Chapter 7
Nahahapong Ibinagsak niya ang katawan sa kama.Kararating lang niya galing sa trabaho.
Hay ano ba to bakit sobrang pagod ako ngayon bulong niya sa sarili.Ipinikit niya ang kanyang mga mata ng biglang tumunog ang kanyang phone.
Ang tinatawagan mo is out of coverage please try again later nababagot niyang sabi.
Ganon ba?pakisabi delay ang sahod niya sa katapusan with deduction na rin sabi ng ng kausap.
Nagmulat siya bigla ng mga mata at biglang bumangon sa pagkakahiga.
Hehe joke lang ikaw naman.Anong maipaglilingkod ko sa inyo kamalahan?nakangusong tanong niya.
Punta ako diyan antayin mo ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa walang prenong sabi nito.
Di wow!ikaw nakangusong sagot niya.Hoy Marrione Tuazon wag kang masyadong ano!bawasan ang kayabangan pwede?
Hoy!nagsasabi lang ako ng totoo as if naman di ko alam kilig na kilig ka diyan hirit nito.Aba't! Tawa lang ito ng tawa.
Miss na kasi kita eh paglalambing nito.
Oo na!bili mo ako ng chicken.
Ok bye see you!at ibinababa na nito ang tawag.
Pagkaraan ng 20 minutes kumakatok na ito sa pintuan.
Takbo siya at pinagbuksan ito.
Tadaaa!!itinaas nito ang dalawang paper bag na galing sa isang fastfood chain
Pasok ka aya niya dito.Kinuha niya ang mga dala-dala nitong pagkain at inilapag sa lamesa.Umupo naman ito sa silya at inihanda niya ang mga pagkain.
Attack!!!,sabay nilang sabi bago nilantakan ang pagkain.
Dahan-dahan wag kang masyadong masiba!wika nito habang nilalantakan ang chicken.
OK lang, nakikikain ka lang sa pamamahay ko isa pa binili mo to para sa'kin.
Aba't!akin lahat to dahil ako bumili!sabay pigil sa chicken na kakagatin sana niya.
Gigil siyang kinagat ang kamay nito.
Oooouuuch!!biro lang ito naman!bampira ka na din?!
Inirapan lang niya ito at nagpatuloy sa pagkain habang nagkukulitan.Matapos kumain tinulungan siya ni Marrione sa pagliligpit.
May tinaguan ka nanamang babae no?!Tumingin ito sa kanya na parang nasasaktan.Suminghot pa ito kunwari.
Eto naman kung minsan talaga iniisip ko kung kaibigan ba talaga kita?angsama mo kasi sa'kin biro nito at ang damuho ipinatong pa ang mahahaba nitong binti sa mini table niya.
Hindi ako uuwi ako ngayon dito ako magpapalipas ng gabi maya-maya ay sabi nito.
Ano?!nanaman?!hoy!nakikain kana at lahat lahat tapos dito ka pa matutulog?!aba kalabisan na yan Tuazon!kunwari galit at tinaasan niya ito ng kilay..
Sigurado siya miss siya nitong asarin.Ganito na sila at wala namang malisya yon sa kanila.Minsan sa bahay din nito siya natutulog.Para nga silang magkasintahan kung tignan.One time na doon siya natulog sa bahay nito ay biglang dumating ang isang girlfriend kuno nito.Isa ito sa daan daang mga babaeng naghahabol dito.
Inaway siya nong babae at pinagsabihang mang-aagaw ng boyfriend.Ito namang luko luko niyang kaibigan ipinakilala siya bilang bagong girlfriend nito.
Hoy!anong kalokohan to?!inis niyang tanong.
Basta sumakay ka na lang bulong nito.At yon nga sa galit nong babae sasampalin sana siya kaso mabilis niyang nasalo ang kamay nito.
Dahil sa galit at inis nito umalis itong galit na galit.
Dito ka matutulog pa'no pag nasundan ka ng mga babae mo at awayin nanaman ako aber?!!nadadamay ako sa mga kalokohan mong bwesit ka!sigaw niya dito.Mag-asawa ka na kasi haiisssssst!para di mo na ako iniistorbo mahabang litanya niya dito.
Napapakamot ito sa ulo at alanganing ngumiti.Ginagap nito ang mga kamay niya.Natigilan siya at tumingin dito.Ito nanaman ang isang to alam na alam kung pano bilogin ang ulo niya.
Aaaay hindi! iiling iling na sabi niya at parang baliw.Hinugot niya ang mga kamay mula sa pagkakahawak nito.
Tigilan mong pang-uuto sa'kin hinayupak ka wika niya dito at pinandilatan ito ng mata.
Kunwari natakot naman ito at agad lumayo sa kanya.Marrione covered his mouth with one hand at nagkunwaring takot na takot sa kanya.
Drew sinasapian ka nanaman ba?nang-aasar pa nitong tanong sa kanya.
Tumayo siya at nakapamewang na tinitigan ito ng masama.
Huwag please maawa ka sa'kin katawan ko nalang birahin mo huwag lang ang mukha ko maraming iiyak na babae pag dinungisan mo ang maganda kong mukha wala paring prenong sabi nito.
Haiiiissssst!asar na sabi niya at nasabunotan ang sariling buhok mababaliw talaga siya sa isang to.Agad siyang lumapit dito sinabunutan ang damuhong kaibigan.
Nagpambuno sila at sumakay siya sa ibabaw nito kaya nacorner niya ito gumulong sila sa sahig habang inaawat siya nito.
Oouch!aray ko po nanay ko binubugbog ako!sigaw nito.Nang mapagod sa kulitan ay kapwa hinihingal na umupo.
Binatukan siya nito.
Aray!bakit gusto mo na akong mamamatay?!buhay na buhay pa ako gusto mo na akong patayin?!asan ang hustisya?maktol nito.
Bakit ka pa kumuha ng bodyguard?tanong niya sa binata.
Dahil ayaw ko namang ako lang ang maghanap sa mga unggoy kaya kumuha ako ng gagawa non para sa akin hehe. Bakit takot ka?
Hay!ano ka ba siyempre hindi ako natatakot pero ayaw ko namang banatan ako ng mga hayop na yon malay mo balak pala nila akong patayin wika nito isa pa ayokong madungisan ang kagwapuhan ko.
Mmmmm!batok niya dito.
Aray sabihin mo lang kung gumaganti ka?!.
Niyakap siya nito.Don't worry maayos din ang lahat pang-aalo nito.Kinilig naman siya sa simpleng gesture nito.
Ok basta mag-iingat ka sabi niya.
Oo naman wika nito.Tara na tulog na tayo aya nito.Tumango siya at pinatay ang telebisyon. Samantala,galit na hinawi ng Bigboss nila ang mga gamit sa lamesa nito.Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina nito.Ano bang pinaggagawa niyo ha?!!!bakit hanggang ngayon wala pa ring nangyayari sa mga lakad niyo?!Despatsahin niyo ang pakialamerong bodyguard ni Tuazon! Kanina pa siya nanunuod sa nagwawalang lalaki sa monitor.Pinagmasdan niya ito at pinagsalikop niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa.
Malalim siyang nag-isip at salubong ang mga kilay.Just wait bastard I will put you in a place that suits for you.At ngumiti siya ng mapanganib.Tumayo siya at nagsindi ng sigarilyo..
Pero teka anong sabi mo?gwapo?bakit may hihigit pa ba sa kagwapuhan ng boss niyo?tanong ni Marrione kasalukuyan silang nagkukulitan.Tumango ang mga empleyado niya lalo na si Lea.Kahit sisantehin ko kayong lahat?biro nito sa kanila.
Sabay-sabay ulit na tumango ang mga ito.
Yumuko pa ito sa kanila at tinitigan sila na parang di naniniwala .
Nagdadadal pa si Marrione sa mga kasama niya.
Ako ang boss niyo dapat nasa akin ang loyalty niyo rinig niya sa sinabi nito.
Kahit sisantehin mo kami sir mas pogi talaga siya nakangising tugon ng mga ito.
Alam naman nilang nagbibiro lang ang amo.
Sige na balik na kayo sa trabaho kunwari galit nitong sabi.At overtime tayo ngayon!sigaw niya sa mga ito.
Napapakamot nalang sa ulo ang mga kasamahan niya.
Pambihira naman tong si boss reklamo ni Stan.
Bawiin na kaya natin yong sinabi natin bulong naman ni Reid.
Sus wala ng bawian!magdusa kayo sabi ni Marrione.
Nagbibiro lang kami boss!
Bakit kaya kumuha ng personal na bodyguard si boss?si Lei.
Nakakapagtaka nga eh wika naman ni Reid.
May nagtatangka ba sa buhay ni Sir?tanong naman ni Ace.
Malamang o baka may kaaway sabi naman ni Stan.
Kaswal siyang naglakad sa loob ng gusali.
OMG! mukha talaga siyang modelo tili ng mga babaeng lumapit sa kanya.
Biglang may tumikhim sa likuran niya.
Ahmmm excuse me po?magalang na sabi nito.
Nakita niya ang babaeng gumugulo na ata sa sistema niya.
Yes?mataray na sagot ng isa sa mga babae. Aahm ....mawalang galang na... kung may kailangan kayo o gustong sabihin sa kanya pwede after na lang ng work niya?magalang pa rin na sabi nito pero halatang nagpipigil ng inis.
Bakit dito ka nagwowork?di makapaniwalang tanong nito.
Tumango lang siya.
Ano ka dito?tanong ulit nito.Ang babae na ang sumagot.
Personal bodyguard siya ng CEO pilit na ngiti ni Drew.
Ooooh!!hindi naman makapaniwala ang mga tsismosang nakikinig.
Bodyguard?hindi bagay sa'yo sa hitsura mong yan?
Ayeee kagwapong bodyguard tili ng mga teenager sa isang table.Kuya super pogi mo sigaw pa nila.
Hoy! mag-usap tayo hila nito sa kamay niya.Nagpaalam ito sa babae.Nagpahila siya sa labas.
Ano yon?mataray na tanong nito.
Ang alin?patay-malisyang balik-tanong niya dito.
Nakikipagharutan ka na at nagpapacute ,ano bang trabaho mo dito?nakataas ang kilay na tanong nito.
Napika siya sa babaeng to.Kung makapagsalita parang kilala siya nito.Nakita mo naman di ba?sila ang kumakausap at lumalapit sa'kin?Nakita mo bang lumapit ako sa kanila at nakipag-usap?tanong niya at unti-unting nilapit ang mukha niya sa mukha nito.
Napapaso namang umatras at nilayo nito ang mukha sa kanya.
Hindi!mataray pa rin nitong sabi.Pwede ba wag kang masyadong lumapit sa kin allergy ako sa katulad mo wika nito.
Tumaas ang kilay niya.
Binabalaan kita wag kang gagawa ng kalokohan babantayan ko ang mga kilos mo banta pa nito.
Gagawin ko ng maayos ang trabaho kung iyan ang inaalala mo.At wag mong isipin na naglalaro lang ako? don't judge me as if you know everything about me.Yon lang at tinalikuran niya ito.
Hmmmmp! padabog din itong pumasok sa loob.
Hmmmp!panggagaya niya dito.
Hoy!narinig kita!!
Tssssk!!
Haaaasissst! kung makaasta kala mo kung sino!!gwapo lang pre gwapo lang???haissst!ikaw na!ikaw na talagaa!!!?kainis!
May problema ba?nagulat siya ng biglang sulpot si Marrione sa likuran niya.Sinalat pa nito ang noo niya.
Wala ka namang sakit?nakalimutan mo nanaman bang uminom ng gamot mo?biro nito.
Hmmmmp!batok niya dito.
Hala mapanakit talaga?kunwari nasasaktan ito.Parang kang baliw na bulong ng bulong diyan.Problema mo ba?tanong nito.
Magsasalita sana siya ng tawagin nito ang mayabang na lalaki.
Oy River halika saglit.Lumapit naman ito.
Siya nga pala Drew sasaglit ako sandali sa bahay babalik din ako mamayang hapon wika nito.River samahan mo ako sabi nito.Tumango naman ito.Baka gusto mong sumama Drew aya nito.
Ah eh hindi na dito na lang ako kasi maraming masamang hangin sa labas at baka malipad ako ng wala sa oras sarkastikong sagot niya.
Tsssk!!!wala namang liliparin sa'yo ultimo buhok mo mukha ngang di ka nagsusuklay bulong naman ni River.
Kapal!excuse me tatlong sachet ng conditioner ang inuubos ko diyan araw-araw kaya malambot yan inis na bulong niya at pinandilatan ito ng mga mata.
Ngumiwi ang huli.
Ok lang ba kayong dalawa?tanong ni Marrione mukhang nakalimutan nilang kasama nila ito.
Hindi!sabay pa silang nagsalita.Tumaas ang kilay nito at ngumiti ng nakakaloko.
Hmmmm sa tingin ko may exciting na mangyayari wika niya sa sarili.
Sumilip si Drew sa opisina ni Marrione.
Hihintayin kita sa sasakayan sabi niya kay Marrione.
Ok sagot nito habang may inaayos sa lamesa.Nakita niyang prenteng nakaupo ang bwesit na lalaki at mukhang seryoso nanaman.
Hay.....bahala ka nga diyan bulong niya.
Aalis ka?tanong ni Lea.
Sandali lang naman magpapasama lang si Marrione sa bahay niya.Kayo munang bahala rito.
Ok sige sagot ni Lea.
Napatigil siya sa paglalakad ng makitang sinapok ni Drew si Marrione.Kunot-noong pinagmasdan ang kulitan ng dalawa.
Aray ko!bakit ba napakagaspangng mong babae ka?!hawak ni Marrione ang pisnging sinapok ng kaibigan.Natauhan kasi ito ng sampalin niya at mukhang effective ang ginawa niya.Yon nga lang mukhang ma mabigat ang kamay ng babaeng to. .
Hoy!ikaw ang unang sumapak sa'kin.
Malaking abala na ang nagagawa sa akin ng mga yan.Anyway let's go aya nito sa kanila.
Pinagbuksan siya ni River ng pinto.Sa backseat siya umupo at sa harap ang dalawang lalaki.
Sinimulan nitong buhayin ang makina ng sasakyan at di nagtagal ay binabaybay na nila ang daan papunta sa bahay ni Marrione.
Tahimik lang silang tatlo.After 20 minutes ay nakarating na sila sa gate ng bahay nito.
Pinindot nito ang automatic na gate at pumasok ang sinasakyan nila.
Binuksan nito ang pinto at nagulat sa tumambad na itsura ng bahay.Nagkalat ang mga gamit lalo na sa mga cabinet sa sala.Halos lahat ng parte ng bahay ay magulo.
Gulat naman si Drew.Pumasok ang dalawang lalaki sa loob at sumunod siya sa mga ito.Umakyat sa taas ng kwarto niya si Marrione at hindi na siya nagtaka ng pati ito ay magulo at makalat.Mukhang may kung sinong naghalughog ng bahay niya.
Hay naku naman!napapalatak na sabi niya.Isang gabi lang akong hindi umuwi binagyo na ang bahay ko.Bumaba siya at nakita si Drew na nakatayo sa sala.
Mukhang kailangang tumawag ako ng maglilinis,si River nasaan?tanong niya dito. Nasa likod sagot nito.
Pumasok naman ang hinahanap niya.
Sa backdoor sila dumaan bukas ang gate at pinto sabi nito.
Hay buntong-hininga ni Marrione.Sumusobra na ang mga hayop na yon sabi niya.May idinayal ito sa cellphone.
Hello manang Liza,pwdeng pumunta kayo dito sa bahay at magdala na rin kayo ng kasama binagyo kasi ang bahay ko pakilinis nalang po haha sabi nito sa kausap.
Ok po kayo na pong bahala huh?opo sige po at pinutol na nito ang tawag.
Magpapadeliver ako ng pagkain dito na tayo maglunch wika niya sa mga kasama.Tumango ang mga ito.
Tahimik na pinagmamasdan ni Drew ang binatang kasama nila.Seryoso ito at sinisipat ang buong bahay ni Marrione hanggang sa mga gamit nito.Hawak nito ang phone at mukhang may importanteng ginagawa.
Biglang may tumawag dito at inayos ang earphone sa tenga nito. Professional ito sa pakikipaglaban at kakaiba ang pamamaraan nito.Sino ka at saan ka nanggaling bulong niya sa sarili.Wala ata itong kinatatakutan kahit si kamatayan.
Aaminin niyang nakuha nito ang atensiyon niya.Nag-ikot ito sa bahay habang may kausap.Pumasok naman siya sa kusina gutom na siya at inaantay ang idedeliver na pagkain.Inayos muna niya ang mga kalat at talagang napakaburara ng kaibigan may mga hugasin sa lababo at hinugasan muna niya.Tatlong beses lng every week kung pumunta ang tagalinis nito. Gamit ang cellphone ay natract niya ang mga camerang inilagay ng mga pumasok sa bahay ni Marrione mukhang desidido ang mga ito na bantayan lahat ng kilos nito.
Tumunog ang doorbell at tumakbo si Drew palabas ng pinto ng pigilan niya.
Ako na presinta niya at tumango ito.Mabuti nang nag-iingat.Binuksan niya ang gate at inabot ng raider ang plastik bag ng pagkain.
Pumasok siya sa kusina at naroon na si Marrione nakapagbihis na ito at nakaupo na.
Oy andiyan na kain na tayo aya nito.
Inabot niya ang paper bag kay Drew at inilabas ang mga laman.Tuwang-tuwa ang huli ng makita ang mga pagkain.
Wow!Marrione favorite ko lahat!at pumalakpak pa ito.
Tumaas naman ang kilay niya sa asta ng babae.Seafoods,grilled chicken,pork sisig at sinigang.May dessert pang chocolate cake na mukhang paborito nito.Parang nawala na sa isip nito ang nangyari kanina lang.Bumili din si Marrione para sa maglilinis ng bahay niya.
Tinulungan nila ang babae sa paglalagay ng plato at pagkain.Pagkatapos ay sabay na silang kumakain.Tumingin siya sa babae mukhang gutom na gutom ito.Halos punuin nito ang laman ng pinggan nito at walang kaarte arte sa pagkain.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi.Kakaiba ang babaeng ito kahit yata anong kainin hindi ito tumataba.
Dahan-dahan sa pagkain ilugar mo yang pagiging masiba mo biro dito ni Marrione.
Inirapan lang ito ng babae at ipinagpatuloy ang pagkain.
Pagpasensyahan mo na River talagang matakaw yan bulong ni Marrione.
May sinasabi ka?!tanong nito sa kaibigan.
Ah wala!wala! may sinabi ba ako River kunwa'y tanong nito sa kanya.
Umiling naman siya at sa kanya naman lumipad ang tingin nito.Napaubo siya at agad uminom ng tubig.Pagkatapos kumain ay inayos nila ang kinainan at nagpasyang bumalik sa opisina nito.