“Nakakahiya,” untag ko ng ibaba na niya ako. Nandito kami sa kwarto niya. Basa siya kaya nabasa na rin ako. Na-conscious ako bigla sa titig niya sa katawan ko. Naka-swimsuit pa rin ako sa harap niya. Umalis siya sa harap ko at pumasok sa banyo, paglabas niya ay may dala na siyang roba at binigay iyon sa akin. Mabilis ko namang sinuot dahil ayaw kong akitin siya sa suot ko. Kumuha rin siya ng roba niya. Hinubad niya sa harapan ko ang suot niyang board short kaya mabilis kong pinikit ang mata ko. “You’ve seen it though,” rinig kong pang-aasar niya. Nang sa palagay kong tapos na siya ay minulat ko na ang mata ko. Nakatitig lang ito sa akin. Seryoso na naman ang mukha, mukhang may naalala. “Why are you making me jealous?” kunot noong tanong niya. Nakatayo lang siya kaya tumayo lang din ako

