Can't take my eyes off you

4798 Words
Chapter 9. Unahin niyo ang aso at isunod ang amo!wala na akong pakialam sa foundation!Inuubos ng dalawang yan ang pasensya ko!Galit na sigaw ng senator sa kausap bago nito ibinababa ang tawag. Relax ka lang Antonio,wag mong daanin sa init ng ulo mo paalala nito habang sumsimsim sa hawak na alak. At nakuha mo pang maging kalmado sa sitwasyon natin ngayon kapag napasamakamay ito ng hindi natin kaanib tapos ang maliligayang araw natin tandaan mo yan Montelibano! Kapag pumalpak ang mga walang silbing tauhan mo hayaan mong ako ang umayos mapanganib na ngumisi ito. Palabas na sila sa bar ng babaeng kasama. Alam niyang ipinadala itong pain sa kanya para lumabas. Kailangan niyang umarte para hindi mapahamak ang mga kasama. Nasabihan na rin niya boss niya. Gusto siyang samahan ni Marrione pero tumanggi siya at sinabing bantayan ang iba. Sigurado ka bang kaya mo?nag-aalalang tanong nito. Tumango siya.Don't worry sanay ako sa mga ganitong panganib sabay sukbit ng baril sa bewang. Babe...where do you want to go in heaven or hell choose he whispered in her ear then he sucked her neck. Ohhh!babe I can't take it anymore she said at hinila siya nito sa isang hindi mataong lugar hindi kalayuan sa bar. Babe I'm so tipsy bulong niya dito. Ngumisi ng nakaloko ang babae. Sa di-kalayuan ay may tumigil na dalawang itim na SUV. Bumaba ang nasa sampung lalaki.May mga bitbit itong baseball bat at nakangising lumapit sa kinaroroonan nila. Tssssk!Ooooooooy!!ano to?!pagewang gewang siya sa paglalakad.Tawananan ang mga ito. Hindi na makakaporma yan tapusin niyo na! sabi ng pinakalider. Now punk get ready to face your hell wika nito ulit at humalakhak pa ito. Napangiwi naman siya sa itsura nito.No, nakangisi rin siya dito.I don't think so...It's you and your squad will face the hell. Sabay-sabay na sumugod ang mga ito gamit ang mga baseball bat na dala. Nakatayo siya at hinintay sa kinatatayuan ang mga ito. Hoy Drew tama na yan!nakakarami ka nang babae ka hay!!!ano to babysitter nanaman ako sa'yo? Iniwan niya ang kalandian ng tawagin ito ng isa sa mga tauhan niya Naabutan niya ang kaibigan na nilalagok ang ang beer na hawak at nakita niyang nakakarami na ito. Nagpaalam siya sa kasama kahit panay ang reklamo nito.Mas mahalaga ang kaibigan niya kesa sa kung ano pa man dimwit! Inagaw niya ang hawak nitong bote.Namumungay na rin ang mga mata nito. Hoy lalaki!hik! kaya nga tayo nagpunta dito para magsaya at uminom di ba?hehe tawa pa nito pero para ng mabubuway. Hay....oo nga pero di ko naman sinabi na gawin mong soft drinks ang alak pasaway kang babae ka. Pa'no na ang love life ko nito nagkakamot sa ulong bulong nito. Ano ka ba iwan mo na ako andito naman naman sila Hanna turo nito sa tatlong kasama. Lumingon ito sa mga kasama niya.Pag bumalik si River pakisabi ihatid si Drew bilin niya sa mga ito. Ok sir sagot ni Hanna.Bigla nanamang uminit ang ulo niya pagkarinig sa pangalan ng lalaki. Y-y-yong lalaking yon?!pwede ba uuwi na lang ako mag-isa kesa magpahatid don!Isa pa busy yon sa kaharutan niya at malamang sa kung saang langit na sila nakarating.Hindi na yon babalik dito! Selos yarn?!bulong ni Marrione. What?!bakit naman ako magseselos hindi ko naman siya boyfriend?!Teka!bakit ba niya nasasabi ang ganito!umayos siya ng upo at tinapik ang dalawang pisngi.Hindi!Hindi bulong niya. Hoooy!hehe ano yan Ms.Casanova hehe tinitigan siya ng makahulugan ni Marrione. Ah wala!basta! Ikaw tama na ok? Nakataas kilay pa ang malanding kaibigan at abot hanggang tenga ang ngiti. Sige na sige bumalik ka na sa kalandian mo ayos lang kami rito pagtataboy niya dito. Ok sagot nito. At ikaw tama na ha? natatakot ako pag nalalasing ka eh.... paalala nito saka tumayo at nagpaalam.Oo na! ng makaalis ito ay dumampot ulit siya ng isang bote. Arrrrghhhh......!daing ng mga tauhan ni Alex na nakahandusay sa sahig. Mag-isa nalang siyang nakatayo.Napaatras siya habang palapit ang lalaki. Sa siyam na tauhan wala man lang nakatama sa lalaki bagsak lahat ang mga ito at duguan.Nakita niya ang kamay nito na duguan dahil sa ginawa nito sa mga kasama niya. Agad niyang binunot ang baril at papuputukan sana ito ng maunahan siya nito at lumipad ang bala nito sa baril na hawak niya. Nagulat siya at hawak ang nadaplisang kamay.Nanginginig na siya sa takot. S-s-sino ka bang talaga hayop ka?!nahihintakutang tanong niya dito. None of your damn business he said while smiling creepy at him. I will let you live this time all of you and report to your damn boss what happened. Tell him to lived his life to the fullest because he only have a short time . Ibinalik niya ang baril sa likuran at tumalikod. Agad lumapit ang babaeng kasama ng mga ito at kumapit sa leeg niya. Ang galing mo...bulong nito at inilapit ang mukha sa kanya. Forget them sasama ako sa'yo.... Tarantado ka Aileen!sigaw ni Alex. Lumingon ang babae at ngumisi. Shut up your f*****g mouth!sigaw nito.Wala kang kwenta!mahina! Wala akong mapapala sa'yo! Nagtagis ang bagang nong Alex sa sinabi ng babaeng nakalambitin sa kanya. Tinanggal niya ang mga kamay na nakapulupot sa kanya at bahagyang itinulak ito. Why?tanong nito. I'll give you what you want.Magaling ako dadalhin kita sa langit hirit nito. Go back to your f*****g boyfriend I'm not interested with you at parang hanging dinaanan ito. Napaawang ang labi nito sa inis. At kanino ka interesado sa babaeng badoy ang hairstyle?!sigaw nito. Huminto siya at nilingon ito. You're nothing compared to her sagot niya at nilayasan ang mga ito.Narinig pa niya ang pagmumura ng babae.Pasalamat ito at marunong pa rin siyang gumalang sa mga katulad nito. Kumusta?tinig ni Gray sa kabilang linya. Ok lang..matipid niyang sagot. Hindi na ba kami kailangan? tanong nito. Hindi na umuwi na kayo sagot niya. Nasa malapit ang mga ito.Sinabihan na niyang kaya niya pero hindi ito pumayag just in case lang daw. Ok balik kana sa loob kanina pa tumatawag ang boss mo sabi nito.Kinuha niya ang phone niya at nakita ang maraming miss calls nito.Napapikit siya ng mga mata at naglakad pabalik sa mga ito. Hala Drew! tama na yan malalagot kami kay boss wika ni Hanna. Huwag mong intindihin ang mokong na yon magpakasaya tayo sagot niya sabay tungga sa bote ng alak. Pabalik na sa kinaroroonan nila sina Lea at Yza.Ang mga lintik mukhang nakahanap ng boylet. Drew tara join kayo sa'min aya ng mga ito.O pagod na ba kayo sa kakasayaw at nandito na kayo?mabuway niyang tanong. Yari ito nanaman siya kagat-labing sabi ni Lea nagiging madaldal ang kaibigan pag nasobrahan ito sa alak. Hoy!iniwan n....i..yo yong mga boylets niyo?!sigaw niya dahil medyo malakas ang music. Umorder lang sila ng drinks o! ayan na pala sila sabi ni Yza. Tumingin siya sa dalawang lalaking paparating.Medyo gwapo naman ang mga ito pero mas gwapo siyempre ang bestfriend niya more on ang bodyguard nito. O!hayyyyyy!naman o!nasingit nanaman ang lalaking yon sa isip niya.Ipinakilala sila sa dalawang lalaki.Magalang naman ang mga ito. Dave at ewan Ivan ba o ano hay malabo na ang isip niya. Nang makapagpahinga ang mga ito ay naisipang bumalik sa dancefloor sumama naman sila hanna at siya itong tumanggi at naiwang mag-isa. Wala siyang hilig sa pagsayaw-sayaw sa dance floor mas gugustuhin niyang magmukmok at uminom. Kaya ata wala man lang siyang nagiging boyfriend in her 29th year of existence haha. Matamlay siyang napangiti.Kung minsan naman naiinggit din siya sa iba yon bang may kasama kang nagcecelebrate ng mga important occasions,kasamang lumabas mamamasyal ganon pero malas ata niya at walang magkamali sa kanya. Malungkot din ang mag-isa iniwan na siya ng lola niya at ang papa niya na hanggang ngayon hindi niya alam kung buhay pa ba o patay na. Lumingon siya sa mga kasama.Masayang-masaya ang mga ito. Yong mga lalaki ayon kanya-kanyang diskarte haha. Naputol ang sight seeing niya ng may lumapit na lalaki sa kanya. Hi?won't mind if i join you?ngumiti ito? Tumango lang siya dito. So alone?tanong nito. Hindi a-andon yong mga kas----ama ko.Medyo nahihilo na rin siya.Himala may naligaw na lumapit sa kanya. Want more drinks?By the way I'm Jake......and you? Drew...inilahad nito ang kamay sa kanya. Ngumisi ito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.Medyo nailang siya sa mga titig nito pero hindi na lang niya pinansin. Nag-paalam ito para kumuha ng alak tumango naman siya. Bumalik itong dala ang isang whisky.Try this one I'm sure magugustuhan mo. Ngumiti siya dito. Ok inaantok ng sabi niya. Cheers!sigaw niya at ngumisi ang lalaki. Dinala niya ang alak sa bibig pero bago pa man niya ito matikman ay may pumigil na sa kamay niya. Inagaw nito sa kanya ang alak.Galit na nilingon niya ang may ari ng pangahas na kamay at lalong nainis ng makita ang rason sa inis na nararamdaman niya na hindi rin niya alam kung bakit siya naiinis dito. Nagsimula ng makipaghalikan ito sa makating babaeng yon. Y-y-you!turo niya dito how dare you!medyo napasigaw siya at careless dahil sa tama ng alak. Give it back to me you asshole at inaagaw ang baso ng alak. Enough!galit ding sabi nito. Tumayo na rin ang lalaking kasama niya.Hoy!ano bang problema mo?!tanong nito. Pero hindi niya ito pinansin.Hindi rin maipinta ang mukha niya lalo na ng makita ang babaeng to na kung uminom ay wala ng bukas dumagdag pa ang kumag nitong kasama na ewan kung saan nito napulot. Medyo nakakuha na sila ng pansin sa mga tao.Ang boss niya ay hinayaan sila ganon din yong ibang kasama nila. Iuuwi na kita marami ka nang nainom sabi niya dito sabay hawak sa kamay nito. Pagod na rin siya at gusto na niyang umuwi. Lalong nadagdagan ang inis niya ng bawiin ng dalaga ang kamay nito at tinignan siya ng matalim. Hoy!umuwi ka mag-isa mo!paki mo ba?!yong kalandian mo ang ayain mong umuwi!pigil nitong sumigaw. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Dinampot ni Drew ang bote ng alak sa lamesa at itutungga ng hablutin niya ito at siya ang uminom. Bumuka ang bunganga nito para magsalita pero walang lumabas. Pwede ba leave us alone wag kang bastos!sabi ng lalaking kasama niya.Galit na rin ito. Tara na umuwi na tayo hila niya dito. Aba't bastos ka ha!,sabi ng lalaki at lumipad ang kamao nito patungo sa kanya.Pikon na siya sa isang to. Sinalo niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit. Aaaaah!daing nito habang siya naman ay nakatingin ng masama sa kanya. T-t-tama na!suko na ako sabi nito at binitiwan niya ito.Hawak nito ang nasaktang kamay. Lumingon siya kay Marrione tumango ito at kumindat sa kanya. Let's go at akmang maglalakad na siya pero matigas ang babaeng to. Dito lang ako kung gusto mong umuwi umuwi ka o kaya tawagin mo yong kahalikan mo at siya ang iuwi mo gigil na bulong nito.Pilit nitong binabawi ang kamay sa pagkakahawak niya. Yon ba ang ikinagagalit mo?ngumiti siya at tumitig dito. Paki ko sa inyo kahit maglampungan pa kayo sa harap ko umirap ito sa kanya. Wala yon palabas lang yon paliwanag niya dito. So uso na pala ang halikang eksena kahit may madlang pipol?pilosopo nitong sabi. Tama na halika na kalmado niyang sabi. Hay.......bingi ka ba?sabi ko ayokong umuwi?mataray na sagot nito. Ah.....ganun sumersyoso siya at bigla itong binuhat at isinampay sa balikat niya. Whooooa!!!ibabaw mo ako!pagwawala ni Drew. Pero hindi na niya ito pinansin at binuhat ito palabas ng bar. Boss!nakita mo yon?tanong ni Luke kay Marrione. Hayaan niyo na sila mag-enjoy nalang tayo sagot nito. Ibaba mo ako sabi pilit pa rin si Drew na makawala sa binata.Sa inis niya ay kinagat niya ito sa balikat. Aaaahhhh!!nakakasakit kana daing nito. Masasaktan ka pag di mo pa ako ibinaba banta niya sa binata.Para namang wala itong narinig at binuksan ang backseat ng sasakyan nito at inihagis siya nito. Walang hiya ka huhuhu!kunwariy iyak niya. Kapag hindi ka pa tumigil diyan itatali kita! banta nito sa kanya. Sabi ko nga titigil na at inirapan ang binata. Wala silang imikan buong biyahe hanggang makarating sa bahay niya. Padabog siyang bumaba ng sasakyan. Salamat sabi niya rito kahit nahihilo na siya at naiinis dito ay nakuha pa rin niyang magpasalamat. Sa susunod na uminom ka siguraduhin mong sa tiyan mo ilalagay at hindi sa utak paalala nito. Sa susunod din kung gagawa ka ng kahalayan don sa walang nakakakita nakahalukipkip na tugon niya. Bahagyang nitong kinagat ang ibabang labi inihilamos ang kamay sa mukha dahil sa inis. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala yon at parte lang yon ng palabas nahihirapang sabi nito. Sige na aali...... Teka! putol nito sa sasabihin nito. M-m-may sugat ka?!bakit may dugo ang mga kamay mo?!gulat na tanong ni Drew. Hay tssssk!mas lalong kumunot ang noo niya ng mawala sa isip ang kamay na may sugat sa pakikipag-away niya kanina. S-saan mo nakuha yan?nakipagsuntukan ka ba?tanong nito. Wala to wag mo nalang pansinin. Hindi!pumasok ka muna sa loob gagamutin natin aya nito. Hinila nito ang kamay niya at pumasok sila sa loob.Hintayin mo ako saglit maupo ka muna sabi nito at itinuro ang upuan. Naupo siya at hinintay ang dalaga na pumanhik sa itaas. Pagbalik nito ay dala na nito ang panlinis sa sugat.Binuksan nito ang lalagyan at kinuha ang kamay niya. Bakit magkabilaan?nakipagsuntukan ka talaga no?kulit nito habang sinisimulang gamutin ang sugat niya. Sinabi ko na sa'yo wala ito sabi niya habang nakapikit. Hay wag mong sabihin yan hindi naman maatim ng konsensya kong umuwi kang ganyan sabi nito. Iminulat niya ang kanyang mga mata at tinitigan ang dalaga.Seryoso ito sa paggamot ng mga sugat niya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na tignan ito ng matagal. Mula sa magaganda nitong mga mata,mahabang pilik-mata may katangusang ilong at labing mapula kahit walang bahid ng lipstick. Nagtagal ang titig niya sa mga labi nito.Parang kaylambot at angsarap halikan.Napalunok siya at natutukso siyang halikan ito lalo na at bahagya pa itong nakaawang! Grabe ang pagpipigil niya sa sarili.Maganda ito hindi lang talaga ito aware sa itsura.Jeans at T-shirt lang ang suot nito pero litaw ang ganda nito. Hay ginugulo ng babaeng ito ang utak niya. Oh ayan tapos na sabi nito at tumingin sa kanya. Napaubo naman siya ng mahuli siya nitong nakatingin dito. Sandali magtitimpla lang ako ng kape uminom ka muna bago ka umalis. Nagtungo ito sa kusina para magtimpla ng kape.Pagbalik nito ay inabot sa kanya ang umuusok na kape. Salamat sabi niya.Katahimikan... Salamat nga pala sa paghatid maya-maya ay nagsalita ito. Wala yon gusto ko naman bulong niya sa huling sinabi. H-ha?wala wala!napatango naman ito. Pasensya ka na inasal ko kanina medyo nahihiya ito at hindi makatingin sa kanya ng deretso. Hindi kasi ako sanay makakita ng g-ganong eksena hehe!ay ano bang sinasabi ko!nakagat nito ang ibang labi at napapikit. Please don't do that you don't know how much you make me suffer nahihirapang sabi niya. Ha?wala sa loob na tanong ni Drew. Nothing nahihirapang sagot niya. Huwag mo ng babanggitin ang babaeng yon hindi na yon babalik sabi niya dito. Haiisssst bakit ba siya nagpapaliwanag dito. Tumayo na siya at baka kung ano pang maisipan niyang gawin sa inosenteng babae. Aalis na ako paalam niya dito. Oh wait can i have your phone? tanong niya dito. Aaaah.....ok at inabot nito sa kanya.Kinuha niya ito at nagtype.This is my number just call me in case of emergency sabi niya. Ok sagot nito. Pano una na ako paalam niya dito.Hinatid siya nito sa labas. Goodnight......tumigil siya at nilingon ang babae. Goodnight ingat paalam nito at kumaway sa kanya.Ngumiti naman ang binata at umalis na. Ilang putok ng baril ang umalingawngaw sa abandonadong gusali linisin niyo ang kalat sabi ng senator sa mga tauhan. Nabigo ang mga ipinadala niya para patayin ang misteryosong lalaki na kasama ni Marrione Tuazon na napag-alamang bodyguard nito. Nagngingit-ngit siya sa galit at pinagbabaril ang mga tauhan. Para sa kanya ang buhay ng mga ito ay walang kwenta. Punyeta!sigaw niya at ibinato ang basong may alak.Sino ka bang talaga at sino ang nagpadala sa'yong hayop ka!Anglakas ng loob mong pagbantaan ako!Hindi ang katulad mo lang ang magpapabagsak sa'kin! Papatayin ko kayo ng Marrione Tuazon na yon! Masakit ang ulo ni Drew kinabukasan dahil sa dami ng nainom.Tumunog ang cellphone niya at sinagot ito. Hello... tamad niyang sagot. Kumusta ang tanggera?si Marrione. Ok lang medyo masakit lang ulo ko. Nakauwi ka ba ng maayos?salamat at andiyan si River para ihatid ka hay mabuti naman at hindi muna ako ang babysitter mo biro nito. Hmmmmp!tinakpan niya ng unan ang mukha. Ikaw ba kumusta ka naman?tanong niya dito. Ano ka ba siyempre ayos lang ok na ok siyempre alam mo na hehe. As if naman may kasama kang babae natural gumawa ka nanaman ng milagro. Ito naman hayaan mo naman ako mag-enjoy baka pag nag-asawa na ako siyempre hindi ko na magawa ang ganito. Kung may balak ka pang mag-asawa naku 36 kana sermon niya dito.Kahit naman crush na crush niya ito hindi siya umaasang magkakagusto ito sa kanya kapatid lang ang turingan nilang dalawa at magiging masaya siya kung magmamahal ulit ito . Malay mo malapit ko na siyang makilala hehe. Sige na babangon pa ako maglalakwatsa ako ngayon at tumayo na siya. Ok sige kita nalang tayo bukas sabi nito. Uminom muna siya ng gamot sa sakit ng ulo at pumunta sa kusina para magluto ng almusal. Fried egg at hotdog lang at kumuha siya ng slice bread nakapagtimpla na rin siya ng kape. Off nila ngayon kaya punta siya ng mall. Naligo siya at nagbihis.Jeans na na kupasin at itim na t-shirt at sapatos lang ang suot niya.Hindi siya nagsusuot ng dress.Isinuot niya ang sportwatch at dinampot ang bag niya. Pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Bumukas ang pinto ng tinutuluyan niya at alam niya kung sino ito.Wala namang nakaalam sa lugar na ito kundi sila lang ng kaibigan. Hoy tanghali na...nagtalukbong siya ng kumot ,haaay...bakit ba ang aga mong mang-istorbo pagod ako sabi niya. Off mo ngayon kaya wala kang gagawin maghapon. Dumapa siya sa kama. O!mukhang nasugatan ka ata kagabi?tanong nito. Wala ito kumpara sa ginawa mo sa'kin nong dumating ako nakapikit na sagot niya. Ano nanaman bang kailangan mo?tamad na tanong niya. Si Cedrick Montelibano isa sa mga target....sabi nito. O?papatayin ko ba?tanong niya dito. Haaaay......hindi.Alam mo yong illegal underground fighting niya diba?tanong nito. Uhuh.....ano ngayon. Papasukin mo yon at lalabanan ang fighter niyang si Jacob Davis ang kilalang walang awa kung pumatay sa mga kalaban....... Ano?!!napamulat siya ng mga mata at biglang bumangon. Bakit ako?!!!inis na tanong niya. Dahil Ikaw lang ang pwedeng itapat sa fighter na yon. Kailangan nating makapasok don. Kailangang mahuli ang dapat mahuli. Alam mo bang karamihan sa fighter ay mga kabataan?karamihan sa kanila yong mga ulila in short yong wala ng pamilya.Yong iba kinukuha sa bahay ampunan pangangakuang aalagaan at pag-aaralin pero gagawin silang fighter sa underground. Iyan ang modus ng Montelibano na yon nagpapanggap na mabuting pilantropo pero masahol pa sa demonyo.Pahayag ng kaibigan. Tumingin siya sa kaibigan inistorbo na nito ang tulog niya isasabak pa siya sa isang madugong laban. Wala ka bang ibang maisip na gumawa nito?naiiritang tanong niya. Hehe Ikaw lang ay may kakayahang lumaban sa kanya. Isa pa kapag nahuli ang mga sangkot sa illegal na palarong yon ikaw na ang bahala sa lugar ngumiti ito ng makahulugan. Iisa-isahin natin ang sanga saka natin putulin ang ugat sabi nito. Pwede ba off ko ngayon sa trabaho gusto kong magrelax kung wala ka ng sasabihin lumayas ka na. Ah ganun ba?sayang may dala pa naman akong mga pagkain so dadalhin ko nalang ulit pinapaalis mo na ako eh hehe.Dinampot niya ang baril at itinutok dito. Subukan mo.....banta niya dito. Tignan mo pinapalayas mo na ako tapos ngayon hay......labo mo pre! Tumayo siya at pumasok sa banyo para maghilamos nagmumog.Sumunod siya sa kusina. Dapat lang na pakainin mo ako napagod ako kagabi sabi niya at naupo na. Tssssk babangon ka din pala dami mo pang arte napapailing na sabi ni Gray. Kailan ba ginaganap ang mga pustahan don tanong niya habang ngumunguya. tuwing biyernes ng gabi sagot nito.Mukhang kamay mo lang ang nasugatan kagabi Mukhang maayos naman ang katawan mo.Huwag mong sabihing binugbog mo sila ng husto..?tanong nito. Tinignan niya ang kamay.Napangiti siya ng maalala ang ginawa ng babae. Teka.....ano yan nakangiti ka nanaman diyan? Wala....kumain nalang tayo. Ng makaalis si Gray ay dinampot niya ang cellphone.Ngumiti siya ng makita ang location ng babaeng gumugulo sa isip niya. Tumayo siya at nagtungo sa banyo para maligo. Nang makalabas nagbihis siya ng jeans na itim at white t shirt at dinampot ang itim na jacket at cup.Sinuot ang converse na rubber shoes at nagmamadaling lumabas. Kanina pa siya naglilibot sa isang kilalang mall at nakabili rin siya bagong damit at sapatos. Hindi niya pansin ang isang pares ng mata na nakamasid sa kanya.Kontento na ito sa pagmamasid sa kanya kahit gusto na siyang lapitan nito at yakapin ng mahigpit. Nakasuot ito ng itim na jacket at sombrero.Nakasuot din ito ng mask para hindi siya makilala. Tatlong taon na siyang nagtatago para hindi madamay ang anak niya. Masakit man sa loob tinanaw niya sa malayo ang libing ng kanyang ina. Kontento ka na sa pagtanaw sa kanya sa malayo?tanong ng binata. Anong ginagawa mo dito?,tanong nito. Napadaan lang.At sakto nakita ko kayo.Alam kong sinusundan mo siya araw-araw sagot ng binata. Hihintayin kong matapos ang lahat ng ito.Alam mo naman siguro kung nasaan ang kailangan niyo. Oo nasabi na sa akin ni Gray. Balak kong puntahan ang bahay niyo. Kung pwede ikaw muna ang bahala sa kanya,ayaw kong madamay ang anak ko at may tiwala ako sa inyo. Hindi ko siya pababayaan wag kayong mag-alala. Salamat... Nagutom si Drew at naglakad patungo sa isang fastfood chain.Lumingon siya sa paligid at naghanap ng lamesa napangiti siya ng may bakante pa naman. May naalala tuloy siya nong kasama niya ang guwapong bodyguard ng best friend niya. Nagtungo siya sa counter at umorder ng chicken,fries and sundae.Nang makuha ang order naglakad na siya patungo sa lamesa.Dahi linggo medyo marami ang tao.Yong iba magkasintahan.Yong iba naman group friends at mga pamilya na nagbobonding sa weekend. Tumunog ang phone niya. Hello?ang best friend niyang kumag. Asan ka?tanong nito. Sa labas bakit? Hindi ka man lang nagyaya kunwari nagtatampo ito. Huwag ka ng magalit diyan.Sabi ko naman sa'yo di ba lalabas ako saka every weekend ko na to ginagawa. Ok.....kita tayo bukas. Ok..Nawala na ito sa kabilang linya.Inilagay niya sa sling bag ang phone para kumain. Ngumiti siya at handa ng lantakan ang chicken. Hi pwede pashare ng table?natigil siya sa pagsubo at tumingala. River nandito ka rin? Hmmmmm oo so pwede na bang umupo?gutom na ako eh...nakangiting tanong ng binata. S-s-sure upo ka..Anong ginagawa mo dito?tanong niya habang kumakagat sa chicken niya. Wala naman nabored lang ako sagot nito at nasa pagkain ang pansin. Ang gwapo ng nilalang na to angswerte naman ng magiging girlfriend niya bulong ng malikot niyang isip.Napangiti siya sa iniisip. May pupuntahan ka pa?kapagkuwan ay tanong ng binata. Ah wala na baka umuwi na ako... Huwag muna samahan mo ako.. Huh? saan naman? kahit saan..nakangiti nitong sabi. Hehe kaw ang bahala...siya nga pala ayos na ba ang mga kamay mo?tanong niya sa binata. Tumigil ito sa pagsubo at tumingin sa kanya. Hmmmm ok na as you see...magaling ang nurse ko sabi nito. Namula ata siya sa sinabi nito. Mabuti naman.. Matapos kumain ay tumayo na sila. Ahmmm pwede daan muna daan muna tayo sa simbahan? Oo naman tara na?aya nito sa kanya.Hila nito ang kamay niya.Napapatingin nanaman ang mga taong nadadaanan nila. Sumakay sila sa sasakyan nito at tinungo ang pinakamalapit na simbahan. Bumili siya ng kandila at nagtirik .Pagkatapos ay umupo sila. Ipinikit ni Drew ang mga mata at nagsimulang magdasal. Lagi niyang hinihiling na sana ay makita na ang papa niya kung buhay pa ito. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ano bang meron sa'yo.....i cant take my eyes off you.... bulong niya habang tinitigan ang dalagang taimtim na nananalangin.Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito.Kung minsan ay rough itong kumilos pero may soft side din. Aaah iba na talaga to! Naramdaman ni Drew ang mga matang matiim na nakatitig sa kanya.Kanina pa ba ito nakatitig sa kanya?naconscious tuloy siya sa pagtitig nito. Drew......alam mo bang napakaganda mo?bulong nito. H-ha?namumula na ata ang mukha niya sa hiya.... Haaaay pinagluluko mo naman ako hehe..gusto niyang mawala ang tensyon na nararamdaman. Totoo yon....sagot nito.Nakatitig pa rin ito sa kanya. Aaaah tara na aya niya dito. Ok..tumayo na ito at pinauna siyang maglakad. Mag-aalas tres na ng hapon.Dahil maaga pa ay napagpasyahan nilang maglakad-lakad muna sa park malapit sa simbahan.Nakakita ang binata ng ice cream at bumili ito. Medyo may kakulitan din pala ito pero mas madalas ay seryoso ito o dahil sa siguro sa klase ng trabaho nito. Nasaan ang mga magulang mo?tanong niya dito habang nakaupo sa damuhan. Hmmmm wala sila dito nasa ibang bansa sagot nito. Girlfriend?haha baka mamaya may sumugod sa kin hehe... Hmmm....as of now wala pa.Wala akong serious relationship...sagot nito. Aaah ok...ewan ba niya parang nagdiwang ang puso niya sa nalaman. Masyadong tipid ang sagot nito sa mga tanong niya tungkol sa personal na buhay nito.Hindi na lang pinansin iyon. Madilim na ng maisipan nilang umalis sa lugar na yon. Bago umuwi ay inaya siya ng binata na kumain muna.Bagay na hindi niya tinanggihan sabi nga niya masamang tumanggi sa grasya hehe. Pagkatapos nilang kumain ay bumili siya ng balot...hayyyy pabili nga po ng dalawa sabi niya sa nagtitindang matandang lalaki.Ito ineng sabay abot dito.Bagay kayo ng boyfriend mo ke gwapong bata wika nito. Ahhhh....hindi ko po si......tinakpan nito ang bibig niya. Talaga po?nakangiti nitong tanong sa matanda.Aba oo iho pwera biro bagay na bagay kayo.Tuwang- tuwang sabi ng matanda. Hoy ano bang pinagsasabi mo diyan?!bulong niya dito. Ah....salamat po eto po ang bayad at inabot nito ang isang libong papel. Naku iho wala akong pamalit sa pera mo napapakamot sa ulo ang matanda. Ok na po sa inyo na yan parang wala lang dito ang magwaldas ng pera. Tuwang-tuwa ang matanda at sobra ang pasasalamat nito sa binata. Akin na yang isa sabi nito at kinuha ang isang balot.Binuksan nito at nilagyan ng asin sabay higop sa sabaw nito. K-kumakain ka nito turo niya sa balot.Sa tingin niya kasi dito ay mukhang galing ito sa may-kayang pamilya kung pagbabasehan ang itsura nito at pati pananalita. Pero parang wala itong kaarte arte sa katawan at kinain ang balot na binili nila. Binuksan niya ang para sa kanya.Naglagay din siya ng asin at hinigop ang sabaw saka kinain ang laman. Biglang tumunog ang phone ng binata.Dito ka lang sasagutin ko lang to paalam nito.Tumango lang siya dito. Lumayo ito ng konti. Pumunta ka sa lugar kung saan ginaganap ang mga labanan at pasukin mo ang server ng database nila sabi ni Gray. Salubong ang kilay niya. Paki-explain nga bakit kailangan ko pang pasukin ang lugar na yon kung kaya ko namang gawin yon sa apartment ko?!gigil na sabi niya. Kahit kelan wrong timing ang isang to. Pag-aralan mo lahat ng bawat pasilyo sa lugar na yon.Mahahanap mo ang taguan nila sa mga nawawalang kabataan. Sa narinig ay sumeryoso siya. Gagawin ko ang lahat at sisirain ang lugar na yon. Alam ko yan kaya nga sa'yo ko binigay ang misyon na to. Haaaay!!!!?bwesit ka talaga!! Tumawa lang ang kaibigan.Sige na tawag ako ni misis. Damn you bastard! aaarrgh!!!nahilot niya ang sintido kainis!!! Lumapit siya kay Drew.Tara na?tanong niya dito at tumango ito.Bumalik na sila sa sasakyan at inihatid ang dalaga. Thank you ulit sa pagsama sakin hehe.... Hmmmm tango niya dito.Pano alis na ako kita tayo bukas. Ok ingat....kumaway pa ang dalaga.Sumenyas siya dito at sinabing pumasok na. Magaan naman ang pakiramdam ni Drew.Inilapag niya ang mga pinamili at naghugas ng katawan.Humiga siya sa kama at niyakap ang unan ng nakangiti. Samantala sa bahay ni Marrione..kita nia sa binocular ang taong pasimpleng nagmamasid sa labas. Aba't ang mga walanghiyang ito hindi pa talaga kayo nadadala sige magsawa kau wala naman kayong mapapala sa akin nakangising sabi niya.Bantay-sarado din ang bahay niya ng professional bodyguard pero siyempre mas magaling yong personal niyang bodyguard. Hmmmm ...stressed na ako sa inyo ng sobra mukhang kailangan kong magrelax.Tama magbakasyon kaya kami sa Tagaytay.May resort siyang pag-aari doon malapit sa bahay ng mga magulang.Makahinga man lang ako sa mga hinayupak na stalker ko sabi niya. Pagdating ni X sa tinutuluyan ay pinasok niya ang server na tinutukoy ni Gray... seryoso siyang nagtytype sa loptop at walang kahirap-hirap na napasok ito.Gotcha!!! Tumayo siya at nagbihis ng cargo pants.Nagsuot ng vest,holster at inilagay ang baril sa may binti sa kaliwa naman ay isang swiss knife.May takip din ang mukha niya incase na mabulilyaso siya.Pero sigurado siyang hindi yon mangyayari.Mahigpit ang security ng gusaling yon pero kayang-kaya niya iyong pasukin.Isinuot niya ang itim na jacket at dala ang isang bag na lagayan ng gagamitin niya sa pag-akyat. Mabilis siyang umalis at patungo sa lugar na target.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD