Kabanata 9

2041 Words
Kabanata 9 Hindi talaga ako makatulog. Ang tahimik ng paligid, pero sa loob ko… ang ingay. Para akong binabarena sa loob. Nakapikit naman ako, pero gising ang utak ko. Yung puso ko, parang ayaw akong tantanan. Mabilis ang t***k, mabigat ang pakiramdam. Pilit kong iniisip na bukas na lang, bukas ko na lang haharapin. Pero paulit-ulit kong naririnig sa utak ko yung boses ni Earl, yung mga mata niya na laging puno ng pagmamahal, tapos ako... ako 'tong may tinatagong kasalanan. "Anong klaseng babae ka, Yazmin?" bulong ko sa sarili habang nakahiga, nakatitig sa kisame ng kwarto ko dito sa bahay ni Lola. Mabait si Earl. Mahal na mahal niya ako. Hindi siya demanding, hindi seloso, hindi rin siya 'yung tipo ng lalaki na gusto ng grand gestures pero nararamdaman mo yung effort niya araw-araw. Yung pagmamahal niya, hindi engrande, pero totoo. Pero ako? Ako 'yung masama. Ako 'yung makasalanan. Ako 'yung nagtaksil. Kahit hindi ko man ‘aminin sa kanya, kahit walang ibang makaalam—ako mismo, hindi ko matakasan ‘to. Kahit ilang beses kong sabihing "lasing lang ako" o "nagkamali lang ako," hindi nun mababago ‘yung totoo. Pinili ko si Clyde. Kahit alam kong si Earl na ang tama, si Clyde pa rin ang hinayaan kong pumasok sa mundo ko ulit. Sa katawan ko. Sa gabi ko. At ngayon... heto ako, nakahiga sa kama, durog-durog at basag-basag ang konsensya. Hindi ko kayang patagalin pa ‘to. Hindi ko kayang patagalin pa ‘yung kasinungalingan ko kay Earl. Ang tagal niya akong minahal. Ang tagal niyang naghintay sa akin. At anong igaganti ko? Sakit? Napakagat ako sa labi at napapikit nang mariin. "Hindi niya deserve ‘to. Hindi ka niya deserve. Pero lalo mo siyang hindi dapat paasahin." Nilingon ko ang orasan. Alas-onse na ng gabi. Wala akong pakialam. Kailangan na niya malaman ang totoo. Kahit anong mangyari, kahit ikasira pa ‘to ng lahat. Bumangon ako bigla. Hinila ko ‘yung suot kong jacket at lumabas ng kwarto. Maingat akong bumaba sa hagdan, iniisip na baka tulog na silang lahat. Pero pagdating ko sa sala, natigilan ako. Si Tito Bryan… gising pa. Nasa sofa siya, nakaupo nang medyo nakasandal, hawak ang isang bote ng beer, at malalim ang iniisip. May ilang papel sa lamesa at parang kanina pa siya nando’n. Napahinto ako saglit sa gitna ng hagdan, hindi ko alam kung babalik ba ako sa kwarto o lalapit sa kanya. Pero napansin niya na ako. “Aalis ka? Dahil ba sa kanina?” “Tito, hindi…p-pupuntahan ko po si Earl. May kailangan lang akong sabihin sa kanya.” Kumunot ang noo niya. “Nang ganitong oras?” Hindi ako nakaimik. Hanggang sa tumayo siya. “O siya, mag-tshirt lang ako. Ihahatid kita.” “Tito, hindi na po—“ “Tingin mo hahayaan kitang umalis nang dis-oras ng gabi? Kapag nalaman din yan ng lola mo, abot-abot na sermon matatanggap ko ron.” Sa huli’y hinatid nga ako ni Tito Bryan sa condo building ni Earl. “Tito, salamat po sa paghatid at pasensya na rin po kayo sa inasal ko kanina,” saad ko bago buksan ang pinto ng sasakyan niya. “Ako dapat ang magpasensya sa ‘yo, sa inasal ko kanina.” Umiling ako. “A-alam ko naman pong kapakanan ko lang ang iniisip n’yo palagi.” Ngumiti siya at tumango, bababa na sana ako sa kotse nang muli siyang magsalita. “Alam mo, minsan... kahit anong pilit mong takpan, babalik at babalik din talaga ‘yung gusto mong kalimutan,” aniya, parang wala sa sarili. “Kahit ilang taon na, kahit ilang beses mo nang sinubukang iayos ‘yung sarili mo… minsan, isang iglap lang, wasak ka na naman.” Hindi ako nakapagsalita at tahimik na lang na lumabas. Agad akong nakilala ng guard at kita ko ang saglit na paglaki ng mga mata niya. Pero ngumiti rin kalaunan at binati ako. Kailangan ko na siyang harapin. Kailangan ko nang sabihin ang totoo. Kahit masira ang lahat, kahit hindi na niya ako mahalin pagkatapos nito—mas pipiliin ko na ‘yung totoo kaysa sa pananatili sa kasinungalingan. Kahit anong sakit. Kahit anong mangyari. Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nasa elevator. Nasa tapat na ako ng unit ni Earl. Tahimik ang buong hallway, at kahit malamig ang hangin ng gabi, mas malamig ang nararamdaman ko sa loob. Kinapa ko sa bag ang keycard na binigay niya sa akin dati. Sabi niya noon habang inaabot iyon sa akin, “Anytime, this is your home too.” Pero ngayon… hindi ko na alam kung may karapatan pa akong pumasok sa tahanang ‘yon. As I fumbled through the contents of my purse, my fingers brushing against keys, lip balm, and receipts, the door suddenly opened. I froze. A tall man stood in front of me. His expression mirrored mine—shock, confusion, and something else I couldn’t quite place. He wasn’t just surprised. He looked... caught. I blinked at him, unsure of what to say. My mind tried to catch up, tried to recognize him. Did I know him? Had we met before? No, I definitely would’ve remembered a face like that. He had sharp cheekbones, dusky skin, dark brows furrowed in panic. He was wearing a loose gray hoodie, and his hair was messy, like he’d been running his fingers through it nonstop. He looked younger than Earl, maybe mid-twenties, but he had the kind of intensity that made him seem older—like he carried something heavy. “Uh... hi?” I said, unsure if I was even in the right place. “I—I’m looking for Earl.” Hindi ko naaalalang naikuwento siya sa akin ni Earl kahit kailan. Kilala ko halos lahat ng kaibigan at katrabaho niya—ganun kami ka-open sa isa’t isa. He always talked about people in his life. Lalo na kapag may bago sa office nila or pag may drama sa barkada. But this man… he wasn’t part of that world I thought I knew. Bago pa ako muling makapagsalita ay narinig ko si Earl mula sa loob. “Jacob, wait, please—” Earl appeared behind the stranger, his voice hoarse, eyes wide—and bloodshot. The second he saw me, he stopped mid-step. Time froze between us. I couldn’t move. I couldn’t breathe. He looked… broken. He was shirtless. And his eyes—oh God, his eyes—were swollen and red. Like he’d been crying, for a while. And then I saw them. The marks. Faint, but fresh. Red blotches on his chest. Light scratches on his neck. I knew what they were. I knew. Because I had the same marks. From that night with Clyde. Everything inside me turned cold. My throat tightened as if invisible hands were choking me. My hands trembled as they hung by my sides. My bag slipped slightly from my shoulder, but I didn’t fix it. I couldn’t move. I couldn’t even speak. Earl's lips parted as if to say something, but nothing came out. The silence between us was deafening. My mind was screaming, trying to piece things together, trying to understand what the hell I was looking at, but all I could do was stare. Gusto kong tanungin, ano ‘to? Pero ni isang salita, hindi ko kayang sabihin. Earl didn’t move either. He looked at me with panic… and guilt. Oh my God. No. No, this can’t be what I think it is... right? Pero nakita ko kung paano siya tumingin kay Jacob. At nakita ko rin kung paanong si Jacob ay hindi makatingin nang diretso sa akin. Tahimik. Walang gustong magsalita. Parang alam nilang kahit anong sabihin nila—nasira na ang dapat protektahan. My heart dropped. Hindi ko na kailangang tanungin. Hindi ko na kailangang marinig mula sa kanila. I already knew. Alam ko na. Hindi ko alam kung anong mas masakit—yung guilt ko para kay Earl dahil sa kasalanan ko kay Clyde, o yung makita siya ngayon... na may sarili ring tinatago. Na may sarili ring kasalanan. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko. “I… I needed to talk to you,” bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili ko. He didn’t say anything. Tinignan niya lang ako, at sa mga mata niya, nakita ko na—wala na siyang maipagtanggol. Hindi ko alam kung sino sa amin ang nauna. Ako ba? Siya ba? Pero sa gabing ito… pareho kaming wasak. Pareho kaming may kasalanang hindi na kayang itago. hindi ako galit. Hindi ako sumigaw. Hindi ko siya sinumbatan. Dahil bago pa man ako makarating dito, dala ko na rin ang bigat ng sariling kasalanan. Alam kong hindi ako malinis. Alam kong hindi ako inosente. At ngayong pareho kaming nakaharap sa isa’t isa, parehong may sugat na hindi lang galing sa isa’t isa kundi gawa rin ng sarili naming mga desisyon, ang tanging naramdaman ko ay… lungkot. Sobrang lungkot. “Yazmin…” basag ang boses niya. Saglit akong napapikit. Huminga nang malalim, pilit binubuo ang sarili. “Can I come in?” mahinang tanong ko. Hindi agad nakasagot si Earl. Tumango lang siya, dahan-dahan, sabay abot sa door handle para tuluyang buksan ang pinto. Umatras si Jacob, mukhang nahihiya, at nilingon si Earl. “I’m gonna go,” mahinang sabi niya. “Call me if... you need anything.” Hindi sumagot si Earl. Tumango lang. At bago tuluyang makalabas si Jacob, lumingon siya sa akin. “I’m sorry,” sabi niya. Tinanguan ko siya. Hindi ko alam kung sincere siya o kung dapat ko ba siyang paniwalaan, pero sa totoo lang—wala na akong energy para husgahan pa ang kahit sino. Pagkapasok ko sa loob ng unit, agad akong nakaramdam ng lamig. Hindi lang dahil sa aircon, kundi dahil sa atmosphere. Parang biglang nanahimik ang buong mundo sa loob ng apartment na ‘to. Hindi ko alam kung saan ako uupo, kaya nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan siya. Nakahawak siya sa likod ng upuan, nakayuko, tila hinihintay kung anong unang bibitawan ko. Pero ako rin… hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat. Kung tatanungin ko ba siya sa mga nakita ko. O sasabihin ko na kaagad sa kanya ang pinunta ko dito. “L-love—“ Itinaas ko ang kamay ko, malalim na huminga, pinipigilan siya. “I came here to tell you something. Disoras ng gabi pero hindi na ako mapakali pa, m-may dapat kang malaman pero…” Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ang nakakalat na papel sa table. Wala sana akong balak pansinin pero tila huminto ang puso ko nang mabasa ang nilalaman no’n mula sa kinatatayuan ko. “HIV Test Result…” anas ko at tila awtomatikong kumilos ang katawan ko at pinulot iyon. At sa kaliwang sulok ng papel, naroon ang pangalan niya. Earl S. Dela Peña. Napalunok ako nang mabasa ang resulta. REACTIVE. My knees nearly buckled. “No… no, Lord—” I whispered, gripping the edge of the table to keep from collapsing. Earl stood behind me, panic blooming as he realized I’d seen the papers. He doesn’t know I cheated. I was going to tell him I was sorry… Tears blurred my vision. I sank onto the edge of the sofa, the weight of everything crushed me. The weight of everything crushed me. I couldn’t breathe, couldn’t think clearly. All I could hear was the deafening sound of my own heart breaking. I collapsed onto the sofa, my sobs shaking my entire body. It wasn’t just his test result that was killing me—it was the weight of the betrayal. The guilt. The realization that I had done the very thing I was afraid of for so long. I cheated that night. I let Clyde back into my life. I let him take what I had promised I’d keep only for Earl. But now, as I sat there, tears pouring down my face, I couldn’t help but wonder—what about Earl? How long has he been hiding this from me? Was it just one mistake, or had there been others? My heart twisted. My mind screamed at me to ask him. To demand answers but do I even have a right to do that after cheating too?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD