Chapter 10
Pupunta ka ba Senator?alam mo malaki ang pustahan ngayon.
Yong iba manggagaling pa sa ibang bansa. Mga kilalang notorious murderer ang ilalaban nila pero kayang kaya yon ng alaga ko.
Ang laki ng tiwala mo sa alaga mo mag-iingat ka baka ito na huling laban niya paalala ng senator.
Hindi pa natatalo ang alaga ko Laxamana .
Walang awa kung pumatay at yon ang gusto ng mga manunuod..
Kompiyansang wika ni Montelibano.
Nasa bahay sila ng huli.
Kakatapos lang nila sa isang deal ng illegal drugs kung saan galing ng Japan ang katransaksiyon.
Let's see kung ganon Cedrick.
Lingid sa kaalaman ng mga ito nahuli ang mga hapon bago pa man makabalik ang mga ito sa Japan gamit ang private plane ng mga ito.
Nagsagawa ng lihim na operasyon ang NBI sa pamumuno ni Gray at nahuli ang mga ito.
Walang nakaalam sa nangyari maski ang media. Samantala...walang kahirap-hirap na napasok ni X ang building kung saan gaganapin ang underground fighting.
Mahigpit ang security at nagkalat ang
mga CCTV.
Nasa pinakabasement ito ng building.
Ang akala nila ay simpleng hotel lang ang lugar na puntahan ng mga mayayaman.
Pero nakatago dito ang baho at dumi ng mga taong kasayahan ang makakita ng kamatayan.
Talagang tuso din ang Montelibano na yon.
Hindi basta makakaalis ng buhay ang sinumang magtangkang pumasok doon.
Maraming nagkalat na mga bantay sa paligid.
Dahil magaling siya hindi siya nahirapang dumaan sa mga lacers.
Madali niyang nahanap kung saan ikinukulong ang mga kabataang edad kinse pataas para gawing fighter sa ring.
Naikuyom niya ang mga palad ng makita ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga ito.
Marami ang sugatan na hindi nabigyan ng lunas.
Ito yong mga survivors sa nagdaang mga laban.
Ang iba naman ay mukhang mga baguhan at hindi pa sumasabak sa marahas na labanan.
Kita sa mata ng mga ito ang kawalang pag-asa at naghihintay na lang ng kamatayan.
Ngunit may isa doon na nakaagaw ng pansin niya.
Isang binatilyo na nasa labing pito ang edad.
Hindi mo ito makikitaan ng takot bagkus ay punong-puno ito ng galit.
Galit sa mga taong akala nila ay magbibigay ng kalinga sa mga katulad nila.
Matapang ang isa to bulong niya sa sarili.
Hindi siya pansin ng mga ito inakala sigurong isa siya sa mga bantay na naglilibot sa lugar.
Natural lang kilos niya.Pero malakas ata ang pakiramdam ng binatilyo. Nagkatitigan sila nito at nabasa niya sa mga mata nito ang nais sabihin.
Ikaw.....hindi ka isa sa kanila di ba?iligtas mo kami dito... Huwag kang mag-alala malapit na kayong makaalis dito pangako.
Bahagya itong tumango sa kanya. Umalis siya sa lugar na yon na walang ibang nakapansin sa kanya.
Nagawa mo na?tanong ni Gray sa linya. Oo.....yong mga bata ikaw na ang bahala sa kanila bilin niya rito.
Wag kang mag-alala kami ng bahala sa kanila. Pasakay na siya ng sasakyan. Nakakuha kana ng VIP pass?
Oo naman!sagot ni Gray nahirapan ako sa pagkuha ah?!pero sulit naman hehe.
Ok uwi na ako sagot niya habang nagmamaneho pauwi.
Maaga niyang pinuntahan si Marrione .
Patungo sila ngayon sa kompanya nito.
Nakarating naman sila ng maayos.
Mauna na ako sa loob nagmamadaling sabi ni Marrione.
Tumango siya at nagpaiwan muna sa loob ng kanyang sasakyan.
Nakita niya sa loob ang dalagang kasama kahapon.
Nakangiti ito habang nakikipag-usap kay Marrione.
Napangiti nanaman siya ng wala sa oras focus ito sa ginagawa.
Bumaba siya ng sasakyan at inayos ang suot na suit at shades.
Pumasok siya sa loob.
Tumingin sa kanya ang dalaga at ngumiti. Ngumiti siya pabalik.
Hey handsome...how are you?malanding bati ni Zaldy ang baklang kumukulit sa kanya.
Humawak ito sa kanyang dibdib. Napapangiwi naman siya sa ginawa nito. Pasimpleng inalis niya ang kamay ng malanding bakla.
Aaah....I'm fine.....nakangiwi pa rin niyang sagot dito.
Tumingin siya sa dalaga at nakita niyang nangingiti ito at parang tuwang-tuwa pa ito sa eksena.
Ano payag ka na ba sa inaalok ko?maarteng tanong nito.
Aaaaah......ano kasi........kuwan...ah...ayaw akong payagan ng boss ko oo!yon nga....
Ano?payag ako basta ako ang magiging manager mo!sigaw ni Marrione.
Nanggigil siyang sumenyas dito pero patay-malisya ito.
Kay Drew naman siya humingi ng saklolo.
Pero tinakpan lang nito ang bunganga para pigilan ang tawa nito.
Dati naman naiinis ito pag nilalapitan siya ng kung sino pero ngayon wala na itong paki-alam.
Tuwang-tuwa pa ang babae.
I'm sorry to disappoint you but my answer is still no......he said straightly ......... Oh.....pero sayang ka...mas gusto mong bumuntot sa boss mo at napakaliit ng sahod mo maarte pa ring sabi nito.
My answer is final besides masaya ako sa trabaho ko.
Sayang naman si kuya gwapo pa naman bulong ng ibang customer. Hmmmmp.....ikaw ang bahala pero pag nagbago ang isip mo tawagan mo lang ako sabi nito.
Nakahinga naman siya ng maluwag.Tinapunan niya ng masamang tingin ang boss niya.Nawala ang ngisi nito at dumiretso sa elevator.
Hay bwesssit!!!mura niya ng lumabas parang hindi siya makahinga.Niluwagan niya ang suot na kurbata.
Sumakit ang ulo niya sa makulit na baklang yon isama pa ang boss niyang kunsitidor.
Naman!!napapalatak na bulong niya.
Ok ka lang?nagulat pa ang binata makita ang dalaga sa likod niya.
Sumunod pala ito sa kanya.
Ok lang sumakit lang ang ulo ko sagot niya. Kasalanan yan ng magandang genes mo nagpigpigil ito na matawa.
Tssssk!malaking kasalanan pala ang pagiging gwapo nakangising tanong niya dito.
Oo kasi nagkalat ang mga makasalanang mata haha tawa nito.
Pasok na ako sa loob paalam nito.
Ngumiti siya dito.
Oy..!napapansin ko mula nong iuwi ka ni guard River mula sa bar naging close na kayo at ang mga tingin niya sa sa'yo iba....kinurot siya ni Lea sa tagiliran. Tssssk!!Akala mo lang yon ganun talaga siya tumingin..
Hindi ko alam Drew kung bulag ka ba o sadyang tanga ka lang....wala ka bang napapansin sa mga tingin niya?sa'yo lang siya ganun.....
Sa tingin ko gusto ka niya Drew.....
Napailing siya..akala mo lang yon....hindi siya magkakagusto sa katulad kong napaka plain...
Bahala ka ikaw lang itong manhid hehe .
Haaay...imposible talaga ang sinasabi ng babaeng yon. Biyernes ng gabi naghahanda na ang binata para humarap ulit sa panganib.
Kasalukuyan siyang naglalagay ng baril sa holster ng suot na black combat pants at black leather hoodie jacket ,bahagyang matatakpan ang mukha niya.
Sa suot na black combat shoes ay nakasukbit ang swiss knife at daggers.May dala din siyang brass knuckles in case kailanganin niya.
Lastly,the most important weapon a syringe with pancuronium bromide for muscle paralysis at ang push button na tatapos ng lahat. Illegal ang underground fighting..lahat ng klase ng armas ay pwedeng gamitin basta mapatay ang kalaban.
Ready ka na?tanong ni Gray...
Yes excited at the same time sagot niya dito.
Ok naka standby kami...mag-iingat ka....or should i say mag-iingat sila sa'yo.
Hindi na siya sumagot. Magaling ang kaibigan niya nagawa nitong harangin ang makakalaban nito at siya ang ipinalit...
Malaki ang pustahan pinakamaliit ang 20milyon at hindi ka makakapasok kung wala kang VIP pass ng hotel. Sumakay na siya sa sasakyan at paalis na.Mag
kikipqgkita siya sa magiging handler niya.
Nice meeting you Mr.Miller..it is an honor to work with you.Nakipag-kamay siya rito.
Me too X so let's start the show..
Makahulugan itong ngumiti sa kanya. Hindi na sila nahirapang makapasok sa basement ng building.
Mahigpit talaga ang mga bantay at hindi basta basta ang nakakapasok.Mga mayayaman at makapangyarihang tao na handang magwaldas ng malaking pera para lang makakita ng dahas at dugo.
This night is the last one so enjoy while you still have time.Naikuyom niya ang mga kamay.
Maraming kabataan ang nasira ang kinabukasan dahil sa karahasan na nakikita niya. He will going to destroy everything here tonight.
Nakita niya sa taas ang pinakapuno't dulo ng lahat si Cedrick Montelibano at mga kasama nito.May hawak ang mga itong kopita habang masayang pinagmamasdan ang paligid.
Mas lalong nag-init ang ulo niya pagkakita dito. Nagsalita na ang emcee hudyat na magsisimula na ang laban. May tatlong laban bago ang pinaka main game kung saan siya at ang warrior ni Montelibano ang maghaharap.
Sa mga naunang laban tatlong buhay ang nawala kasama ang isang binatilyo. Pero mas masahol ang makakaharap niya pinapahirapan muna nito ang kalaban at unti-unting pinapatay.
Napakamapanganib ang Jacob na to pero wala man lang siyang takot na maradaman bagkus ay ang kagustuhang patayin ang walang awang kriminal na ito.Matangkad siya pero mas mataas ito sa kanya.
Tadtad ng tattoo ang katawan.
Ayos ka lang?narinig niya ang tinig ni Gray sa earphone niya.
Oo.......teka mas ninerbiyos ka pa ata kesa sa'kin biro niya dito.
Alam kong kayang-kaya mo siya pero di ko pa rin maiwasang mag-alala sa'yo...
Ayos lang ako may dala akong charger at binuksan ang phone niya.
Bakit lowbat phone mo?di mo naman magagamit yan ah?tanong nito..
Ngumiti siya basta......tumingin siya sa screen ng phone niya at tinitigan ang stolen shot ng lasenggerang babae na bff ng boss niya.Si Drew...napangiti siya.
Aaminin niya napapalapit na ito sa kanya...hindi na niya ito maitatanggi sa sarili. Pero pag naiisip niyang mapapahamak ito pag nagkalapit siya ay pinipigilan niya ang sarili.
Ayaw niyang may masamang mangyari dito...Pero hanggang kailan niya kaya kayang pigilan ang nararamdaman siguro hanggang kaya pa sagot ng isip niya.
Ladies and gentleman!the main event has come to start.....!please come inside the ring!the challenger from Mr.Miller! the deathstroke!!!hiyawan ang mga manunuod.
Umakyat siya sa ring at tumayo sa gitna.Hindi man lang siya bumati at hinintay ang katunggali.
And of course the undefeated champion from Mr.Montelibano the ruthless predator!Jacob Davis!!!malakas na sigaw ng emcee. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Tumayo ito sa apat na sulok ng ring at itinaas ang mga kamay pagkatapos humarap ito sa kanya at sumenyas ng your dead sign.
Ngumisi siya rito at pinakitaan ito ng middle finger..na mas lalong nakapagpainit ng ulo nito.
Hindi pa nagsisimula ang hudyat ay sumugod na ito balak siya nito patamaan ng palakol.
Mabilis naman siyang nakaiwas sa mga atake nito. I will cut your body into pieces and i will make sure you will suffer until you beg me to kill you! sigaw nito. Nakabibingi ang sigawan ng mga tao.
Napapaatras siya sa pag-iwas sa mga atake nito.At nacorner siya nito.Papalapit na ang palakol nito.Mabilis niyang dinukot ang dalawang dagger at sinangga ang palakol nito. Ubod lakas niya itong pinatid dahilan para matumba ito...
Owwwwww.......marami ang nadissappoint sa pagbagsak ng kalaban niya.Hindi nila inaasahan na may makakapagpabagsak dito sa dami ng nakalaban nito. Nanggagalaiti ito sa galit sa kanya.
Get up fucker this is not the right time he said coldly. Hindi niya inaasahan ang pagbato nito ng swiss knife sa kanya. Nadaplisan ang kanang braso ng hindi niya napapansin.Kill him!kill him! sigaw ng mga tao.Make him suffer!!!mabilis na umatake ulit ang kalaban.
Iniiwasan niya ang palakol nito.Nagkaroon siya ng pagkakataong mahawakan ang kamay nitong may hawak sa sandata nito at mabilis na nahiwa ito sa braso nito. Nabitiwan nito ang armas. Damn you bastard!!i will kill you for sure! galit na galit na ito.
Sumugod ito.ibinalik niya sa binti ang mga dagger at nagpalitan sila ng sipa at suntok.Pareho silang bihasa sa martial arts.Pero mas mabilis siya kumpara dito.Tinamaan ito sa mukha.
Hiyawan ang maririnig sa mga tao. Your fighter is amazing Mr.Miller but mind is more clever ngumisi si Cedrick sa katabi.
Nandito sila sa VIP room kung saan tanaw sa baba ang nangyayari. Ngumiti naman ang kausap.Mukhang malaki ang tiwala nito sa alaga at ipinusta ang isang daang milyon. Napaismid si Cedrick tiwala siyang mananalo ang alaga niya. Wala pang kahit isang tumalo dito.Walang awa kung pumatay..
Nagpapalitan pa rin sila ng sipa at suntok.Bumunot ito ng kutsilyo. Buti nalang mabilis niya itong masangga gamit ang sariling kutsilyo. Walang gustong magpatalo.Maririnig ang tunog ng mga sandata nila sa loob ng ring.
Nagpagulong gulong sila sa sahig.Nabitiwan niya ang sandata niya at at nasa ilalim siya nito. Ngumisi ito na parang demonyo. Your dead....I will slowly slaught and cut your body until you beg me to end your life at humalakhak ito.
Are you referring to your self sucker?you will be the one to die.Tinanggal nito ang takip sa mukha niya.
You know what I hate this face of yours ...I will start in your damn pretty face at kinuha nito at kutsilyo.
You forgot that my hands are free nakangising sagot niya. Pinigilan niya ang kamay nitong may swiss knife.Mukhang nasasaktan ito sa higpit ng hawak niya sa palapulsuhan nito.
Nabitiwan nito ang kutsilyo nagkaroon naman siya ng pagkakataon.He bumped his head to him sa lakas ay nahilo ito.Sinakal niya ito sa leeg patalikod ng mahigpit.
Nagpipilit itong makawala sa kanya. Mas lalong hinigpitan niya ang hawak dito at nangangapos ang hinininga nito.
Oh!!sigaw ng mga manunuod. Kill him!Make him suffer! slowly kill him!sigaw ng uhaw sa dugo. Nagpapambuno pa rin sila at hindi namalayan ang pagpasok ng kung sino sa loob.
Aaaah......!nahilo ang binata ng biglang may humampas sa likod niya dahilan para mabitiwan ang kalaban.
What are you doing fuckers?!!!sigaw niya sa mga tauhan ni Montelibano na may mga dalang weapons yong iba ay baseball bat na pinanghampas sa binata.
Ayos ka lang?nag-aalalang tanong ni Gray.
Ayos lang medyo nahihilo lang sagot niya. Tumayo ka na diyan tapusin niyo na Yan at papasok na kami...
Copy..dahan-dahan siyang tumayo at nagkatinginan sila ni Davis.
Until now you still play dirty shits....Si Mr.Miller.
This is life the strong one will always survive the weak one will die.
Do you still have your strength you punk?!tanong ni Davis.Ngumisi siya rito.
Yes of course....Let's end this one he said .Isinuot niya ang brass knuckles niya sa kamay at nagkatitigan sila ng kasama at sabay na sumugod hindi para labanan ang isa't-isa kundi sa mga tauhan ni Montelibano.
What the hell is this?!!!!!what are you doing bastard!!!nanggigil si Cedrick ng makita ang manlalaro at ang kalaban nito na binubugbog ang mga tauhan niya.
This is the end of your era Montelibano Mr.Miller said at pinusasan si Cedrick.
What is the meaning of this?!!!gulat na tanong niya.
Biglang pasok sina Gray at iba pang kasama niya.
Simple your under arrest Montelibano saad ni Mr.Miller.You and together with your accomplice have been watched for a long time. Arrest them all sabi niya sa mga ito.Lahat ng kasabwat at kasama niya ay naaresto..
You can't do this to me!!!makakalabas din ako agad tandaan niyo yan!!! Pinosasan siya ni Gray.Hindi mo magagamit ang koneksyon mo ngayon this time. At hinila nila ang mga ito palabas.
Tumingala ang binata sa taas at ipinikit ang mga mata habang nakatayo.Habol din niya ang paghinga dahil sa pagod. Pati ang kalaban niyang si Davis na nakasalampak na nakaupo at mukhang pagod na rin. Nagkalat at nakabulagta na ang mga tauhan ni Montelibano.
Nakuha na namin sila pati mga kasama niya wika nito.
Ang mga bata nakuha niyo na?tanong niya dito.
Oo narescue na sila...umpisahan mo na sabi nito.
Ok sabi niya.Magulo na ngayon sa loob marami sa mga pumusta ang nagtatanong ngayon at naguguluhan pareho pa rin kasing buhay ang dalawang manlalaro. Pinindot niya ang botton na nakakonekta sa emergency alarm ng building. Nagpanic ang lahat ng nasa loob at kanya-kanyang takbo sa exit. You may go outside first i stil have a matter to do here he said to Davis.Mukhang alam nito iyon at tumango.
Nang makaalis ang lahat sa loob ay sinimulan na niya. Sa isang iglap ay unti-unting sumabog ang bawat silid ng gusaling iyon.Naglakad siya palayo sa lugar na yon. Bilisan mo ikaw na lang hinihintay dito may itutuloy daw kayo ni Davis ani Gray at humalakhak ito.
Baka gusto mong sa'yo ko iturok ang laman ng syringe na hindi ko nagamit...??
Joke lang!!ito naman....
Alam niyang hindi ito ang tunay na Jacob Davis na fighter ni Cedrick Montelibano..Ang totoong Davis kasi ay nahuli na ng kinauukulan bago pa man sila nagharap.
At talagang ginalingan nila ni Liam Johnson totoong pangalan nito.Simple lang gumamit ito ng custom wearable mask at sakto namang kasingtaas at kasinglaki ito ng katawan ng totoong Davis.
He is also an agent just like him from Los Angeles together with Police inspector Wallace Miller.
Matagal nang sinusubaybayan ng mga ito ang grupo ni Cedrick lalo na ang most wanted criminal na si Davis.
Naglakad siya patungo sa kanyang sasakyan.Naramdaman niya ang mainit na likido sa kanang braso.
Nawala na sa isip niya ang hiwa doon.Kinapa niya ang sugat at kanina pa ito nagdurugo hindi man lang niya nabigyan ng pansin.
Haay....!kung bakit naman kasi masyadong ginalingan ng mokong na yon ang acting reklamo niya habang pasakay sa sasakyan.Mag-artista na lang kaya siya! hirit pa niya.
Nakarating naman siya sa hideout nila Gray at naabutan dito si Wallace at Liam. Good job buddy!nakipagkamay ang mga ito sa kanya.
It is an honor for me sagot niya. Hey gentlemen it's time to celebrate.We catched a big fish...si Gray.
Kinuha nila ang kanya-kanyang baso ng alak at nag-toss. How's your arm buddy?does it hurts?tanong ni Liam.
It's fine nothing to worry.
How about yours?tanong din niya.
Naah...! fine also ,but i admit your a good fighter.
Thanks you too...
X di mo ba gagamutin ang sugat mo?tanong ni Gray.
Talian mo nalang sa bahay na lang mamaya at biglang naalala ang magaling niyang nurse .
Hoy malala ka na!!pacheck-up ka na!palatak ng kaibigan .Pangiti-ngiti sino bang naiisip mo?si Miss Cassanova ba?iba na yan X...
Tssssk! pwede ba bilisan mo na lang ang pagtali kasalanan mo to eh!reklamo niya. Wag mong ilihis ang usapan mokong!!nahuhulog na ang loob mo sa matapang na babaeng yon wag kang masyadong obvious oy!
Natutuwa lang ako sa kanya yon lang yon palusot niya.
Pero alam mo gusto ko siya..Malay mo siya na ang magpapatino sa'yo....ngumisi ito sa kanya. Binato niya ito ng kaha ng sigarilyo.
Tawanan ang mga kasama nila sa bangayan nila ni Gray. Matino naman ako!kaya ko nga kahit walang s*x life ng dalawang taon!sigaw niya dito.
Gago! sinong niloloko mo di naniniwalang sabi nito. May katotohanan sa sinabi niya.Hindi talaga siya yong tipong go ng go pagdating sa mga babae. Nang medyo nahihilo na siya ay nagpaalam na siya kila Gray at sa mga kasama nila.Pagod na rin siya at madaling araw na papasok pa siya kay Marrione kinabukasan.
Iwan ba kung lasing lang siya o ano ibang daan ang tinahak niya at hindi sa bahay niya. Medyo nahihilo na siya ewan kung sa espiritu ng alak o dahil sa sugat at pagod. Madaling araw na at nandito siya sa pinto ng bahay ni Drew. Sanay siya sa pagbubukas ng pinto pero hindi niya ito gagawin.
Pinindot niya ang doorbel umaasang lalabas ito.
Nasa kasarapan pa ng tulog si Drew ng magising sa tunong ng doorbel niya.Tinignan niya ang oras alas-tres pa lang ng madaling araw sino ba ang demonyong umabala sa masarap niyang tulog.
Wala naman siyang kakilala na pupunta ng ganitong oras maliban sa bestfriend niya may ugali kasi ito na pag galing sa labas tamad na itong dumeretso sa bahay nito. Kainis naman tong lalaking ito bulong niya nasa pangatlong tunog na ng buksan niya ang pinto.
Hindi ka talaga marunong umuwi ng bahay mo lalaki ka!kulang na lang dito ka na tumira sa baha.......ikaw?gulat niya hindi ang makulit niyang kaibigan ang nasa harap niya kundi si River ang guwapong bodyguard nito.Ang lalaking gumagambala sa tahimik niyang mundo.Pero anong ginagawa nito dito ng ganitong oras.San nanggaling ang isang ito.
Namumungay ang mata nito at namumula ang mukha dahil sa maputi ito ay kitang-kita at mukhang nakainom ito medyo amoy niya ang alak
Hi.....?nakangiting bati nito.
Sorry nagising kita sa pagtulog medyo nahihirapang sabi nito. Nangunot ang noo ni Drew may sugat ang kanang bahagi ng labi nito at may mga ilang gasgas din ang mukha nito.Nakipag-away nanaman ba ito? pero maayos naman ang suot nito.
Nakajeans at jacket ito anong nangyari sa isang to?tanong niya sa sarili. Inaabala mo na rin lang ako may magagawa pa ba ako?halika ka tuloy ka aya niya dito. Pumasok ito at nagulat siya nahilo ata ang mokong at bumagsak ito payakap sa kanya.
Oh!o-o anong ginagawa mo?gulat niyang tanong.T-t-teka ang bigat mo bakit ka naman kasi magpapakalasing tapos dito ka pupunta wala ka bang bahay?sermon niya dito.
Hindi ako lasing nahilo lang ako nakapikit nitong sagot.
Wheee!!!di nga?hindi siya naniniwala dito. Oo.....sagot nito. Aba't!tignan mo tong isang to haaay.....inakay niya ito patungo sa sopa at dahan-dahang pinaupo at isinandal ang ulo nito. Pa'no to ang laki niya bakit ba naman kasi ang tatangkad niyo!o idi kayo na!wasiwas niya ang mga kamay sa hangin. Napahinto siya sa pagdadadal ng mapatitig sa mukha nito.Bakas dito ang matinding pagod.Bahagyang nakakunot ang noo.Nagkaroon ulit siya ng pagkakataong titigan ito.Napakaamo at napakapayapa ng mukha nito.
Hay....guwapo nga sabi ng isip niya. Stop staring at me baka malusaw ako...nagulat siya ng magsalita ito.Alam ba nitong nakatingin siya rito?nakapikit pa rin ito at bahagyang nakatingala.
Hoy hindi ah!pilingerong to!tanggi niya.Ngumiti ito at tumalon nanaman ang puso niya. Kinikilig naman siya pag nakikita si Marrione kasi nga crush na crush niya ito .Pero iba ang pakiramdam niya sa isang ito as in sobrang lakas ng kabog sa dibdib niya.
Ho!napailing siya para gisingin ang sarili.Lumapit siya rito at tinanggal ang rubber shoes nito.
Hoy!tatanggalin ko lang ang jacket mo ha? huwag kang gagawa ng kalokohan mananagot ka sa'kin!banta niya dito. Hmmmm tumango ito.
Ano namang gagawin ko sa'yo?tanong nito.Isa pa I'm not a pervert..Pero kung gusto mo pwede rin akong maging ganon nakangiti ito pero nakapikit pa rin.Aaaaah!daing nito.Hinampas niya ito sa braso at parang napangiwi ito sa sakit. Lumapit siya rito at dahan-dahang inalis ang suot na jacket nito.
Alam mo bang mas masakit at mas mabigat pa ang kamay mo kesa sa tama ng baseball bat at kutsilyo tanong nito.Salubong nanaman ang kilay habang nakapikit. Mas lalo ata itong gumawapo sa tingin niya. Natanggal niya ang jacket nito.Nagulat siya sa nakita may tali ito sa bandang taas ng braso mukhang may sugat ito doon.
Ano to?nagtatakang tanong niya.
Wala yan hindi ako mamamatay sa ganyang tama sagot nito. Basagulero ka ba at sa tuwing pumpunta ka dito lagi ka nalang may sugat at pasa??o baka naman napagtritripan ka ng mga tambay diyan asar na tanong niya.
Hindi wag mo nalang alamin....... Titignan ko ha?aalisin ko ang tali..Tumango ito.Dahan-dahan niyang tinanggal ang tali at napabuga siya ng malakas na hangin nagdudugo pa rin ito. Napangiwi siya sa nakita.
Hubarin mo ang damit mo sabi niya.Tinulungan niya ito sa pagtanggal sa turtle neck na suot nito. Napalunok siya ng sariling laway omo!ngayon lang siya nakakita ng topless na lalaki sa malapitan. Hindi siya sanay sa tanawin..Napanganga siya ng makita ang magandang katawan nito.Ang lalaking ito wala man lang bang maipipintas dito?everything is always perfect. Katulad ito ni Marrione ng pangangatawan. Although nakita niya si Marrione na topless pero hindi ganito kalapit.Ang walang hiyang kaibigan niya walang pakialam kung magbilad ito ng katawan sa harap niya.
Bakit ang puti mo?tanong niya sa utak.. Dumako pa ang makasalanang mga mata niya sa six pack abs nito. Whoooa!!!kanin na lang ang kulang ulam na!!!
Ahem!pukaw nito sa panaginip niya. Napakurap nanaman siya ng mata. Nakatitig ito sa kanya ng seryoso!Teka kanina pa ba ito nakatingin sa kanya?!
Kung titigan mo ako kulang na lang lamunin ako ng buhay biro nito.
Hindi no!mahiya ka nga!pinandilatan niya ito ng mata. Bwesit nawala na isip niya ang dahilan kung bakit niya ito pinaghubad. Naalala niya ang braso nito.Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang nakabuka nitong sugat medyo may kalaliman ito. Mukhang isang matulis na bagay ang tumama dito. Nakapikit na ulit ito.
Teka lang sabi niya at pumunta sa tokador para abutin ang first aid kit at saka bumalik sa kinaroroonan ng binata. Baka hindi tumigil ang pagdurugo ng sugat medyo malalim wala sa loob na sabi niya.Mukhang kailangan nating pumunta ng hospital para matahi ito.
No....ayoko sa hospital nahihirapan nitong sabi.
Hay ang tigas ng ulo!inis na bulong niya. Sinimulan niyang linisin at gamutin ang sugat nito .Medyo natigil naman ang pagdurugo nito. Pagkatapos lagyan ng gasa ang sugat ay tumayo na siya. Hmmmmm.....daing nito.Tulog na ba ito?
Aba't balak pa ata nitong matulog sa bahay niya.Ibinaba niya ang box ng first aid kit at lumapit siya rito.
Hoy!!!!huwag mong sabihing..........!hindi natuloy ang sasabihin niya ng maramdamang mainit ito. Sinalat niya ang noo nito at hindi nga siya nagkamali inaapoy ito ng lagnat. Mainit ka kausap niya dito.Hindi sumagot ang binata at nanatiling nakapikit. Inihiga niya ito sa sofa.Pagkatapos ay nagtungo sa kanyang kwarto para kumuha ng unan,bimpo at kumot. Nilagyan niya ng unan ito at kinumutan sandali.Nagtungo naman siya sa kusina para kumuha ng palangganang may tubig pagkatapos ay binalikan ang binata Nakabaluktot na ito sa sofa at pinagkasya ang laki nito doon. Tinanggal niya sandali ang kumot at pinunasan ito sa mukha,leeg,sa dibdib nito pababa hanggang sa tiyan nito. Nakapikit siya habang pinupunasan ito.Pagkatapos ay kinumutan ulit ito at tumayo na siya para ibalik sa kusina ang ginamit. Hindi na ata siya makakatulog nito. Mabuti at sabado na off naman nila kinabukasan. Tumayo siya para pumunta sa kusina at balak magtimpla ng kape.Tatayo na siya ng biglang gumalaw ang kamay nito at pinigilan siya sa pagtayo. Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya.
D-dito ka lang please.....?nahihirapang sabi nito. May kailangan ka ba?sabihin mo may masakit pa ba sa'yo?tanong niya. Wala....just stay here...nakatingin siya sa kamay niyang hawak pa rin nito. Napabuntonghinga na lang siya at umupo sa lapag.
Sino ka bang talaga?bakit andami mong itinatago?saan mo ba nakukuha ang mga ito?tanong niya sa isip. Tinitigan niya ang braso nitong nilagyan niya ng benda.Bukod sa pagiging bodyguard nito sa kaibigan niya ay wala siyang alam tungkol dito.Biglaan din ang pagdating nito.Hindi niya alam kung taga saan ba ito kung may asawa o di kaya girlfriend. Sa huling naisip ay parang nasaktan siya ay kaalamang baka may naghihintay dito o pagmamay-ari na ito ng iba. Aaminin niyang napapalapit na ito sa kanya. Kusang umangat ang libreng kamay niya para haplusin ang pisngi nito.Mas makinis pa ata ang kutis mo kesa sa'kin napapangiting bulong niya.Hindi niya namalayan na nakaidlip pa siya. Naalimpungatan si X at nagmulat ng mga mata.Maliwanag na ang paligid.Medyo masama ang pakiramdam niya. Nilingon niya ang natutulog na dalaga.Napakunot noo siya, nakaupo ito at nakapatong ang ulo sa sofa. Hawak pa rin niya ang kamay nito. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay nito at malayang napagmasdan ang maamo nitong mukha. Umangat ang mga kamay niya at humaplos sa mukha nito. Naramdaman niya ang mainit na palad na humahaplos sa mukha niya. Nagmulat ng mga mata si Drew. Nakatitig ng matiim sa kanya ang binata.
Good morning.....bati nito sa kanya. Morning sagot niya.Hindi niya kayang salaubungin ang mga titig nito. Bigla siyang napatakip ng mukha!pano kung may laway pala siya o muta yaaay!nakakahiya!!napakurap-kurap pa siya. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya rito.
Wala kang laway at wala ka ring muta.Mukhang nabasa pa ata nito ang nasa isip niya.
Ah....hehe.....napakagat siya ng ibabang labi.....nakaupo na ito f*****g s**t!mura nito....
I told you not to bite your lips whenever I'm around....I don't think I can stop myself from.....may gusto itong sabihin pero di nalang tinuloy.
Ano naman yon?bulong niya. Ayos na bang pakiramdam mo?ang taas ng lagnat mo kagabi...napatingin siya sa sugat nito. Napanganga nanaman siya nakalimutan niyang wala itong damit pang-itaas at ang mukha niya nasa tapat ng flat na tiyan nito sa may bandang abs nito!
Nagpaypay siya ng kamay ng wala sa oras. Magpahinga ka muna gagawa lang ako ng breakfast kailangan kong pumasok ngayon sabi niya.
Ok sabay na tayo..dadaan lang ako saglit sa bahay para magpalit sabi nito. Ngumiti siya at tumayo para pumunta sa kusina.
Naghanda siya ng breakfast fried rice bacon and scrambled egg.Nagtimpla na rin siya ng kape. Lumabas siya ng kusina para tawagin si River.Kain na tayo aya niya dito.Kasalukuyang isininusuot nito ang hinubad na damit. May mga damit naman si Marrione sa cabinet pwede mo munang gamitin sabi niya dito.
Hindi na magbibihis naman ako sa bahay sagot nito. Nauna na siya sa kusina. Sumunod ito at naupo na. Ibinigay niya dito ang isang tasang kape. Thank you sabi nito. Tahimik silang kumain.Paminsan-minsan ay nag-uusap naman pero matipid ang mga sagot ng binata lalo na sa personal life nito. Pagkatapos kumain ay tinulungan siya nitong magligpit at pagkatapos magsipilyo ay lumabas na sila ng bahay. Pinagbuksan siya nito ng pinto sa tabi nito at pagkatapos ay pumasok na ito at nagsimulang magmaneho.
Twenty minutes nakarating sila sa tinitirhan nito. Medyo malayo ito sa mga kabahayan. Bumaba sila ng binata at bago pumasok ay may pinindot itong code sa pinto. Come in sabi nito.Sit down and wait for me here....if you don't want you can come inside my room upstairs......
H-hindi dito na lang!naiilang niyang sabi. Ok sabi nito at ngumisi bago umakyat sa kwarto nito at naligo.Iginala niya ang paningin sa loob katamtaman lang ang laki para sa isang tao.Tumayo siya at naglakad.Maganda at malinis ang lugar. Pumasok siya sa kusina.Pinakialaman niya ang ref nito.Puno ito ng bottled water at puro beer in can.
Hindi ba kumakain ang lalaking ito?tanong niya sa sarili. Lumabas siya at napako ang tingin sa isang saradong silid tumungo siya roon at bubuksan ang pinto ng may biglang nagsalita.
Anong ginagawa mo diyan?Nakatayo ang binata sa may likuran niya. Nagulat siya at biglang lumingon dito ..
Ano ka b........!hindi niya naituloy ang sasabihin sobrang lapit nito.She bumped her head in his chest.
Awwww!! ng makabawi ay tumingala siya rito.Wag kang basta basta sumusulpot nalang sa kung saan hay....papatayin mo ako sa takot...
Forgive me.....i can't take it anymore......bago pa siya makapasaglita ay hinapit siya nito sa bewang at kinabig ang batok niya.He kissed her in the lips!!!nanlaki ang mata ng dalaga sa gulat!!this is her first kiss!
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga sandaling yon.Mas lalong lumalim ang halik nito. Hinigpitan ng binata ang yakap nito sa kanya at mas lalong hinapit siya palapit dito. Malaking pagkakamali niya ng ibuka niya ang bibig.His tounge went inside her mouth.He explore and taste hers.. Nanghihina na ang mga tuhod niya at feeling niya matumtumba siya!!