Chapter 8
Natapos naman ang buong araw sa trabaho ng tahimik.Walang kaalam-ang mga kasamahan ni Drew sa mga nangyare.
Hoy Drew una na ako paalam ni Lea.
Bye River maarteng kumaway ito sa binata tumango lang ito.
Lumabas na rin si Marrione.
Hindi muna ako uuwi sa bahay dun muna ako sa apartment mo makikitulog sabay akbay nito kay Drew.
Napalingon siya sa dalawa at salubong ang kilay.
River, Ihatid mo kami sa apartment ni Drew at iuwi mo nalang ang sasakyan ko.Sunduin mo nalang kami bukas.
H-huh?bigla naman siyang natauhan.
Sabi ko hatid mo kami gamitin mo nalang pauwi ang sasakyan ko ulit nito.
Aaah!no huwag na may sasakyan akong dala sunod ako sa likuran sagot niya dito . Ok,tara na Drew aya nito sa kaibigan.
Sumakay na ang dalawa sa SUV ganon din siya sa sasakyan niya.Sinundan niya ang sasakyan ni Marrione hanggang makarating sa tinitirhan ni Drew.
Lumabas siya ng sasakyan.
Pasok ka muna aya ni Drew.
Oo nga naman pasok ka muna sa loob, ano?kulit ni Marrione.
No wag na may importante pa akong gagawin sagot niya alis na ako sabi niya at tumalikod na.
Anong problema ng lalaking yon?bipolar ba yon?paiba-iba ng mood nagtatakang tanong ni Drew.
Simple lang sagot ni Marrione sabay akbay sa kanya.Problema sa puso.
Ano?nahihiwagaang tanong niya sa kaibigan.
Wala na tara na sa loob aya nito.
Weird bulong pa niya bago sumunod kay Marrione.Trip nilang magluto ngayon ng dinner.
Pagkahatid sa dalawa ay agad siyang umuwi.
Pumasok siya sa loob at naghubad ng damit.Kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo.
Nang matapos ay lumabas na siya at humiga sa kama.Ipinikit niya ang mga mata at biglang lumitaw ang pagmumukha ng babaeng yon.Naimulat niya bigla ang mga mata at umupo.
Haaaaaisssstt!!!bwesit!naalala niya na magkasama ang dalawang yon na matulog.
Hay...pakialam ko ba?!inis na bulong niya sa sarili.Hindi !natatawang kausap niya sarili.Bakit ba naiisip ko ang babaeng yon kumumpas pa ang kamay niya habang nagsasalita siya ng ma-isa. Naglakad siya papunta sa nakadikit na larawan nito sa dingding.
Ikaw!hindi ka naman maganda turo niya dito.Never kitang magugustuhan at hindi kita gusto.Ang badoy ng hairstyle mo!you're not even my type parang baliw na kausap niya sa kawawang larawan.
Kumuha siya ng in can beer sa ref at sumalampak ng umupo sa kama.Uminom siya at di niya namalayan nakatulog na pala siya.
Papa malayo pa ba tayo?inosenteng tanong ng isang batang lalaki sa ama nito.Nilingon siya ng mga magulang.Nakangiti ang mga ito sa kanya.
Wag kang mainip malapit na tayo wika ng mga ito ng biglang nagpreno ang ama.
Ano yon tanong ng kanya ina.
Hindi sumagot ang kanyang ama.
Honey what is it?nag-aalala na ang ina ng bata.
Tumingin ito sa unahan at nahihintakutan ang ina.
S-s-sino sila?may mga armadong lalaki na nakaharang sa daan.
Nasa dalawang sasakyan sila.
Lumapit ang mga ito sa sasakyan nila.Nagsalita ang pinakalider ng mga ito.
Pinakiusapan kita na ibalato mo na sa akin ang nalalaman mo para sa pagkakaibigan natin pero mas pinili mo ang prinsipyo mo kaya paalam na sa'yo pare magkita na lang tayo sa impiyerno sabi nito at binaril ang ama ng bata.
Isinunod ang asawa nito.kapagkwan ang bata.
Huh!!!!naalimpungtan siya at basang -basa siya pawis.At hinihingal na bumangon siya at kumuha ng bottled water at nilagok. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili.Lagi na lang bumabalik ang masamang panaginip na yon sa kanya.
Ang imahe ng pamilyang iyon ay malabo at hindi niya maaninag ang mga mukha.
Aaah...!!daing niya ng sumakit nanaman ang kanyang ulo.Agad siyang kumuha ng pain reliever sa cabinet at uminom.Ng kumalma ay umupo siya at hinimas ang sentido.
Sino ang batang yon at bakit parang kilalang kilala ko siya pero di ko maalala inis na bulong niya sa sarili.
Lumabas siya verranda at tumanaw sa malayo.Hindi kaya may kinalaman sa kanyang pagkatao ang mga imahe na nakikita niya.Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata.Ang sabi sa kanya ng nagpalaki sa kanya ay nakita siyang palakad lakad sa kalsada noong panahong iyon at duguan,tulala at hindi makausap.Halos isang taon din bago siya bumalik sa dati.
Pinalaki siya ng mag-asawang Xavier.
Ang kinagisnang ama ay isang undercover agent at may misyon sa Pilipinas na hindi natapos.Hindi nito binanggit ang dahilan.
Danielle Xavier is a mysterious man just like him.Sinanay siya nito upang maging kasingg galing nito.
Naalala niya ang laging sinasabi nito sa kanya.
Remember son once you remember everything about your past you can use what you learn to protect yourself from danger.Be strong always Mom and Dad will always here for you at tinapik ang balikat niya.
Naala niya bigla ang mga ito.Nakalimutan nga pala niyang mag-paalam sa mga ito.Sabagay alam naman ng ama kung nasaan siya at kahit saan siya magpunta ay kayang itract ng kanyang ama.12:50 am ngayon sa Pilipinas at 5:50 pm ngayon sa london. Tinawagan niya ang telepono ng bahay ng mga magulang.Tatlong ring ng may sumagot.
Hello?boses ito ni Margarette Xavier ang kanyang ina.
Hello mom.....
Oh my gosh son how are you?i miss you so much madamdaming saad nito.
I'm fine mom,i know both of you knows where i am right now.
Bumuntonghininga ito.Yes ,you know your dad at all.
Hmmmm yeah.
Why did you accept another mission again?you quit your job 5 years ago,why suddenly?
You want to find your past?if you want son we will help you.Your dad is waiting for you when your ready.
Mom,putol niya sa sinasabi nito.I will do it on my own step by step.There's a blured memories that i always saw in my past I can't figure it out right now but i will try my best.
Bumuntonghininga ang nasa kabilang linya.Son your dad and I know who they are but if you are not ready we will wait for you to decide.
Thanks mom he said.
Call your dad he is in Russia right now his mom said.
Later mom I know his busy right now sagot niya.
Always remember we loved you take care there naiiyak nitong saad.
Hey did i make you cry?maybe calling you is not the best thing to do he said with a smile.
I'm just being emotional son I'm sorry your mom is always weakhearted when it comes to you.
He chuckled,he knows his mother very well she is a very tough and brave woman.Katulad nila ito ng ama nagkakilala ang mga ito sa isang misyon and the rest of their story ay sila lang ang nakaalam.
Son?his mom again.
Hmmmm?when will you give us a grandchild?any have plans to get married after your mission??
Bigla ata siyang nasamid at napaubo,mom!not now besides I'm still enjoying my life right now.
You can't say that,when fate plays out you can't escape even if you're the most intelligent and strongest agent sabi nito. Napaisip siya sa sinabi nito.
We will see mom.I need to hang up my phone mom I miss you and I love you he said.
Take care always son call me again ok?when you come back here bring your girl and introduce her to us.
Mom!she laughed in the other line.
Ok ok! Bye mom,bye son.
Yon lang at ibinaba na niya ang tawag.Mukhang di siya makakatulog kaya naghubad siya ng pang-itaas at pumasok sa sa isang secret door.
Samantala sa bahay ni Senator Laxamana ay kasalukuyang may pagpupulong sa mga katransaksiyon nila.Galing pa ang mga ito sa Russia.
So when we can start to operate here?tanong ng isa sa mga ito.
Ngumiti ang tusong politiko as soon as possible and don't worry i will accompany you.Khorosho sagot nito.
Cheers! Kinabukasan matapos mag-almusal ni Drew at Marrione ay nagbihis na sila at hinihintay ang bodyguard nito.Hindi nagtagal ay dumating ang hinihintay nila at sumakay na sila sa sasakyan ni Marrione habang nasa likod ng sasakyan nila ang sasakyan nito.
Hay mahiwaga talaga ang pag-ibig at dumarating sa di inaasahang panahon litanya nito habang nagmamaneho.
Ano bang pinagsasabi mo diyan? wag mong sabihing may bago ka nanamang babae?tanong niya dito.
Aaaaaaa ....hindi ako nangingiting saad nito.
Sino?walang kamalay-malay na tanong niya.
Secret.....!tsssk!inirapan niya ito.Pakanta kanta pa ang loko ano bang nakain nito? Naging maayos naman ang lahat sa restaurant maliban nalang sa mga babaeng nagpapacute sa gwapong bodyguard ng boss niya. Tulad nalang ngayon nagtitilian ang mga babaeng to at gustong kumuha ng litrato sa binata.
Sige na please!!
Ahhhhh.....kasi hindi ako celebrity napapakamot sa ulo na sabi nito.
Lumapit naman sa kanya sina Lea at Yza Drew iba talaga ang appeal ng bodyguard ni boss mas bagay pa niyang maging modelo o kaya artista.Artistahin talaga!sabay pang sabi ng dalawa.
Hmmmmm!!aray!tili ng dalawa ng pagkukurutin ang mga ito.Sa susunod sa singit niyo na dadapo ang kamay ko! pinandilatan niya ang mga ito.
Oo na trabaho na kami hehe!at tumakbo ang dalawa.
Hay mga mahilig sa pogi.....pero wala ng mas gugwapo pa sa paningin ko maliban kay Marrione pangiti-ngiti at kinikilig pa siya na parang baliw.
Ahahaay!!may ibang pakinabang tong Mr.bodygurad ko haha lumaki ang sales natin dahil diyan bibigyan ko siya ng bonus!pumitik pa ito ng daliri.
Hindi niya namalayan ang biglang pagsulpot nito.
Kahit di siya kagwapohan at maporma malakas ang dating ah!!ano kaya kung I handle ko siya at gawing artitsta for sure kikita ako ng malaki ano sa tingin mo?hirit pa nito.
Baliw!inirapan niya ito.
Maganda ring nandiyan siya para naman mabawas bawasan ang mga babaeng naghahabol sa kin nakangisi nitong sabi.
Sabay-sabay na napaubo ang mga tauhan na nakarinig sa sinabi niya.Nilingon ni Marrione ang mga ito at tinignan ng masama.
Bigla namang tumahimik ang mga loko. Lumipad ang tingin niya sa binata at marami pa ring nangungulit dito at mariin ang pagtanggi nito.
Gwapo nga talaga ang kumag na to bulong niya sa sarili.Pinasadahan niya ito ng tingin.Naka long sleeve casual shirt na navy blue na nakafold hanggang siko nito at medyo hapit sa katawan nito.Hindi naman yong sobrang laki ng katawan nito tulad ng iba,ewan lang kasi di pa naman niya nakitang topless ito at wala siyang balak haha.
Wala nga ba?tanong ng maharot niyang isip. Tama lang as in, at nakafaded ripped jeans na bumagay sa mahahaba nitong binti.Nakasuot ito ng converse rubber shoes tulad noong nakaraan.Mukha pa itong modelo kesa bodyguard.
Kahit ano yatang damit perfect para dito. Tumingin ito sa gawi niya at nahuli siya nitong nakatingin sa kanya.Namula ata ang pisngi niya sa kahihiyan.Isa pa medyo ilang siya dito kahapon pa masungit ang lalaking ito sa kanya sa di malamang dahilan.
Done starring at him?nagulat siya at nasa tabi na niya ang seryosong mukha ni Marrione.
Hindi no?!defensive niyang tanggi.
Palusot pang-aasar nito.
Hindi nga!pinandilatan niya ito ng mga mata.
Ok sabi mo eh wika nito at bumalik ulit sa kitchen. Pagkatapos nilang magsara ay nagsiuwian na ang iba sa mga kasamahan nila.
Uuwi ako ngayon sa bahay ko sabi ni Marrione.
Ihahatid na kita seryosong sabi ng binata.
No hindi na kailangan River may mga pinadala na si Gray para magbantay sa bahay ko.Pakihatid na lang si Drew sa apartment niya sagot nito.
A-a-ako?turo niya sa sarili.
Oo bakit may ibang Drew ba dito?wala namang iba di ba?unless may kapangalan kang masamang espiritu?pilosopo nitong sagot. Nahagip ng kamay niya ang tenga nito at piningot.
Aray!!naku sinasabi ko sa'yo walang lalaking tatagal sa'yo napakatapang mo ba naman hay kawawa ang lalaking yon pag nagkataon palatak nito.Inirapan niya ito. Lumapit ito sa binata na tahimik lang na nakikinig sa kanila.
River,bulong nito.Pasensya kana Kay Drew NBSB kasi yan eh hehe!napakurap naman ito.As in totoo yon hirit ulit ni Marrione.
Hoy Marrione!!!!nakakuyom ang kamaong gigil nito at mukhang inis na ito.Lumipad lang naman sa direksyon nila ang isang chopstick na ewan kung saan nito nadampot. Nagulat sila pareho mukhang asintado ang babaeng to.Maagap namang itong nasalo ng kamay niya.
Ho!relief nakahinga naman si Marrione.Ngumisi naman ang babae at mukhang hindi pa ito tapos pinatunog naman nito ang mga nakakuyom na kamao at lumapit sa kinaroroonan nila. Mabilis itong lumapit at lumipad ang kamao nito sa mukha ni Marrione nakailag naman ito at mukha niya sana ito tatama ng masangga niya ang kamao nito.
Bitiw sabi nito pero hindi niya pa rin binitiwan.Sige River wag mong bitawan hehe asar pa rito ni Marrione.
Let go!gigil pa rin nitong sabi hindi naman siya natinag. Pinipilit nitong hilahin ang kamay sa pagkakahawak niya ng magkamali ito at mabubuwal na. Nanlaki ang mata ni Drew dahil eto nanaman at mahihila niya si River buti na lang maagap ito at nasalo siya nito sa bewang. Hinila siya nito palapit sa katawan niya.Ito nanaman ang strange feeling na nararamdaman niya.Bago pa siya mawala sa sarili ay bahagya niyang itinulak ang binata at lumayo dito.
Ho!para siyang nakahinga ng maluwag. Tikom naman ang bibig ng binata. Oh oh!patay-malisya naman si Marrione.Nilingon siya ni Drew at pinandilatan ng mga mata. Hehe uuwi na ako yaaaay!!!takbo ito sa sasakyan.Bago ito ay umalis ay nagbilin pa ito.River ikaw na ang bahala Kay Drew ingat kayo wika nito. Tumango naman ito.
Wala silang imikan.Halika ka na ihahatid na kita aya ng binata. S-s-sige sagot niya at tinungo nila ang sasakyan nito.Pinagbuksan siya nito ng pinto sa tabi nito at pumasok na siya.
Tahimik lang sila sa biyahe.Nilingon niya ang binata at kunot-noo itong nakatutok sa kalsada.Kahit nakaside view ito ay napakagwapo pa rin talaga nito. Nilingon siya nito at nagtama ang kanilang mga mata.May kung ano sa mga nito na hindi niya kayang ipaliwanag. Umiwas ito ng tingin at bumalik sa kalsada ang mata nito.Kumain muna tayo maya-maya ay nagsalita ito. Nilingon niya ito ngumiti.H-h-huwag na sa bahay na lang tanggi niya. Gutom na ako it's already 7pm wika nito. Ok sagot niya at hindi na siya nakatanggi. San mo gusto?tanong nito habang nagmamaneho. Ikaw na ang bahala sagot niya.Huminto
ang sasakyan nito sa isang mamahaling restaurant.
Teka sandali pwede sa iba na lang?hindi bagay ang suot natin isa pa mahal diyan alanganin niyang sabi. Tumaas ang kilay ng binata.Ok parang wala lang dito at sumakay na ulit.Fastfood nalang tayo sabi ni Drew.Tumango naman ito. Ipinarada nito ang sasakyan sa isang sikat na fastfood chain.Bumaba ito at pinagbuksan siya nito ng pinto. Pumasok sila sa loob.Lahat ata ng tao dito ay nakatingin sa kanila.Hindi sa kasama niya. Para itong modelo na naglalakad.Pero hindi pansin ang mga paghanga na ipinupukol dito.Umorder ka na ng gusto mo may tatawagan lang ako sabi nito at binigay sa kanya ang card nito. Tumango siya at naglakad patungo sa counter. Rinig niya ang usapan sa kabilang mesa. Hmmmp!hindi sila bagay ni girl sobrang gwapo ng guy bulong ng mga hinayupak na babae sabay tawanan. Lumingon siya sa mga ito at natigil ang tsismisan ng mga ito.Tinaasan niya ng kilay ang mga ito at pumunta sa counter. Umorder siya ng grilled chicken unli rice siyempre dalawang drinks and for dessert halo-halo naglalaway na siya sa gutom.Dinala niya ang mga ito at naghanap ng lamesa.Nakakita naman siya at umupo na.Nakita niya ang binata na may kausap na lalaki sa labas.Gwapo din ang lalaki sa tantiya niya nasa early to mid thirties ito.Nakatalikod ang binata sa kanya habang nakangisi naman ang lalaki at lumingon sa kanya at kumaway. Hindi nagtagal sumakay na sa sasakyan nito at umalis. Naglakad ang binata pabalik sa loob.Tilian ang mga haliparot ng makita ito.
Umupo ito sa tapat niya.Bakit di kapa kumain?tanong nito. Inaantay kita libre mo to eh. Kinagat nito ang ibang labi.O?may sexy side pala ang mukong na to sigaw ng utak niya. Hey are you ok?kain na tayo sabi nito. Hmmmm ok sabi niya sa totoo lang kanina pa siya gutom hehe. Tssssk!!!ano kayang ginawa ni girl sa kanya duuuuh??!maarteng sabi nito. Don't mind them sa'kin ka lang tumingin at sa akin ka lang makinig matiim itong nakatingin sa kanya. Tumango na lang siya kahit nahihiwagaan siya sa mga pinagsasabi nito. Sinunod niya ang sinabi nito, sa kanya lang tumutok ang paningin niya at hindi na lumingon sa mga babae. Magana siyang kumain at naubos niya lahat at nakailang hingi ata siya ng rice.Nilalantakan niya ngayon ang halo-halo habang tahimik pa ring kumakain ang kasama niya. Panaka-naka niyang tinatapunan ng tingin ang babaing kasama.Lihim siyang napapangiti at naaaliw sa lakas nitong kumain.Walang kaarte-arte at natural ang kilos. Naalala niya ang mukha ng kaibigan kanina ng sundan siya nito gamit ang tracking device. Alam na namin kung nasaan ang susi sabi nito.Nakatago ito sa sekretong silid ng bahay ni Mattheo Cassanova. Napatingin siya dito.You mean Drew's father?paniniyak niya. Yes,tugon ni Gray.Ikaw na bahala sa susi tutal mukha namang close na kayo ni Miss Casanova. What do you mean??patay-malisyang tanong niya. Nakapamulsa siya sa sa suot na jeans. Hehe you know what I mean sabay ngisi nito ng nakakaloko.H-h-hoy!tinuro niya ang kaibigan.Nagutom lang ako kaya inaya ko na siyang kumain yon lang yon! Owwwws???hindi pa rin ito naniniwala. Sabagay sabi mo nga she's not your type patuloy nito pero nakangisi pa rin. Tssssk!pwede ba some other na tayo mag-usap gutom na ako pagtataboy niya dito. Ok ngisi nito at tumingin sa likuran niya.Kumaway ito at nakita niya ang kasama na nakangiti sa kaibigan. Uminit bigla ang ulo niya.Alis matalim ang tingin niya sa kaibigan. Humalakhak naman ito ng malakas. Sige na alis na ako wika nito at nagpaalam na. Bumuntonghininga siya at bumalik sa loob.Narinig niya ang usapan ng mga babae tungkol sa kasama niya at hindi niya nagustuhan ang narinig sa mga ito.Kung hindi lang babae ang mga ito baka pinatulan na niya. Natapos silang kumain.Hay thank you I'm full hinimas pa ni Drew ang tiyan sa kabusogan.Nakatitig ang binata sa kanya. B-bakit may dumi ba ako sa mukha?tanong niya dito. Nagulat siya ng dumapo ang thumb finger nito sa gilid ng kanyang labi.Gosh!may ice cream pala!parang normal lang dito ang ginawa samantalang siya ay hindi nakahuma. Ho!nagpaypay siya ng kamay feeling niya kasimpula na ata ng kamatis ang mukha niya. Bukod kay Marrione ito pa lamang ang lalaking nakahawak sa labi niya!hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling yon.
Let's go aya nito sa kanya.Tumayo na sila at naglakad.Nadaanan nila ang table ng mga babaeng tsismosa. Nabigla siya sa ginawa ng binata
Tumigil ito sa tapat ng mga ito.Panay naman ang pacute ng mga ito. Ngumiti ang mga ito sa binata. Hi! bati nito sa kanila.Hindi naman siya nagsasalita at nakikipagtagisan sa mga ito ng tingin.Hindi kasi siya yong tipo na yuyuko nalang pag inaapi.Alam niyang di siya kagandahan pero walang K ang mga ito para husgahan siya. Nagulat na lang siya ng hapitin siya ng binata at hinila payakap dito. Lumaki naman ang mata ng mga hinayupak na babae maging ang mga ito ay nagulat. I heard what you said earlier ngumisi ito sa kanila. This girl you tried to insult is the woman i love and she is my girlfriend.Really?hindi makapaniwala ang mga ito.You heard it right. Nga nga ang mga ito at hindi makapagsalita. Marami naman ang na pa Oooooh!!!ang iba ay kinikilig.Ang swerte naman ni ate girl tili ng iba.
Ano bang ginagawa mo?bulong niya dito na silang dalawa lang ang nakakarinig. Sumakay ka na lang bulong din nito.
Geunyeoneun jansinui bangsigdaelo aleumdabda.Yeppeuda.(she's beautiful in her on way) beautiful he said as he stared at her full of admiration. Parang sasabog ang puso niya sa lakas ng t***k nito.Ano bang ginagawa sa kanya ng lalaking ito nakaawang ang kanyang mga labi.Siniko niya ito ng matauhan siya sa daydreaming niya. Oh!sorry we need to go nakuha pang ngumiti ng lalaking ito at hinawakan ang kamay niya palabas ng fastfood.
Binawi niya ang kamay pagkalabas nila. Ahmmmm tapos na hehe! Tinitigan lang siya nito. Thank you nga pala kanina pasasalamat niya dito. Ngumiti ito sa kanya.Ilang araw na bang hindi niya ito nakitang ngumiti sa kanya at laging seryoso pag nag-usap silang dalawa. Tara na sabi nito.Tinungo nila ang sasakyan nito at ihahatid na siya nito sa tinitirhan niya. Kasalukuyang nanunuood ng telebisyon si Marrione.Nagsasalita si Sen.Laxamana. Senator kumusta naman po ang pagsupil sa mga illegal drugs,smuggling and prostitution sa ating bansa?tanong ng isang reporter. Well puspusan ang ginagawa nating campaign para mahuli ang sindikato lalo na sa ipinagbabawal na gamot pati na rin sa mga patayang nagaganap sagot nito. Marami na din ang naipasara nating mga club at naisalbang mga menor de edad sa prostitusyon at gagawin ko lahat para mawala ang pangunahing problemang ito ng ating bansa sagot nito. Marami pang kabulastugan at kasinungalingang sinabi ang politiko na pasimuno ng kaguluhan sa bansa. Maghintay ka lang matatapos din ang maligayang araw mong hayop ka bulong ni Marrione sa sarili. May mga guwardiyang nagbabantay na sa bahay niya.Mula ang mga ito kay Gray.Mahuhusay din ang mga ito. Magwawala ka sa galit oras na malaman mong wala na sa akin ang hinahanap mo patuloy niya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Drew. Hello?sagot nito.Nakauwi ka na?tanong niya dito.Pauwi pa lang sagot nito. Kumunot ang noo niya.Magkasama pa kayo ni River?Oo dumaan muna kami sa fastfood bago umuwi. Daya di niyo man lang ako inaya?kunyari maktol niya. Sira!nagmamadali kang umuwi remember? Ay oo nga pla hehe. Bigla kasing nagutom ang bodyguard mo kaya kumain muna kami sapa tamad na rin ako magluto wika pa nito. Ok.Pakisabi kay River hinay-hinay sa pagdrive ingat kayo paalam niya rito. Ok bye!at pinatay na nito ang cellphone. Hehehe!!!mukhang may kakaiba talagang mangyayari.....hay nagdadalaga na ang prinsesa ko nangingiti niyang saad.
Kapapasok lang niya sa loob. Hay.....nakakagulat naman ang lalaking yon..At naalala niya yong mga nangyari kanina. Nagpagulong-gulong siya sa kama at hindi makatulog.Ano kayang ibig sabihin ng mga sinabi niya kanina? Hay...weird .
Matamang nakatingin si X sa monitor. So balak mo pala akong burahin sa mundo..You think I will let that happen old man?!He smiled dangerously. Hindi ang katulad lang nito ang makakapatay sa kanya.Not him not anyone,tanging ang nagpahiram lang sa kanya ng buhay. Maybe he lived in a violence world all his life pero naniniwala sa Diyos he really do.at ito lang ay may karapatang bumawi ng buhay niya.
Hayyy!!!humilata siya sa kama.Napangiti siya ng maalala ang babaeng kasama kanina lang.Bakit ba na nawawalala lahat ng galit at inis na nararamdaman niya pag naiisip ito. Cute mo pala namumula ang mukha mo bulong niya.Mukhang di siya dadalawin ngayon ng masamang panaginip. Kinabukasan maagang pumasok si Drew sa restaurant. Good morning sa inyo masayang bati niya sa mga kasama. Binati din siya ng mga ito kasalukuyang naghahanda sila para magbukas. Hoy Drew ganda ata ng araw mo ngayon sabi ni Lea habang nagpupunas ito ng table. Araw-araw namang maganda ang araw ko ngayon mo lang napansin?nakapamewang na sagot niya. Sus!iba talaga ngayon blooming ka girl. Idi maganda sabi niya habang nagtitimpla ng kape hindi na siya kumain ng almusal late na kasi siya nagising. Sabihin mo nga sa'kin may dahilan ba?kulit nito. Ano naman?tanong niya at humigop ng mainit na kape.Hmmmm ang bango wala sa loob na bulong niya at humigop ulit. In love ka na ba Drew?tanong ni Lea. Hindi niya inaasahan ang huling sinabi nito.Gulat na napabuga siya sa kapeng hinihigop. Hoy!ano bang pinagsasabi mo diyan hay nakakaloka! Hoy!Lea umagang-umaga nambubuska ka nanaman kay Drew sigaw ni Stan. Hehe pansin ko lang naman na gumaganda siya malay niyo magkaka bf na ang NBSB nating kaibigan walang gatol pang sabi nito. ...
Kinurot niya ito.Tawa naman ito ng tawa. Ipagsigawan mo pa talaga hay kakalbuhin kitang babae ka eh!! Bigla itong sumeryoso.Pwera biro Drew magiging masaya ako pag nahanap mo na ang lalaking magmamahal sa'yo hay......daydreaming nanaman ang isang to. Napapailing na lang siya dito.Hindi kompleto ang araw niya pag di siya nito kinukulit. Oy diyan na si boss kasama si guwapong guard.Lumingon siya sa pinto.Nagsalubong ang mga mata nila ng binata. Pakiramdam niya silang dalawa lang ang nandon tulalala siya at sa mga mata lang nito nakatingin.Kung hindi pa siya siniko ni Lea. Nangangamoy ano.....?anong ibig sabihin ng mga titig sa'yo ni guard pogi?nakangising tanong nito. Para namang nagising siya sa panaginip at kumurap. Wag mo ng nalang pansinin ang isang yan.Nagkataon lang na napatingin siya dito sagot niya. Hindi nagkataon ang lahat madalas siyang nakatingin sa'yo na parang ikaw lang ang tao dito kinikilig na sabi nito.Nakangiwi siya dito kung ano-anong pumapasok sa isip nito sa kapapanuod ng k drama. Nakapasok na ang dalawa.Morning bati ni Marrione Morning ngumiti siya dito. Naglakad naman ang binata patungo sa pantry at nagtimpla ng kape. Problema non?bulong niya. Bakit di mo tanungin nakangising mukha ni Marrione. Pwede ba wag kang ano diyan!gigil na bulong sa kaibigan. Hay naku ...inakbayan siya nito.Sige na trabaho na tayo sabi nito.Tumango siya at nagtungo sa loob. Naging busy sila maghapon dahil sa dami ng tao.
Dahil sunday bukas bar hopping tayo sagot ko lahat anunsyo ni Marrione sa mga kasamahan. Sigawan ang mga kasamahan sa tuwa. Nice pre sabay na wika nina Reid,Stan, Nathan at Clark. Ganon din ang mga babae! lalo Sina Lea at Yza na balak atang mag boys haunting. P-pero di ba may banta sa'yo?tanong niya. Wag kang mag-alala hindi nila ako kayang galawin. Nag-aalala lang ako sa'yo. Alam ko love mo kaya ako hehe!tinignan niya ito ng masama. Sabi ko nga magsara na kayo ...tara na sabi nito.Hay excited na ako bihira ma-aya si boss kaya sulitin natin tuwang-tuwa si Lea. Napailing nalang siya sa mga kasama.Hoy River sama ka sa'min ha?tawag nito sa binata. H-huh?itinuro nito ang sarili. Oo labas daw tayo sabi ni boss.Lahat sasama walang kj!sigaw ni Marrione. Napakamot na lang ito sa ulo. Biglang tumunog ang phone nito.Excuse me tumalikod ito at sinagot ang tawag. Seryoso itong nakikipag-usap at salubong nanaman ang kilay nito. Gwapo talaga.......kinikilig na bulong ni Lea.Napangiwi naman siya dito. Tumingin siya sa direksyon nito nakapamulsa ito at nakatalikod sa kanya.Bigla niyang binawi ang tingin dito ng lumingon ito sa kinaroroonan nila. Pumasok ito sa loob pagkatapos makipag-usap sa phone nito. Tumulong siya sa pag-aayos at paglilipit para makaalis na sila. Sa tingin mo may girlfriend na si poging guard?tanong ulit ni Lea. Natigilan siya sa tanong nito.Malamang meron sa itsura niya malabong wala sagot niya dito. Sayang kung ganon bagay kasi kayo kinikilig nanaman ang bruha.Marahan siyang napabuga ng hangin. Hindi magkakagusto yan sa tulad ko wala sa loob na sabi niya. So pag nagkagusto siya sa'yo may pag-asa siya hirit nito ulit. Hindi hindi!napatakip siya ng bibig ano bang pinagsasabi ko bulong niya sa sarili. Hindi yon ang ibig kong sabihin!medyo napalakas ang boses niya at lumingon ang mga kasama niya pati ang lalaking topic nila.Patay-malisya nalang siya at itinuloy ang ginagawa.Tawa lang ang bruhang kaibigan niya. Palabas na sila at sumakay yong mga lalaki sa sasakyan ni Marrione.Silang mga babae naman ay kasama ni River.Naunang umalis ang sasakyan ni Marrione at nakasunod sila dito. Habang nagmamaneho ay sumusulyap siya sa rearview mirror at kita niya ang nakasunod na sasakyan sa kanila.
Nakita mo?Oo...anong balak mo?tanong ni Gray sa kanya. Just leave it to me.Kalmado lang siya at kumilos ng natural para hindi magpanic ang mga kasama. Papuntahin ko diyan yong iba para may- No need,putol niya sa sasabihin nito. Ok man!sabi mo eh!sa tingin ko kailangan mo din yan limang taon kang namuhay ng walang karahasan haha tawa nito. Sige na usap na lang ulit tayo paalam niya dito.Goodluck buddy. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas na ang mga ito.Naghihintay na sila Marrione.Let's go aya nito sa kanila. Descent bar naman itong pinuntahan nila at hindi ito yong klaseng maingay, at mausok. Pumasok sila sa loob at may bandang kumakanta.Meron ding mga nagsasayaw sa dance floor.Kumuha sila ng table at magkakasama. Maya-maya lang ay dumating na ang ladies drinks
at beers sigawan ang mga kasama nila. Hoy hinay-hinay lang bulong sa kanya ni Marrione.Kilala kita biro nito. Hoy!hindi ako hayok sa alak alam mo yan!paalala lang hehe tawa nito.Nasa kanan niya ito sa kaliwa naman niya ang bodyguard nito. Tahimik na umiinom ito at kung minsan ay nakikipagkulitan sa mga kasama. Tuwang-tuwa ang mga kasama niya.Bihira kasi silang magkakasama sa ganitong lakaran. Medyo napaparami ang nainom nung iba.Sina Lea at Yza ay wala na sa tabi niya at nasa dance floor na at may kasayaw na.Mukhang tinutoo ng mga ito ang paghahanap ng boylet.Tatlo nalang silang babae sa lamesa.Yong mga lalaki naman ay hindi niya rin makita malamang may kanya-kanya ding trip ang mga iyon. Si Marrione ayon may kausap nanamang chicks.Hay sanay na siya sa kaibigan, kailan kaya makakahanap ang kumag na to ng katapat niya bulong niya habang lumalagok ng beer. Hindi siya lasengga pero malakas siyang uminom walang preno. Madalas si Marrione ang babysitter niya pag nasosobrahan siya.Napangiti siya sa isiping yon. Napatigl siya sa pag-inom mapatingin sa binata.May lumapit ditong maganda at seksing babae. Parang modelo ang itsura nito.Pero mas matangkad siya dito.Medyo nadagdagan lang ang taas nito sa suot na high heel sandals.Hapit na hapit ang dress na suot nito na sobrang ikli.Katulad din ito nong babaeng lumapit sa restaurant. Bigla itong umupo sa kandungan ng binata at may ibinulong.Naeeskandalo nanaman siya sa nakikita at lalo pa siyang nagulat ng biglang kabigin nito ang batok ng binata at siilin ng mainit na halik. Nanlaki ang kanyang mga mata at parang may kung anong inis siyang naramdaman ng makita ang mainit na eksena. At ang hinayupak na lalaki ay walang pakialam kahit nakikita nila ang mga ito. Sa inis niya ay nilagok niya ng deretso ang hawak na beer.Hindi pa nakontento ay nagbukas nanaman siya ng isa. Hindi niya inaalis ang tingin sa mga ito.May ibinulong ang babae at ngumiti ang lalaki at tumayo ang mga ito at lumabas. Peste!!!!!wala sa sariling sigaw niya.