Chapter 1: Almost

1656 Words
Pagkatapos ng hapon na ‘yun ‘di ko talaga winawala sa paningin ko si Jenny minsan din ay sa tabi niya ako natutulog dahil iyon ang gusto niya. Hindi na din pala nag-aaral si Jenny kasi ayaw daw ma-stress ni Sir si Jenny. Kaya pala n’ung nakita ako ni Johnny sa karenderya ay siya lang ang naka-uniform kasi siya lang ang nag-aaral. Araw-araw kaming nasa opisina ni Sir Jaenn kasi gusto niyang makalabas-labas din si Jenny. Minsan din pag-uwian ni Johnny ay pumupunta kaming mall. Iba nga lang sa araw na ito dahil naisipan ng kambal na maligo raw sa dagat kasi tapos na raw ang exam ni Johnny at sinang-ayunan din ni Jenny kasi matagal na raw ng huli silang nakapunta ng dagat. “Andiyan na magiging pamilya mo,” bulong sa akin ni Ate Tess nang makita na papalapit na sina Sir Jaenn kasama ang mga bata. Umalis muna kasi sila saglit habang kami ay nag-aayos sa mga pagkain. “Ate naman baka marinig pa kayo,” maktol ko kay Ate Tess. Palagi niya kasing pinagpipilitan na bagay daw kami ni Sir Jaenn. At ngayon lang daw nakikipag-usap si Sir Jaenn sa nanny ng mga bata kasi noon daw miminsan lang kung magsalita si Sir at palaging kausap ang mga bata. “Asus, ganiyan din kami noon ni Gardo e pero tingnan mo naging kami ng pangit na ‘yun,” pagpapatuloy niya kaya siniko ko siya ng makitang malapit na sila Sir at baka madinig siya. “Iba naman kayo kasi pareho kayo ng estado sa buhay ni Kuya Gardo e kami Ate masyadong malabo,” bulong ko sa kanya bago umayos ng tayo. ‘Di ko na narinig na nagsalita si Ate Tess sa tabi ko, kumuha na pala ng pagkain para kay Johnny at Jenny kaya wala na akong nagawa kung hindi kuhanan ng pagkain si Sir. Alam ko namang ginawa niya ‘yun para itaboy na naman ako kay Sir. “What do you think of this place?” tanong ni Sir na maibigay ko na ang pagkain sa kanya. Kumuha lang siya ng prutas at inilagay sa gilid ang iba. “Maganda po,” ngiting sabi ko. Nagbabalak kasi siyang bibili ng private resort kasi daw gustong-gusto palagi ng mga bata na mag-beach. Tumingin siya sa’kin bago tumango pero nakatingin pa rin sa akin. Naiilang ako sa titig niya kaya tumingin ako sa mga bata na masayang kumakain. Tumikhim siya ng mahina kaya napatingin ulit ako sa kan’ya. “You don’t like the food?” tanong niya ng makitang wala akong kinuha na pagkain para sa sarili ko. “Busog pa po kasi ako,” pagdadahilan ko. Totoo namang busog pa ako pero ayaw ko ring kumain kasi baka magka-bloat ang tiyan ko. Naka-see through pa naman ako. Kasi ito daw ang dapat suotin sabi ni Ate Tess kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya. Wala naman akong alam sa ganito kasi ni minsan hindi pa ako nakapuntang dagat. First time kong pumunta sa dagat at halos lahat ng nakikita ko rin sa kabilang isla ay nakabikini sila kaya mas mabuti na ang ganito para hindi masyadong hubad tingnan. Naka-two piece black bikini ako at blue ‘yung kay Ate Tess. Nakakailang nga lang kapag tumitingin si Sir. Kasi wala silang damit na pang-itaas ni Kuya Gardo. ‘Di naman ako mangmang pagdating sa gan’un pero nakakailang kasi ‘pag siya ang nagsuot kasi parang may ibang kiliti akong naramdaman. ‘Di naman ako ganito dati ‘pag nakikita ang nobyo ni Aling Asyang na nag bo-boxer short lang sa loob. “Ligo na tayo, Tine!” sigaw ni Ate Tess kahit na nasa harapan lang naman namin siya. Umiling ako pero tumayo sa upuan. ‘Di ako marunong lumangoy kaya ayaw kong maligo. Gusto ko lang talaga makaalis sa tabi ni Sir kasi ilang na ilang na ako sa kanya. Masayang nagkukwentuhan si Ate Tess at Kuya Gardo sa gilid ng cottage habang ang dalawang bata naman ay tulog sa sobrang pagod. Pinasok na ni Sir at Kuya Gardo ang dalawa kaya lang naiwan si Sir d’un. Si Kuya Gardo ang naunang bumalik. Papasok din sana ako sa loob kaya lang nandito sila sa labas kaya dito nalang din ako. Maya-maya lang din ay bumalik na si Sir at umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ang titig niya sa akin. Pero nang tingnan ko siya ay sa dalawa siya nakatitig, siguro namimilik-mata lang ako. Gabi na kaya nakaramdam na ako ng pagod pero ayaw kong umalis dito. Nilabas ni Kuya Gardo ang dala niyang alak na binili niya kanina lang ng papunta kami dito.. “Umiinom ka naman siguro nito, Tine?” tanong sa akin ni Ate Tess na tinguan ko rin kalaunan. Pinapainom ako ni Tiya Martha ng gan’yan noon para daw ‘di ako madaling malasing ‘pag iba na ang kasama ko. Mabait si Tiya Martha kaya lang ayaw ng mga anak niya sa akin kaya kay Aling Asyang ako napunta. Pero pinaalis din dahil sa inaahas ko raw ang nobyo niya. Minsan ay hinihipuan ako ni Kuya Vince kaya gusto ko na ring umalis noon kasi palagay ko ‘di ako safe doon. “Ahh… ikaw Sir?” tanong ni Ate Tess kay Sir. Tumango lang din ang huli kalaunan. Umabot kami ng alas diyes at konti nalang ang alak. Nahihilo na rin ako pero kaya ko pa naman. Si Ate Tess lang ang panay salita sa amin. Natatamaan na rin ng alak kaya minsan nagiging iba na ang salita niya. “’Wag ka nga maingay,” saway ni Kuya Gardo kay Ate Tess. “Totoo naman ah? Pero kahit maliit ka bumabawi ka naman sa performance kaya ayos lang,” nag thumbs up pa siya kay Kuya Gardo na pulang-pula na. Tahimik lang din akong nakamasid sa kanila. ‘Di naman ako sensitibo sa mga gan’yang topic sadyang iba lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. Si Sir naman panay tawa lang sa tabi ko. Binibigyan pa ng ngiting nakakaasar si Kuya Gardo. “Magpasalamat ka rin kaya sa akin. Kahit na pagod ako binibigyan pa kita blo---” ‘di na natapos sabihin ni Ate Tess ang sasabihin niya kasi tinakpan ni Kuya Gardo ang bibig niya. ‘Di nagtagal ay nagpaaalam si Kuya Gardo sa amin na matutulog na daw sila kasi kung ano-ano na daw sinasabi ni Ate Tess. Naiwan kami ni Sir sa cottage. ‘Di ako umimik at naghihintay lang ng kung anong sabihin niya. Nakasandal ako sa upuan. Binuksan ko rin ng kaunti ang butones sa see through ko kasi naiinitan na ako. “Ahm… uubosin na lang natin ‘to,” suhestiyon niya at siya na ang nagsalin ng alak sa baso. Ininom ko agad ang alak ng nilahad niya sa akin ‘yun. ‘Di ko namalayang naubos na pala namin ang alak ng gan’un kabilis. Napaayos ako ng upo at tiningnan si Sir. ‘Di ko alam kung epekto ba ito ng alak o ano pero parang luminaw ang mga mata ko. Gwapo naman si Sir pero ‘di ko alam na ganito pala siya ka-gwapo sa malapitan. Tiningnan niya lang din ako kaya napahawak ako sa mukha kong sobrang init na. “Gwapo mo, Sir,” nakangiting saad ko sa kan’ya. Binaba ko ang kamay kong nakahawak sa mukha ko at inilipat iyon sa mukha niya. Ramdam ko ang pagkabigla niya kaya napatawa ako sa reaksiyon niya. ‘Di pa rin siya nagsalita kaya mas ginanahan akong ilapit ang mukha ko sa kan’ya. Parang nabingi ako sa bilis ng t***k ng puso ko. Nagwawala ito. Napangiti ako at napahawak sa puso kong kay bilis ng t***k. “Nagwawala na puso ko dahil sa’yo,” sabi ko. Nanatili pa rin siyang tahimik kaya medyo nalungkot ako at hinawakan ulit ang mukha niya. “Maganda naman po ako ‘di ba?” Napangiti ako ng makitang dahan-dahan siyang tumango. “Sexy naman po ako ‘di ba?” Napangiti ulit ako ng makitang tumangi siya. “Magugustuhan mo kaya ako?” tanong ko sa mahinang boses. ‘Diko alam kung narinig niya iyon o hindi. Pero sana hindi. Tumayo na ako akmang aalis na nang hinawakan niya ang siko ko. Natigil din ako, hindi dahil sa ginawa niya kung hindi sa init na naramdaman ko sa hinawakan niyang parte ng katawan ko. Hindi ko alam kung anong nangyari basta ang alam ko nalang ay nasa itaas ko siya at hinahalikan niya ako na parang wala ng bukas. Tanging ungol lang ang naibigay ko sa kan’ya. Wala na ang see through ko at wala na rin ang short niya. Tanging panloob na lang ang naiwan sa amin. Hinahaplos niya ang dibdib ko at napapasigaw na lang ako ng pinanggigilan niya ang hinaharap ko. Inaalis niya ang bra ko kaya napapahawak na lang ako sa katawan niya. Hinaplos ko pababa sa katawan niya ang kamay ko at tinigil ko iyon sa gitna niya na kanina pa galit na galit. Naramdamanan ko ang kamay niya sa gitnang bahagi ko kaya nawawala na ako sa katinuan ko. Nasa labi ko pa rin ang labi niya. Wala na akong suot ng magmulat ako ng mata at nakita ang mata niyang sabik na sabik. Hinila ko rin pababa ang laylayan ng boxer niya at lumabas ang galit na galit na niyang alaga. Walang pasabing pinangigilan ko iyon na nagpatigil sa kan’ya at umungol. Alam ko nasasarapan siya sa ginagawa ko kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa nabitawan ko iyon ng maramdaman kong pinasok niya ang middle finger niya sa gitna ko. ‘Di ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. Dinagdagan niya pa iyon at binilisan kaya napasabunot ako sa buhok niya at inilapit iyong mukha niya para mahalikan ko. Hinugot niya ang kamay niya at ang alaga na niya ang naramdaman ko sa gitnang bahagi ko. “Daddy! Open the door!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD