Nagising kami dahil sa ingay ng telepono niya. Nakayakap siya sa akin at gan’un din ako sa kaniya. Nahiya ako sa posisyon namin. “Morning,” inaantok na sabi niya. Bumangon ako para ayusin ang mukha ko. Pangit ko pa naman din sa umaga. Umalis kaming dalawa sa hotel pagkatapos naming kumain ng breakfast. Tahimik lang ako habang nakatingin sa daan. Iniisip ang kagagahang ginawa ko kagabi. Mabuti na lang at nakapagpigil si Mr. Jaenn kagabi kung hindi ay baka naisuko ko na ang bataan ko. Napalingon ako sa kaniya ng maramdaman ang marahan niyang paghaplos sa hita ko. “What are you thinking?” tanong nito. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin pero hindi ko pinapansin dahil sa kahihiyang ginawa ko kagabi. "Wala po." Nang makarating sa bahay niya ay bumati sa amin ang tawanan ng mga tao sa

