumikip bigla ang pantalon niya!! Bahagya niyang itinulak ang dalaga at isinandal sa pinto... Itinukod niya ang isang kamay while the other one wipes her lips with his thumb finger. Let's stop here......baka mawala ako at di makapagpigil sa sarili ko ano pang magawa ko bulong niya dito. Natauhan naman ang dalaga at kinurap ang mga mata. Nagulat pa si Drew ng bigyan pa siya ng binata ng isang mabilis na halik sa labi. Hinila nito ang kamay niya palabas ng bahay nito sumakay sila sa sasakyan nito.
Walang gustong magsalita sa kanila sa biyahe maging ng makarating sila sa resto. Pinagbuksan siya ng binata ng pinto ng kotse nito at nauna si Drew na maglakad papasok. Hi Drew musta na...Hi guard River bati ni Lea...Tumango ang binata samantalang siya ay lumilipad pa rin ang utak ng mga sandaling yon. Anong problema non?nagtatakang tanong ni Lea. Sandali po nating pinuputol ang ating program para sa isang mahalagang balita...Sa isang hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang sumabog ang pribadong gusali ng Business man tycoon na si Mr.Cedrick Montelibano kagabi alas onse y medya ..Kilala ang huli bilang isang mabuting pilantropo na tumutulong sa mga kabataan ngunit lingid pala sa kaalaman ng karamihan ang mga kabataang ito pala ay isinasabak sa isang marahas at madugong labanan sa underground fighting. Maraming kabataan ang narescue at nasa pangangalaga na ng Dswd. Napasakamay ng mga NBI si Montelibano at iba pa nitong kasama. Nakatutok ang mga nasa loob ng restaurant sa balita. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa isang Cedrick Montelibano. Marami ang nashock sa balita. Ngumisi si X habang nakatutok ang mata sa screen ng tv.Konti nalang at mabubuwag na grupong ng mga ito. Hoy Drew ano bang nangyayari sa'yo?kanina ka pa wala sa sarili pukaw ni Lea sa kanya. W-w-wala....si Marrione pala dumating na ba?wala pa mamaya pa yon....ok ka lang ba talaga?ulit nito ngumiti siya at tumango dito. Hindi talaga siya ok....lalo na at nasa paligid lang ang gumugulo sa isip niya. Hindi nagtagal dumating na si Marrione. Morning!!bati nito sa kanya... Morning din.....bati niya dito. River sumunod ka sa opisina sandali may pag-uusapan tayo tumayo ito sa kinauupuan at kinuha ang laptop nito. Tumingin ito sa kanya ..Para namang napasong iniwasan ang tingin nito. Hindi niya pa kayang harapin ito pagkatapos ng mainit na eksena nila kanina. Tama!iiwas na lang muna siya rito o kaya magkunwaring walang nangyari.. Hay....hirap naman ng ganito napapikit siya ng mata.
Galit na ibinato ni Sen Laxamana ang baso sa sahig ng mapanuod ang balita! Iniisa na nila tayo! Bantayan niyo ang kilos ni Marrione at ng bodyguard niya!!!ang dalawang iyon kailangan nang mawala!!Tahimik ang mga tauhan niya at mga kasama hindi nila alam kung sino ang kumakalaban sa kanila.Hindi siya papayag na dito magtatapos ang lahat.
Hoy Drew naririnig mo ba ako?tanong ni Lea.... Ah...sorry ano ulit,?tanong niya dito. Kung masama ang pakiramdam mo pwede ka namang magpaalam kay boss wika nito. Ok lang ako wag mo akong alalahanin ngumiti siya rito. Bahala ka sabi nito. Ikaw ang gumawa non di ba?tanong ni Marrione sa kanya ng makapasok sila sa opisina nito.Tumingin siya rito. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko sabi nito.Marami akong hindi alam tungkol sa'yo at sa totoong ikaw pero bilib ako sa'yo ibang klase kang trumabaho.Susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo patuloy nito. Tumingin siya rito at tumango.Maraming salamat...Matatapos ang lahat ng ito ipinapangako ko... Wag kang mag-alala malaki ang tiwala ko sa'yo at tinapik nito ang balikat niya. Drew una na kami sa'yo sina Lea at Yza.Ngumiti siya sa mga ito at kumaway ingat kayo... Alam mo nag-aalala na ako kay Drew parang may bumabagabag sa kanya...si Lea. Oo napansin ko rin..Parang iniwasan niya si Poging guard..Ano bang meron sa kanila? wika naman ni Yza. OMG!hindi kaya!Yza naiisip mo bang naiisip ko?!tanong ni Lea ngumiti si Yza at tumili sila pareho! Pakihatid nalang itong si Drew sabi ni Marrione. Aaah....w-wag na!oo kasi may dadaanan pa ako yon nga oo!palusot niya pero talagang gusto niyang iwasan ang binata.Salubong naman ang mga kilay nito. O eh bakit di pahatid ka na rin. Hindi ka naman siguro aabutin hanggang madaling araw sa pupuntahan mo diba?!nakataas kilay na sabi ni Marrione! Kuwan.....ahhhhmmm ano kasi ah basta!magtataxi na lang ako pilit ang ngiting sabi niya. Bakit?may boyfriend ka na ba?may nagkamali na ba sa'yo kaya ayaw mo ng magpahatid sa'min?naku!kawawa naman ang lalaking yon sa katulad mo!biro nito. Sumimangot lang siya at tinalikuran ang mga ito. Hoy!bumalik ka nga ditong babae ka!!hoy!!pero di siya lumingon. Weird ng babaeng yon ngayon...dapat kanina pa ako nakatikim ng batok o kaya kurot sa bruhang yon ano kayang problema non?tanong ni Marrione. Ahem.....hayaan mo na ako ng bahala susundan ko siya hanggang makarating siya sa bahay niya sagot niya rito. Tumitig si Marrione sa kanya kita niya ang amusement sa mga mata nito.Patay may alam ata ang isang to..!! River.....may hindi ba kayo sinasabing dalawa sa'kin?pilit nitong binabasa ang mga mata niya. Sumeryoso siya at nagpoker face.Sanay siya sa pagtatago ng emosyon. Kahit professional ka pa hindi ka makakapagsinungaling sa'kin seryosong sabi nito. Hindi yon.....Eh ano?kulit nito. May nanunuod sa'tin wika niya. Ha?!gulat naman ito...Ito nanaman sila hindi na ba ako tatantanan ng mga ito?bulong nito. Huwag kang papahalata kumilos ka ng natural bulong niya dito. Bumalik sila sa loob ng restaurant. Boss pumasok ulit ang dalawa sa loob sabi nito sa kausap. Hintayin niyo at sundan kung saan at anong ginagawa ng mga yan utos ng nasa kabilang linya.Ok boss sagot niya. May kumatok sa pinto Ng sasakyan nila...Si Marrione.... Ooooy!!!labas dito dali!!at sumenyas pa ito sa kanila.Nasa lima sila sa loob at kayang-kaya nila ito kung sakali.
Lumabas sila ng kotse.. Ooooy!!! kumusta mga pre??anong maipaglilingkod ko sa inyo?sarkastikong tanong nito. Bitiwan mo na ang foundation . Aaah...yon ba?kaya niyo ba ako sinusundan ay dahil don?dahil sa pondo kaya desidido kayong makuha iyon??nakangising tanong ni Marrione. Wala ka nang pakialam don! upakan niyo!! utos niya sa mga tauhan agad namang sumunod ang mga ito. Sinugod nila ito. Pero lahat sila ay hindi man lang nakaporma kay Marrione.Masyado nila itong minaliit. Bulagta ang mga tauhan niya. Sa galit ay binunot niya ang kanyang baril at itinutok kay Marrione. Try to pull your trigger and your dead!!! nagulat itong napalingon at nanlaki ang mga mata ng makita ang bodyguard ni Marrione. Dahan-dahan niyang ibinaba ang baril at itinaas ang mga kamay. Hoy!? sabihin mo sa mga amo mo o kung sino mang demonyong nagpadala sa'yo wala siyang aasahan sa'kin! Kahit wala sa tingin mo bubuhayin ka pa nila? Kung ganon ibibigay ko sa kanila ang laban na gusto nila seryoso ito sa sinabi. Now pick your men,nagsalita ang bodyguard nito.
Get out of here habang matino pa ang utak ko.Don't you dare to do anything against my will or you're all dead...seryosong sabi nito. Sumenyas siya sa mga kasama at dali-dali ang mga itong sumakay sa kotse at umalis sa lugar na iyon. Ho!!!grabe ang kaba ko don ah?! sabi ni Marrione habang hawak ang tapat ng dibdib. Ok lang magaling ka naman sagot niya dito at tumingin sa gps ng phone niya. I need to go paalam niya dito. Ok...mag-ingat ka paalala nito. Ikaw ang dapat kong paalalahanan..
Wag kang mag-alala mahuhusay din naman ang bantay sa bahay ko sabi niya. Ngumiti siya rito.Ok i'll go head paalam niya rito.Tumango ito at pumasok na rin sa sasakyan nito. Nagmadali na siya sa pagsakay at pagdrive paalis kailangan niyang sundan ang babaeng yon.Mukhang iniiwasan siya nito. Hindi niya ito masisisi kasalanan niya ang nangyari.Bibigyan niya muna ito ng panahon saka niya ito kakausapin. Sa ngayon kailangan niya lang munang sundan ito at subaybayan sa mga pupuntahan.
Habang nagmamaneho ay tumingin siya sa GPS ng cellphone niya at nakita ang location nito.Napangiti siya..Iniwasan nga siya nito. Nakarating ng maaga si Drew sa apartment niya, nagtaxi na lang siya pauwi.Umupo siya sa sofa at ipinikit ang mga mata..Hay naku po!napailing siya bakit ba hindi mawala sa isip niya ang damuhong lalaking yon!! Hay....!!!napasabunot siya ng buhok ninakaw mo na ang first kiss ko bakit ba pati isip ko ginugulo mo pa rin!!nagpagulong-gulong siya sa lapag habang hawak ang unan...Nagustuhan mo naman gumanti ka nga ng halik di ba?sigaw ng utak niya. Waaaah!!!?hindi pwede ito!!! Pagkatapos masiguro ni X na nasa bahay na dalaga ay umuwi na siya sa tinutuluyan. Naghubad lang siya ng damit at kumuha ng beer sa ref at hinarap ang laptop niya. Tinignan ang nasa larawan.Isa itong singsing na 18k winged lion signet na nasa gitna ng bilog. Nakita niya ito noong araw na patayin ang mga magulang niya.Suot ito ng mismong bumaril sa mga ito. Mukhang malapit na niyang matagpuan ang may gawa nito sa mga magulang. Kapag nahanap niya ang taong yon ay papatayin niya that's what he promise to his parents grave twenty years ago.
Napahawak siya sa kanyang baba nakita na niya ito dati sa Russia sa grupong kinabibilangan ng mga nais magpabagsak sa mga pamahalaan at planong bumuo ng sariling gobyerno ang Arkhain... Meron pa siyang pagkakilanlan dito ang tattoo nitong pulang buwan na may dragon sa kanang braso. Nilagok niya ang beer at nagpunas ng bibig.Malapit na kitang makita and when the times come papatayin kita sampu ng mga kasama mo at mabalasik ang mga matang tinitigan ang larawan kasabay ng pagyupi niya sa lata ng beer. Nabigo kayo katulad ng mga tauhan ni Laxamana..mga mahihinang nilalang...Kinuha niya ang baril ipinutok sa itaas nahintakutan ang nagkalat na tauhan. Sino ang pakialamerong kasama ng Tuazon na yon... Kung sino man siya hindi siya sasantuhin ng baril ko! Dumaan ang mga araw at naging ok naman ang takbo ng restaurant ni Marrione yon nga lang nakakahalata ang mga tsismosang kasama ni Drew sa trabaho.. Halata na kasi ang pag-iwas nito sa binatang bodyguard ng boss nila. Ano kayang meron kay River at kay Drew halatang todo sa pag-iwas si Drew dito kay River?tanong ng tsismosong si Reid. Hindi kaya mag on na ang dalawang yan tapos may LQ pala?si Stan.. Kahit ano pa yon labas na tayo dun sabad ni Luke.Sabagay ..pero hindi eh curious lang talaga ako sa dalawang yan..Si Reid ulit..... Owwws....talaga..??so anong ganap?share niyo naman... Ayon nga may something sa dalawang yan..Si River tahimik lang pero kung makatitig Kay Drew hmmmm anglakit alam niyo yon?Si Reid pa rin.Si Stan naman ay patango-tango lang. Yari!!sa isip ni Luke... Mukha nga....Di ba sa.......b-b-boss!!!gulat si Reid at Stan. Hmmmmmp!!!!batok ni Marrione sa dalawa...aga-aga tsismisan kayo kalalaki niyong tao balik sa trabaho!!takbo naman ang mga ito. Hmmmm.....ano kayang meron hehe!napangiti siya sa naiisip. Pumasok ang lalaking kanina pa nagmamasid sa labas kailangan na niyang isagawa ang balak at mag-uumpisa yon ngayon. Umupo siya sa bakanteng lamesa at tumingin sa menu.Lumapit ang waitress at para kuhanin ang order niya. Oh....one ravioli and one chianti please he said...Ok po at umalis ito. Tumayo siya at lumapit sa dalagang nakikipag-usap sa isang customer. Kilala niya ito at schoolmate niya noong college days nila.It's Drew Cassanova.A not so attracted girl pero kung tititigan mo ay may nakatagong ganda.Boyish kumilos oo yon siya. Hey....Drew Cassanova...?is it you?? Lumingon ang dalaga at salubong ang mga kilay tila hindi siya nito nakilala agad. Aries Lovitti Grande? tila hindi ito sigurado. Yeah we're schoolmate since college days nakangiting sagot niya dito. Lumiwanag naman ang mukha ng dalaga.Oh hi!kumusta ka na?natutuwang
tanong nito. Ito isa ng may-ari ng real state company.How about you hindi ka nagtake ng civil service exam?ang pagkakalam niya ay graduate ito ng criminology at pangarap nitong maging isang magaling na pulis tulad ng ama nito. Hindi pa...biglang lumungkot ang mukha ng dalaga.Nong mawala si papa ipinagpaliban ko muna.Sa ngayon masaya naman ako sa trabaho ko..ngumiti ito sa kanya. Ganon ba?well can I have your number? just want to see you some other time you know..
Aaah....o-ok at binigay nito ang cell number sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang matalim na tingin ng lalaking nasa isang sulok. Salubong ang mga kilay nito at kulang na lang ay magliyab siya sa nag-aapoy nitong mata. Ngumisi siya rito at bumalik sa table para kumain.
Nagliliyab ang mata ni X habang tanaw ang lalaking lumapit kay Drew..Isa ito sa mga target niya.Magkakilala pala ang kumag na to at ang babae.At hindi niya gusto ang nangyayari.. Pauwi na si Drew siya nalang ang naiwan nauna na ang mga kasama niya at si Marrione naman ay may important matters kuno o babae nanaman...Ang kaibigan niyang yon kelan kaya titino. Nag-aabang na siya ng taxi ng may humintong kotse sa tapat niya.Bumaba ang salamin and it was Aries the guy from college days.
Hi Drew..pauwi ka na ba?tanong nito. Oo...napadaan ka ata? Can i invite you for dinner if it's ok with you?tanong nito. Teka ang bilis naman kanina lang kami nagkita ah sa isip niya. Ah..kasi ....nag-iisip siya ng idadahilan dito. Sige na please pumayag ka na para makapagkwentuhan naman tayo kulit nito.
Mukhang hindi ito tatanggap ng pagtanggi. Sige na nga..wala na siyang magagawa pa isa pa mukha namang matino ito at gwapo pero mas gwapo pa rin ang mokong na yon sa isip niya.The devilishly handsome bodyguard ng kaibigan. Pinagbuksan siya nito ng pinto Pwede ba umalis ka sa isip ko nanggigil niyang bulong sa sarili. Something or someone bothering you?tanong nito. Ah...wala may naalala lang akong bwesit...sabay ngiti dito. Umiling ito at nagdrive na patungo sa isang restaurant. Pinagbuksan siya nito ng pinto at pumasok na sila sa loob. Lumapit ang waiter para kunin ang order nila.Steak and salad ang napili niya ganoon din ito. Alanganin pa ang suot niya sa ganitong lugar kaya naiilang ang dalaga unlike sa kasama niya na nakasuit. Nang dumating ang order nila nagsimula na silang kumain. May i ask you something?nanantiyang tanong nito. Hmmm....about what...? Well after so many years may magagalit ba kung bibisita ako i mean husband?boyfriend? H-ha?nagulat siya sa bilis nito mukhang alam na niya ang tinutumbok nito. Don'?t worry i just want to be friends with you.. Oh yon ba?wala pa akong asawa boyfriend pa kaya nakangiwing sagot niya. You mean your still single? Yes until now you know walang magkamali haha... I thought boyfriend mo yong bodygurad ng boss mo.. Napatingin siya dito.Nagtataka siya kung bakit alam nitong my bodyguard si Marrione samantalang wala naman siyang nabanggit dito kanina. No hindi ko siya boyfriend and never magkakagusto sa'kin yon saad niya dito.Isa pa pano mo nalamang bodyguard siya ng boss ko wala naman akong matandaang may sinabi ako? Mukhang nasapol ito sa tanong niya. Narinig ko lang sa mga staff kanina kaya yon.Dahilan nito. Ah....ganon ba...hindi siya naniniwala.Imposible sabi ng isip niya.Iwinaksi na lang niya iyon at ipinagpatuloy ang pagkain. . Marami pa itong itinanong tungkol sa kaibigan niya at bodyguard nito.Para bang interesadong interasado ito sa personal na buhay ng dalawa.Teka!may biglang pumasok sa isip niya hindi kaya....wag naman po sana!!napangiti siya sa naisip. . Bakla kaya ang isang to?tanong niya sa sarili..Bahala na nga. Nang matapos sila ay inihatid siya nito ayaw sana niya pero mapilit ito. . Huminto ang kotse nito sa labas ng bahay niya. O pano alis na ako see you sabi nito ng makapasok ito sa sasakyan.Ngumiti naman siya rito. Binuksan niya ang pinto pagkatapos ang ilaw. Aaaay!!!!anak ng kapre!!gulat siyang napasigaw ng makita ang lalaking iniiwasan.Nakatayo ito mismo sa tapat niya at nakatingala siya rito. Bakit ba kasi antangkad ng isang to! Ano ka ba!tinampal niya ito sa braso... Seryoso itong nakatitig sa kanya. Where have you been?parang galit ata ito base sa itsura nito. . Wala ka na doon kung saan man ako magpupunta walang ganang sagot niya.Isa pa pano ka nakapasok dito?sure naman akong inilock ko ang pinto?pagtataray niya dito. I have my own ways....Hoy!ano ka may lahi kang magnanakaw at basta basta ka na lang pumapasok sa bahay ng may bahay ano yon?paki-explain? Stop seeing that bastard.Walang gatol nitong sabi. Tumaas ang kilay niya sa narinig. Hoy! sino ka ba para pagbawalan akong makipagkita sa kanya?he's being so nice to me alangang iwasan ko siya duuuhh?!! Sinuklay nito ang malago nitong buhok sa frustration at inis sa kanya. You don't know everything about him. . Aba't ikaw pa tong may ganang magalit as if naman ikaw tong nagnakaw ng first kiss ko lang naman?!bulong niya. . Hindi lang isa kundi dalawa! Tumitig ito sa kanya ng malamig at naningnigkit na ang mga mata nito sa galit. Gusto mo bang ulitin ko?mapanganib na tanong nito habang unti-unti itong humahakbang palapit sa kanya.Siya naman tong atras ng atras nacorner siya sa pinto. Wag kang magkakamali!makaka..hmmmmp!!daing niya ng maramdaman ang malambot at mainit nitong labi sa sa kanyang bibig. . He kissed her passionately at may halong galit.He insert his tongue inside her mouth explored and taste her. . Binitiwan nito saglit ang labi..medyo nakaawang ang labi ng binata..Then he claimed her lips once again. Hinapit nito ang bewang niya palapit sa katawan nito. Kinabig ang batok niya Naramdaman niya ang matigas na bagay na yon sa kanyang tiyan at alam niya kung ano iyon!wala pa siyang karanasan sa s*x pero hindi siya inosente pagdating dito. Nanghihina nanaman ang mga tuhod niya kaya napakapit siya sa coat nito. Hindi niya namamalayan na kusa na siyang tumutugon sa halik ng binata. He bite her lower lip at napadaing siya sa ginawa nito.He suddenly left her lips ang kissed her neck not only that he sucked it wildly then licking using his tongue.Bago sa kanya ang sensanyong nararamdaman at ipinaparamdam nito. . No one can touch you the way i did...only me...your mine alone...i will kill that bastard if he try to touch you he whispered in her ear.Pagkatapos ay tumalikod ito at lumabas. Pabalyang isinara ang pinto.Napaupo siya at tulalang nakatingin sa kawalan.Nawawala ang tapang niya sa lalaking yon.Wala sa sariling napahawak siya sa labing sinalakay ng mga labi nito kanina. Nanganganib ang puso niya sa lalaking iyon.Naguguluhan na siya sa nararamdaman.
What are you doing here?tanong niya kay Gray kampanteng nakaupo ito sa sofa. Bakit masama na bang dalawin ko ang kaibigan ko?nakangisi itong tumingin sa kanya. Mainit ang ulo niya at wala siya sa mood makipagbiruan.
Hoy Keith Ravienne Reyes Campbell Xavier! tawag nito sa totoong pangalan niya.Masyado kang hot man iinom mo na lang yan pang-aasar pa nito. Dumampot siya ng pillow at ibinato sa kaibigan na agad namang naiwasan nito.
Stop calling my name !.nagbabantang tinitigan ang kaibigan.
Whooooa!!!kaibigan mo talaga ako?! tandaan mo tatlo lang kaming nakaalam ng real identity mo agent X..... Ibinato niya ang swiss knife na nasa hita niya dumaplis ito sa mukha ng kaibigan. Sabi ko nga titigil na. Umupo siya sa tapat ng makulit na kaibigan. Teka bakit ba ang init ng ulo mo?babae ba?so Ms.Cassanova ba?nakangising tanong nito. Tinignan niya ito ng matalim.Dinampot niya ang alak na dala nito at nilagok na parang tubig.
Tssssk sabi na eh!tinamaan ka sa isang yon haha!sa lahat ng babaeng nakilala mo siya ang magpapasakit sa ulo hahaha! tawa pa nito.At ang walang hiyang to pumunta lang dito para asarin siya.
Umakyat siya sa pader gamit ang GI rappelling rope ng walang nakakapansin sa kanya.Gwardiyado ang lugar ng mga nakasuit na gwardiya. Pumasok siya sa isa sa mga kwarto at lahat ng sulok ng malaking bahay at naglagay ng surveillance camera lenses.Naglalakad siya sa hallway ng may dalawang guwardiya ang papunta sa isang pinto.Binuksan niya ang pinto sa isang kwarto at pumasok doon.Nang masigurong wala na ang mga ito ay pumasok siya sa masters bedroom kung saan naroroon ang isang safety volts. Walang kahirap-hirap na nabuksan niya ito at inilabas ang mga papeles sa loob at pinalitan ito ng iba. Ng makuha ang pakay ay binuksan niya ang bintana sa verranda at dun bumaba. Nang makalabas sa bahay na yon ay sumakay siya sa sasakyan at tinanggal ang takip sa mukha.
Nakuha mo?tanong ni Gray.Oo...
Kita nalang tayo bukas sabi niya dito. Napangiti siya...Another evil will down he whispered...
Napalingon si Drew sa lalaking papasok sa pintuan.Ang walang iyon!naningkit ang mga mata niya pagkakita dito. Mamaya ka sa'kin bulong niya. Nilagpasan siya nito at pumasok sa opisina ni Marrione.
Ang kapal!hindi man lang magsorry sa paghalik sa'kin at kung umasta Hindi ako nag-exist sa paningin niya?,bulong niya.Hindi mawala isip niya ang sinabi nito ng nagadaang gabi.
You're mine alone....parang nag-eeco ito sa pandinig niya.
Oh my gosh Drew!impit na tili ni Lea.
Totoo nga may something sa inyo ni poging guard!at nahalikan ka na niya?!nagulat siya at nasa tabi niya ito at narinig lahat ng sinabi niya.Napapikit siya at kinagat ng mariin ang kanyang ibabang labi.Naloko na!
Ah...eh ...alanganin siyang ngumiti dito.
Wag kang mag-alala safe ang sekreto mo sa'kin kumindat ito sa kanya.So ano kayo na ba?usisa nito.
Maya na lang natin pag-usapan pwede oras pa ng trabaho bulong niya dito.
Ok mamaya ha?kulit nito sa kanya at iniwan siya nito.
Ano ng balita?tanong ni Marrione.
So far ok naman lahat sagot niya dito.
Sa ngayon tahimik sila.Malalaman ko rin naman kung may plano sila sagot niya rito. Kung ganon....pumitik ang daliri nito.Kailangan siguro natin ng break.May pag-aari akong resort sa Cebu..o sa tagatay kaya.Tumayo ito at nag-unat ng mga kamay. Hmmmm...we need to take a break from this hussle city.
We will go on a trip. Tuwang-tuwa ang mga staff ng ianunsyo ni Marrione ang planong trip puntang Cebu sa Resort na pag-aari nito. Nakapunta na siya dito ng isama siya nito.Talagang napakanda ng lugar at maraming turista ang dumarayo dito. kasalukuyan silang nagliligpit dahil magsasara na sila.
Tumunog ang cellphone ni Drew. Dinampot niya ito.
Hello...?O Aries kumusta,?
Hi Drew libre ka ba ngayon?tanong nito. Hindi naman nagsasara na kami.
That's good..pwede ba kitang yayain dinner ulit tayo?
Ano kasi Aries maaga akong uuwi ngayon pagdadahilan niya sa totoo lang wala siya sa mood lumabas ngayon. Bumuntonghininga ang nasa kabilang linya.
Ok if you won't mind punta na lang ako sa bahay mo hirit nito.
Tutal wala naman siyang gagawin kaya pumayag siya.
Ok sige. Marrione una na ako....May bisita kasi ako paalam niya sa kaibigan.
Himala sino naman ang maliligaw sa bahay mo...?
Tse!Schoolmate ko dati nong college sagot niya dito.
Ok ihatid na kita alok nito.
Hindi na magtataxi na lang ako paalam niya dito.Lumingon sa kanya si River inirapan niya ito.Nawala na sa isip niyang komprontahin ito saka na siguro.
Lumabas siya at nag-abang ng taxi nagmamadaling sumakay.
Ano yon basta nalang umalis ang babaeng yon bulong ni Marrione.
Tahimik silang lumabas sa parking lot ng may mahagip ang mga mata niya.
Dapa!!!sigaw niya kay Marrione agad naman itong dumapa.
Pinapaulanan sila ng bala ng mga armadong lalaki.Mabilis na naglabas ng baril at nakipagpalitan ng putok si Marrione. Inilabas din niya ang baril at sumilip sa likod ng sasakyan nasa labindalawa ang kalaban. Ok ka lang?tanong niya kay Marrione.
Ayos lang sagot nito. Nakita niya kung saan nakaposisyon ang mga ito.
Lumabas siya at inisa isa ang mga ito.Bagsak na ang lima. .
Huwag kayong maglalabas kahit daliri ng paa at kamay niyo mauubos tayong lahat!Tangina shooter ang gago!!mag-ingat kayo!
Arrrrghhh....dalawa ulit ang tinamaan. Naglakad siya patungo sa mga ito at pinaulanan sila ng sunod-sunod na putok ng baril.
Mabilis ang galaw ng mga daliri niya na parang nakikipaglaro lang kay kamatayan.
Pinaputukan siya ng mga ito.Gumulong siya at dumapa pagkatapos ay nagpakawala ng sunod-sunod na putok.
Bulagta ang lima pang natira.Agad niyang ibinalik ang baril sa tagiliran.
Anak ng tokwa!!hindi talaga sila titigil palatak ni Marrione.
Hinugot niya ang cellphone sa bulsa ng coat niya at tinawagan si Gray.
Hello....busy ako ngayon bakit ba....?
Take your men and clean these mess.
What happen here?tanong ni Gray....
They want us to die but unfortunately they are the one lying on the ground he said. Medyo marami na ring nakikiusyoso. Good thing walang nadamay na inosente.
Agad inalis ang mga labi ng mga ito andoon din ang ibang media at kinukuhananan ng pahayag si Marrione.
I don't know who they are..wala naman akong kaaway o nakaalitan.Hanggang dito lang ang masasabi ko yon lang at iniwan na ang mga ito.
Ihahatid na kita sabi niya dito. Umiling ito.
Huwag kang mag-alala kaya kong sarili ko.Isa pa sobra sobra na ang ginawa mo ngayong araw...tinapik nito ang balikat niya.
Pero...pinigilan nito ang pagtutol niya may pangdepensa naman ako isa pa kailangan mo ring magpahinga wika nito.
Wala na siyang nagawa ng sumakay na ito sa sasakyan.
Don't worry dude he can manage...he can protect himself from danger saad ni Gray. Bumuntonghininga siya.
Ikaw na ang bahala dito sabi niya.
Ng bigla siyang may maalala..
Fuck!!may isa pa siyang problema at nawala sa isip niya!dadalawin pala ng gagong Grande na yon si Drew sa bahay nito.
I need to go paalam niya kay Gray at nagmamadaling umalis.
Saan pupunta ang mokong na yon?tanong nito.
Nakarating siya sa bahay ng dalaga at nag-abang sa labas.Bukas ang ilaw sa sala nito sigurado andon ang kumag. Halos paliparin niya ang sasakyan para makarating sa bahay nito at ito siya ngayon nag-eespiya sa labas.
May isang oras na rin si Aries sa bahay niya.Nagtatawanan sila at nagkukulitan.
Kwentuhan about sa past and present.And she found out that this guy is interesting.
Masayahin at medyo may kakulitan. Yon lang may napansin siyang kakaiba sa mga ngiti nito na hindi na lang binigyan ng pansin.
May dala itong pagkain galing sa fastfoods and siyempre may paflowers and chocolates.
Maliban kay Marrione ay ito pa lamang ang pangalawang nagbigay sa kanya ng flowers and chocolates.Tumagal pa ng isang oras ang kwentuhan nila.
Past nine na ng gabi ng magpaalam ito. Pa'no i need to go..
Thank you for this wonderful night.
Ako dapat ang mag thank you sa'yo nakangiting sabi niya.
No...you made my day complete...Thank for the time..hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa.He kissed her cheeks.
Goodnight Drew..
Goodnight.....at sumakay na ito sa sasakyan.
Ay tikbalang!!!!laking gulat niya at andito nanaman sa loob ang damuhong lalaki. So ...you're not listening though...
Paano ka nakapasok dito??!!wala naman ito kaninang lumabas siya. That's not the topic wag mong ilihis ang usapan.I told you to stay away from that bastard.
At bakit ko naman gagawin yon aber?pinanlakihan niya ito ng mga mata.Isa pa you have no rights to tell me what to do or whom I should be with?pagtataray niya. Believe me Drew hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo.
Aba't! hoy! tinatakot mo ba ako?! baka nakakalimutan mo may atraso ka pa sa'kin!sigaw niya dito. At kailan mo ako naging pag-aari?!masaya ka!
The first time i saw you...i swear you will going to be mine by hook or by crook walang gatol na sagot nito.
Ano raw?ang kapal din ng pagmumukha mo ano?!
Hindi.....manipis pa nga sa lagay na yan pang-aasar nito. Lalong umusok ang ilong ni Drew sa binata. Humakbang siya palapit dito at umigkas ang kamao niya papunta sa mukha nito.Pero bago niya masapol ang nakakairitang pagmumukha nito ay agad nitong nasalo ang kamay niya at nakayakap ang isang kamay nito sa kanya!
Bahagya siyang nakatingala dito dahil sobrang tangkad nito.Heto nanaman ang malakas na t***k ng puso niya.
Salubong nanaman ang mga kilay nito at nakakapaso ang tingin nito sa kanya. Agad kumalas ang dalaga mula sa pagkakayap nito at baka saan nanaman sila humantong.Napaubo siya at bahagyang kinalma ang sarili.
Listen to me.....nagulat siya ng bigla nanamang lumambot ang ekspresyon sa mukha nito.Nakatitig ito sa kanya at hinahaplos ang mukha niya. I don't want you to get hurt....please stay away from him....kapag may nangyari sa'yong masama papatayin ko silang lahat.At biglang tumalim ang mga mata nito.
Naguguluhan na talaga si Drew sa takbo ng isip ng lalaking yon.Weird niya talaga.. Hindi siya dalawin ng antok.
Ano kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang ugali nito.Sometimes she saw his soft side and then sometimes he's rude.Marami siyang hindi alam tungkol dito ...Sino ba ito at saan nanggaling.Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip dito haaisssst!