bc

A Romance with Mr. Jaenn

book_age16+
3.1K
FOLLOW
34.7K
READ
escape while being pregnant
goodgirl
sweet
bxg
serious
office/work place
mpreg
stepmother
nanny
shy
like
intro-logo
Blurb

Paano lalaban ang puso sa matinding dagok na hinaharap nito? Si Kristine ay nakapasok sa isang pagkakamali at ‘di niya alam kung paano makaalis sa hamon.

Napunta sa pamilya Montesclaros si Kristine.

Tinadhanang maging tagapangalaga sa isang napaka-cute na batang si Jenny at nakilala niya ang kan’yang magiging amo na nagparamdam sa kan’ya ng kakaibang emosyon at pakiramdam.

Hindi bago sa kan’ya ang magkagusto sa isang lalaki pero ang naramdaman niya sa kan’yang amo ay kakaiba. Hindi ito bastang pagkagusto lang at hindi ito bastang atraksyon lang.

Malalabanan niya kaya ang pagsubok sa pagharap ng hamon? Paano kung may nangyari na hindi naman dapat at paano kung nasa trono ka na nga pero hindi mo alam na may nakaupo na pala doon?

Is there really love between the two souls that's been connected by lust?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Hayop ka! Lumayas ka na ngayon din sa bahay na ito.” Kahit inaantok at sumasakit ang ulo ay kinuha ko ang mga damit ko sa harapan ng bahay ni Aling Asyang. Hindi ko na alintana ang init ng sikat ng araw at ang mga bulong-bulongan ng mga kapitbahay. Dalawang bag lang ang tinapon ni Aling Asyang kaya mabilis kong nakuha lahat ng mga damit na hindi man lang inayos ang pagkalagay bago itapon. Paano na ako nito? Wala man lang akong naipong pera kasi pinagamot ko kay Aling Asyang pero ito lang pala ibabalik sa akin pagkatapos ng lahat. Akala ko pa naman magbabago na siya kasi muntikan na siyang mamatay hindi rin pala. Bwisit kasi ‘yung gurang na ‘yun. Kasalanan ko pa tuloy. Ako na nga ‘yong muntik ng magahasa ako pa ‘yong nawalan ng tirahan. “Pwede po ba makisilong?” tanong ko sa isang babae na mukhang may-ari ng karenderya. Tinanguan niya ako bago inasikaso ang papasok na customer. Nasa labas lang ako ng karenderya. Ayaw ko naman mang-istorbo ng mga customer. Hindi rin kanais-nais ang hitsura ko. Malayo na ang nilakad ko. Hindi ko na rin alam kung anong lugar ito basta alam ko lang ay gusto kong makaalis sa lugar na ‘yun. Gutom na ako. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko. Siguro kong pinakain muna ako ni Aling Asyang bago ako paalisin magpapasalamat pa ako at kusang aalis. “Nandito ka na pala?” maligayang tanong ng ale sa batang lalaki. Siguro nasa lima o anim na taong gulang na. Halatang may datung kasi may yaya na tagabitbit ng gamit at may bodyguard din. “Daddy said I can stay here while waiting for him,” sabi ng bata. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng karenderya. “Where’s Riyu?” ‘Di ko na narinig ang sinabi ng ale kasi nahihilo na ako at may kung anong ingay sa tenga ko. May limang daan pa naman ako sa bulsa ko pero ayaw kong gastuhin kasi baka maubos na naman. Kailangan ko pa naman maghanap ng matutuluyan. Ininom ko nalang ang tubig na bitbit ko. “You look awful.” Napatingin ako sa bata ng marinig ko ang boses niya sa gilid ng tenga ko. Nakatingin siya sa akin at parang sinusuri ako. “Gutom na ako,” sabi ko sa kanya. Nasa likuran niya ang yaya niya kaya kahit gusto kong pektusan ay ‘d ko magawa. “Can’t you buy your own food?” tanong niya sa akin. “Konti na lang pera ko,” mahinang tugon ko sa kanya at napapikit na. ‘Di ko na talaga kaya ang sakit ng ulo ko. Nandidilim na rin ang paningin ko. “Yaya can you please give her my snacks?” ‘yun ang narinig ko bago maramdaman ang kamay niyang hinihila ang kamay ko. “Are you dizzy?” tanong niya ng makitang pumipikit pa rin ang mata ko. Tumango ako at tinanggap ang nilahad na pagkain ng yaya niya. Tahimik lang itong nakamasid sa amin, mabuti na lang at hindi gaanong strikto ang yaya niya. Sa lagay ko ba namang ito? “Eat that,” sabi niya at nilingon ang yaya na nakatingin lang din sa kanya. “Order some food please,” walang sabing umalis ang yaya niya para mag-order na ng pagkain. Busog ako matapos kainin lahat ng inorder nila. Wala silang imik na nakatingin sa akin. Nawala lang titig nila ng may dumating na sasakyan na siyang nagpatakbo sa batang lalaki at pumunta sa gilid ng sasayan. Nakasunod naman sa kanya ang yaya at bodyguard niya. Naunang lumabas ang batang babae bago ang lalaking mestiso. Siguro ‘yan ang ama nila kasi ‘yun ang narinig kong sigaw ng batang lalaki. Pumasok sila sa karenderya. Kailangan pang yumuko ng lalaki kasi ang tangkad niya. ‘Di naman ‘to katangkaran ang karenderya. Wala na rin masyadong tao ngayon kasi tapos na ang tanghalian. May natitirang tao lang na natagalan dahil sa nag-uusap sila. “I think she’s crazy, Dad.” Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy ng batang lalaki nang makarating sila sa pwesto ko. Napatingin ako sa Daddy niya nang umupo ito sa tabing upuan ko kasama ang batang babae na nakahawak sa kamay nito. The little girl looks nice unlike the little boy. Nakangiti ito nang magtagpo ang mga mata namin. Nginitian ko din siya pabalik. “Are you alright?” tanong ng lalaki habang binigyan ng pasada ang mga platong pinagkainan ko. “Ah oo. Gutom lang,” sabi ko at nginitian siya. ‘Di ko alam kung saan ako titingin kasi nakakailang ang titig na ibinibigay niya sa akin. Ang gwapo niya kaya nakakailang naman kung titingnan niya akong ganito ang hitsura. “She can be my nanny, Dad,” suhestiyon ng batang babae. Ang aliwalas ng mukha niya kasi palaging nakangiti. Napatingin sa akin ang ama nila. “Do you want to?” tanong niya sa akin na wala pang ilang segundo ay tinanguan ko agad. Kailangan kong magtrabaho at wala pa akong matutuluyan ‘di na rin kakasya ang pera ko kung bibili ako ng pagkain. “Ito magiging kwarto mo. May sariling comfort room na ‘yan at nasa kabila lang ang kwarto ko kung may gusto ka pang itanong,” mahinahong sabi ni Ate Tes. Siya ang nanny ni Johnny ‘yung batang lalaki. Umalis na siya kaya inumpisahan ko nang ilabas ang mga damit ko. May maliit na closet at ‘yung kama kasya siguro dalawang tao. Malaki rin itong kwarto, may mesa sa tapat ng salamin at may aircon pero may ceiling fan din naman. Siguro ceiling fan lang gagamitin ko mamaya kasi ‘di naman ako sanay sa aircon. Minsan nga walang electric fan ‘pag natutulog ako kasi minsan pinapagalitan ako ni Aling Asyang kasi daw lalaki na naman ang babayaran sa kuryente. Nagmadali akong naligo at agad na lumabas sa kwarto ko. Nasa pangalawang palapag pala kami ng bahay at katapat lang namin ng silid ang mga bata para daw kung may kailangan ay nandiyan lang kami. “Hello,” bati ko kay Jenny. Naglalaro siya sa Ipad niya at sabi ni Ate Tes kailangan patulugin ang mga bata sa hapon. Kaya kailangan kong patulugin si Jenny. Wala rin ang Daddy nila kasi bumalik na sa trabaho hinatid lang si Jenny dito kasi ang likot daw sa opisina. “I will sleep when I finish this one po,” sabi niya sa akin nang hindi ako tinitingnan. Napangiti ako sa sagot niya kahit wala naman akong sinabi na kung ano pero alam na niya kung bakit ako lumapit sa kanya. Pinabayaan ko muna siya at umupo sa tabi niya. Inikot ko ang paningin sa hallway. Makikita mo ang mga mamahaling antique na nasa gilid. Kita rin ang chandelier na nagmula sa third floor. Hanggang third floor ang bahay pero hanggang second floor lang daw kami sabi ni Ate Tes kasi kay Sir daw ang third floor, bawal dn ang mga bata doon kasi madaming importanteng files ang nandoon. Wala naman kaming aalagaan maliban sa mga bata. Kasi may kasambahay naman para sa pagluluto at paglilinis. ‘Di ko rin alam kung paano kakausapin ang mga bata. Pwede naman daw magtagalog kasi nakaka-intindi naman sila pero si Ate Tes ‘di niya kinakausap ng tagalog ang mga bata. Nakaka-intindi naman ako ng English kaya lang wala akong boses ‘pag nagsasalita na. Parang umuurong palagi ang dila ko. “Why are you so quiet?” tanong ni Jenny ng mapansing nakakatitig lang ako sa ginagawa niya. “Wala lang,” sagot ko. Binaba niya ang Ipad na hawak niya at tiningnan ako. “My nanny before is so talkative that’s why I asked Dad to fire her.” Nginitian ko lang siya. Ayaw ko namang sabihing kaya ako tahimik ay dahil ‘di ako masyadong kagalingan sa English. Hanggang elementary lang ang natapos ko. Palipat-lipat kasi ako ng tahanan dahil walang nagtatagal sa akin. Ayaw nila sa akin dahil daw sa adik daw ang mama ko. Totoo naman ang sinasabi nila. Bata pa lang ako ‘yun na ang nakikita ko. Lumaki ako sa kapitbahay namin kahit na nandiyan naman si mama. Hindi niya ako tinuring na anak kailanman. Araw-araw kong nakikita ang mga ginagawa niya. Kahit sinong lalaki ang kasama niya at dala-dala sa bahay. At palagi ko silang nakikitang gumagawa ng mga kababalaghan. Kaya minsan ‘di na rin ako magtataka na maraming nagtatangkang gawan ako ng masama kasi akala nila katulad ako ng ina ko at sisiguraduhin kong hindi ako magiging katulad niya na pinabayaan ang sariling anak para sa kaligayahan lang ng sarili niya. “Are you going to read some books for me?” tanong niya nang inihiga ko siya sa kama niya. Ang ganda ng kwarto niya. Ito ‘yung pangarap ko dati na kwarto. “Ah… baby, hindi kasi ako kagalingan sa Ingles e,” sabi ko sa kanya. Marunong akong magbasa pero hindi ako ganoon kagaling sa pronunciation. Nakakahiya namang mas magaling pa ang bata kaysa sa akin. Umupo siya habang nakatingin sa akin. Ako naman naka-upo sa gilid niya. “It’s okay po, I can understand tagalog naman,” nakangiting sabi niya sa akin. Nginitian ko lang siya pabalik. Nagtagal ang pag-uusap namin dahil na rin sa madaldal siya. Kaya nakatulog din siya kalaunan at ‘di ko rin namalayang nakatulog din ako sa tabi niya. Nagising lang ako ng may napansin akong init ng mata na nakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali kasi pagdilat ko ay si Sir ang nakitako. “Ah… sorry po ‘di ko namalayang nakatulog ako,” tarantang sabi ko. Baka mamaya ayaw niyang tinatabihan ang anak niya ng mga yaya pero nagkamali ako ng ngumiti siya sa’kin. “It’s okay,” umupo siya sa sofa ni Jenny habang nakatingin sa anak niya. Kita mo talaga sa mata niya ang pagmamahal niya sa anak niya na minsan ko na ring pinangarap na sana ganoon ang binibigay na ngiti ni Mama. “Paano po pala ‘yung mga papeles ko?” tanong ko sa kanya ng maalalang hindi nga pala ako nagpasa ng kung ano sa kaniya. “No need, I can see how dedicated you are and I think that’s enough,” lintanya niya habang nakatingin diretso sa akin bago binaling ang paningin sa anak niyang mahimbing na natutulog. “Salamat po,” maligayang sabi ko sa kanya. Pagkatapos ng ilang segundo na walang imikan nakaramdam ako ng kaunting ilang. Binaling ko na lang ‘yung tingin ko sa bintana. ‘Di ko alam kung iiwan ko ba sila dito o babantayan si Jenny na natutulog kasi ‘yun naman talaga ang trabaho ko. “Jenny is a very good kid,” sabi niya na ikinalingon ko sa gawi niya. “She’s very fond of people and that’s why she always get into trouble. Marami kasing bata ang ayaw sa kanya at sa sobrang bait niya hinahayaan lang niyang apihin siya. She will always say ‘I won’t fight them Dad because if I will I won’t go to heaven anymore. One day she went home earlier than there usual exit time, she was with her yaya at gan’un na lang ang galit ko ng makita siyang ang daming sugat but she will always tell me that ‘It’s okay Dad, I am still going to heaven.’ Palagi kong tinatanong kung bakit nangyari pa ‘yun? Ang babata pa nila para gumawa ng gan’un but it’s too late though, Jenny’s body already developed illness and I would always pray that it will go away, so my daughter can live happy and longer,” tahimik na sabi niya habang nakatingin sa kisame. Sa lahat ng sinabi isa lang ang naintindihan ko d’un. May sakit si Jenny, kaya pala masyadong spoiled pero spoiled na mabait. Tumingin siya sa akin kaya napaayos ako ng upo. “I just wanna share it ‘cause you should treat her with special care,” diretsahang sabi niya sa akin at umalis sa kwarto ni Jenny.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook