Kabanata 10

2507 Words
Kabanata 10 Was it just one mistake? Or had there been others? My heart twisted again. Tumingin ako kay Earl, who was now seated on the floor across from me, his arms resting on his knees, his eyes fixed on nothing. His silence said so much, and yet not enough. I wanted to ask him. I wanted to demand the truth. I wanted to scream: Kaninong pangalan ang dapat kong malaman? Ilan na ba kami? Pero… Do I even have the right to ask those questions? After what I did? After I gave in to Clyde like that night meant nothing? Napakagat ako sa labi. Hinihila ako ng damdamin kong saktan siya sa mga tanong. Gusto kong alamin lahat—when, where, bakit. Pero kasabay ng bawat tanong ay ang boses sa loob ko: "Ikaw rin naman, Yazmin. May kasalanan ka rin." "Paano kung siya rin pala ang nasaktan muna? Paano kung ginawa niya ‘to dahil naramdaman niyang nawawala ka na?" Bigla akong natahimik. Naghalo-halo na ang damdamin ko—galit, sakit, guilt, takot. “I was going to tell you,” I said, breaking the silence, voice hoarse from crying. “Kanina. Dito. Sa gabing ‘to.” Napatingin siya sa akin. Namumula pa rin ang mga mata niya, but there was something in them—regret, maybe. Or shame. “Ang alin?” utal ang boses niyang tanong sa akin. Tila nagnanais akong lapitan pero may pumipigil sa kanya. “I cheated,” I continued, no longer caring how broken my voice sounded. “One night. It was just one night…maling-mali, nagkasala ako sa ‘yo.” Umawang ang labi niya kapagdaka ay nag-iwas ng tingin sa akin. Kita ko ang pagkakakuyom ng kamao niya, ang luhang muling naglandas sa magkabilang pisngi niya. I laughed bitterly. “Akala ko ako lang. Akala ko ako lang ang sumira sa’tin.” He looked down. “At ang sakit pa,” tuloy ko, “kahit nasaktan kita, kahit may mali ako… bakit ngayon, ako ‘yung parang gustong-gustong malaman kung kailan ka…” hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko sa hikbing kumakawala sa bibig ko. I wiped my face with the back of my hand. “Hindi ko alam kung may karapatan pa akong masaktan, pero Earl... masakit.” He finally spoke, voice low. “Yaz, I didn’t want to hurt you.” “Pero nasaktan pa rin ako,” mahina kong tugon. “I didn't know. I swear, I didn't think...” He trailed off, voice cracking. “Did you love…him?” napapikit kong tanong. “N-no…I was just confused. I was lost. I felt like k-kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako sapat sa ‘yo—“ Tumigil siya sa pagsasalita, tila agad na pinagsisihan ang sinasabi niya. “I-I’m sorry.” “Kailan pa?” Hindi siya nakasagot. “Please, E-Earl…” Humagulgol siya at napasabunot sa buhok niya. “Matagal na…I-I’m sorry, Yaz. Mahal kita—“ Tumayo ako. “T-tama na, ‘huwag na lang natin lokohin pa ang isa’t-isa. Nagkamali ka…nagkamali ako. It’s over. We’re done, Earl.” Tumalikod na ako, pero bago pa ako makalayo, naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Earl sa braso ko. Hindi marahas, pero desperado. Nanginginig. “Yazmin… please,” bulong niya, halos hindi ko marinig sa dami ng damdaming bumabara sa pagitan naming dalawa. “Huwag mo akong iwan…” Pilit kong inalis ang braso ko mula sa hawak niya, pero hindi ko rin siya tinaboy. Hindi pa. Kahit papaano, may bahagi sa akin na gustong pakinggan pa siya—kahit masakit, kahit wala nang saysay. “Hindi mo naiintindihan,” tuloy niya, at ngayon ay lumuhod na siya sa harapan ko. “Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ikaw mawawala sa’kin.” Napapikit ako, pilit pinipigilan ang luhang muli na namuo sa mga mata ko. “Earl…” “I’m a mess, Yaz. I know. I made the worst mistake… or maybe mistakes. Hindi ko na nga rin alam kung kailan nagsimulang maging mali lahat. Pero isa lang ang sigurado ako…” Tumingala siya, nagmamakaawa ang mga mata. “Ikaw lang ang mahal ko.” Napalunok ako, pero hindi ako gumalaw. “I can fix this,” bulong niya, nanginginig ang boses. “Kahit sabihin mong hindi na tayo, kahit ayaw mo na—please, Yaz, just don’t walk away from me tonight. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mawalan pa ng isa pang tao. Hindi na.” Humagulgol siya. Literal. Walang pakialam kung anong itsura niya, kung gano’n siya kahina sa harap ko ngayon. At mas lalong bumigat sa dibdib ko ang lahat. Gusto kong yakapin siya. Gusto kong patawarin siya. Gusto kong sabihin na magiging ayos din ang lahat. Pero totoo ba? Gagaling ba kami? Babalik pa ba kami sa dati, o sinusubukan lang naming buuin ang basag na salamin? “Hindi mo ako mahal, Earl…” bulong ko, pilit na kinakalma ang boses ko kahit nagngangalit ang puso ko sa sakit. “Minahal mo ‘yung idea natin. Yung comfort. Yung ‘tayo’ na madali. Pero marupok tayo…hindi tayo naging matatag, we both gave up.” Umiling siya, lumuhod pa lalo habang hawak ang laylayan ng suot kong jacket. “No… please… don’t say that. Don’t say it like it didn’t matter. Hindi kita sinukuan, Yaz. Naligaw lang ako. Natakot ako. Pero hindi kita iniwan.” “Pero sinaktan mo pa rin ako,” sagot ko, hindi na kayang pigilan ang luha. “At sinaktan din kita. So what now, Earl? We pretend this didn’t happen? We pick up the pieces and what? Act like it’s all okay?” “Hindi,” mabilis niyang sagot. “Pero we fight for this. We face the consequences. Together. Please…” Napakagat ako sa labi. I wanted to say yes. I wanted to hold on to the version of us that laughed over cheap coffee, that danced barefoot in his living room, that planned a future. But I couldn’t ignore what was staring me in the face. Wounds. Scars. Choices. “I’m tired,” bulong ko. “I’m tired of choosing someone who keeps getting lost.” He looked up at me, his eyes swollen from crying. “Yaz… I just found out today. The test. It’s real. I’m reactive.” Parang tinulak ako ng hangin paatras. Reactive. “Hindi ko alam…” tuloy niya, humihikbi, “Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko na rin alam kung paano… kung kanino. Gabi lang ‘yon. Isang gabi lang. Akala ko kaya kong kalimutan. Pero hindi pala.” Umiling siya, tila hindi rin makapaniwala. “I destroyed everything. And now... I don’t even know if I still deserve to live.” “Don’t say that,” bulalas ko, nanginginig ang boses ko. “Why not?” sabi niya, tumatawa habang umiiyak. “I hurt you. I put you at risk. Minahal mo ako nang buo, at sinira ko ‘yon. Yazmin… kung pati ikaw mawawala sa akin… I swear, I don’t know what I’ll do.” “Earl…” Napalunok ako. “Tumayo ka na. Please.” Pero ayaw niyang gumalaw. He clung to the hem of my jacket like it was the last thread holding him together. “I can’t lose you,” he whispered. “Please… Yaz, please. Don’t leave me. Hindi ko ‘to kakayanin mag-isa.” Tumulo ang luha ko nang tuluyan. Umiiyak na rin ako ngayon, hindi na tahimik. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung kaninong puso ang mas basag—ang kanya, o akin. “Mahal kita,” bulong niya. “Kahit anong nangyari, kahit gaano ako naging makasalanan… ikaw lang. Ikaw pa rin.” “Pero hindi mo ako pinili,” mahina kong sagot. “Pinili mong saktan ako. Pinili mong manahimik. At kahit isang beses lang, pinili mo ‘yung iba.” Napaatras ako. “Ganon din ako, Earl. Kaya nga siguro wala na tayong karapatang magsumbatan. Pareho tayong may kasalanan.” Tumayo ako, tinanggal ko ang kamay niya sa laylayan ng jacket ko nang marahan. “Pero may isang bagay akong pinipili ngayon… sarili ko.” Nanginginig ang boses ko pero buo ang loob ko. “Tama na. Huwag na nating pilitin, Earl. You need to heal. And so do I.” Umiiyak na siya nang tahimik. Hindi na siya nagsalita. Wala na ring paliwanag na kailangan. “I hope you get better,” bulong ko, bago ako tuluyang lumakad papalayo. “I really do.” At sa bawat hakbang kong palayo sa kanya, ramdam ko ang bigat ng lahat—ng kasalanan, ng pag-ibig, at ng wakas. Hindi ko na alam kung paano ako nakababa ng condo. Parang lumilipad lang ‘yung katawan ko. Tuloy-tuloy ang paglakad ko palabas ng building, pero wala akong maalala. Hindi ko alam kung gumamit ba ako ng elevator o ng hagdan. Hindi ko rin maalala kung may ibang taong nakasalubong ako. Ang alam ko lang, mabigat ang dibdib ko. Mas mabigat pa sa katawan ko. Parang may malaking batong nakadagan sa loob—at kahit anong pilit kong huminga, ayaw akong tantanan ng bigat. Paglabas ko sa main entrance, malamig ang hangin. Pero hindi iyon sapat para ilabas ang init na namumuo sa dibdib ko. Mainit. Masakit. Malagkit na pakiramdam ng guilt, lungkot, at pagod. Wala akong direksyon. Wala akong plano. Tulala lang ako. Tumigil ako sa sidewalk. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng sasakyan, sa mga taong naglalakad na parang ang dali ng buhay nila. But mine? Wrecked. My knees were shaking. My hands were ice-cold. And my soul… I didn’t even know where it was anymore. “Yazmin!” Nagulat ako. Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Napalingon ako—doon sa gilid ng building, sa may itim na SUV. Si Tito Bryan. Nakasandal siya sa kotse, hawak pa rin ang hawak-hawak na half-empty bottle ng tubig. Hindi siya nakaalis. Hinintay niya ako. Agad siyang lumapit, kita sa mukha niya ang pag-aalala. “Yaz, anong nangyari? Nag-away kayo?” Hindi ako nakapagsalita. Tumitig lang ako sa kanya. Ilang segundo lang ‘yon pero para sa akin, parang habang-buhay. And then I broke. “A-Ang sakit po, Tito…” Umiiyak na ako na parang bata. ‘Yung iyak na may kasamang hikbi, ‘yung hindi mo na maayos ang paghinga, ‘yung halos lumuhod ka na sa pagod, sa sakit, sa bigat. Hinahagod ni Tito ang likod ko, tahimik lang siya. Wala siyang tanong, walang sermon. Naramdaman ko lang ‘yung kamay niyang mariin pero maingat, at ‘yung presensya niyang matatag sa gitna ng pagkawasak ko. “Hindi ko na po kaya…” basag na basag ang boses ko. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Tito. Mali ako… mali rin siya. Ang gulo-gulo na po…” “Shhh… ssshh anak, andito lang kami para sa ‘yo. Hindi mo kailangang dalhin ‘to nang mag-isa.” “Niloko ko siya…” dagdag ko, kahit hindi ko alam kung naririnig pa niya ako o sinasabi ko lang para sa sarili ko. “Nagkamali ako. Pero siya rin, Tito. At ngayon, hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na alam kung may matitira pa sa akin pagkatapos ng lahat ng ‘to…” Nanginginig pa rin ang katawan ko. Humihikbi pa rin ako habang nakaakap sa kanya. *** Pagmulat ng mga mata ko, saglit akong nalito kung nasaan ako. Madilim pa rin sa paligid, pero maliwanag na sa loob ng kwarto. Nasa kama ako. Malambot ang kumot. Pamilyar ang amoy ng sabon sa punda. Bahay ni Lola. Saglit akong napapikit ulit. Wala pa akong lakas. Pakiramdam ko mabigat pa rin ang katawan ko, parang wala pa akong tulog kahit pa ilang oras na yata akong nakahiga. Pero iba ang pagod ngayon. Hindi lang pisikal—pagod na pagod ang puso ko. Ang isip ko. Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang maliit na baso ng tubig at paracetamol sa ibabaw ng bedside table. Napangiti ako ng bahagya dahil alam kong galing iyon sa pinsan kong si Anjie, mukhang binantayan niya ako nang iuwi ako ni Tito. Wala na akong masyadong matandaan pa sa nangyari. Ang alam ko lang ay inalalayan ako ng Tito at pinsan ko. Kahit may konting gaan sa dibdib, agad din itong binalikan ng bigat ng alaala kagabi. Earl is reactive. I cheated. We both broke us. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang bangungot lang lahat. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Earl. O kung meron pa kaming pupuntahan. Pero isa lang ang sigurado ko—wala na akong balak magsinungaling. Sa sarili ko. Sa iba. May marahang katok sa pinto. “Yazmin?” si Lola. Napaupo ako agad sa kama, mabilis na pinunasan ang mata ko kahit pa alam kong halatang galing ako sa iyak. “La?” Bumukas ang pinto, si Lola nakasuot ng lumang daster, may hawak na tasa ng gatas. “Magandang umaga, apo,” malambing niyang bati. “Pasensya ka na, hindi kita ginising. Hinayaan ka naming magpahinga. Mabigat yata ang gabi mo kahapon.” Tumango lang ako, hindi ko alam kung kaya kong sumagot. Lumapit siya sa kama at iniabot ang tasa ng gatas. “Mainit pa ‘yan. Pampa-kalma.” “Salamat po, La…” mahina kong sabi. Tahimik kaming dalawa sa loob ng kwarto. Wala siyang tanong. Hindi niya ako pinipilit magsalita. Pero iba ‘yung mga mata ni Lola—’yung pakiramdam mong kahit hindi mo ikuwento, naiintindihan ka na niya. “Iyak ka raw nang iyak kagabi,” marahan niyang sabi. “Si Bryan ang nagpasok sa’yo dito. Nasa sala siya, hindi ka iniwan. Hindi rin ako nakatulog agad kakaisip.” Tumingin ako sa kanya, gusto kong humingi ng tawad. Pero bago ko pa magawa ‘yon, siya na ang nagsalita. “Hindi ko alam kung anong nangyari, Yazmin. Pero kung may isang bagay akong natutunan bilang ina at lola, ito ‘yon: kahit gaano kabigat, hindi natatapos ang buhay sa isang pagkakamali. Minsan masakit. Minsan mapait. Pero anak, hindi ka masamang tao dahil lang nagkamali ka.” Napaiyak na naman ako. Hindi na malakas. Pero sapat para tumulo ang luha habang hawak ko ang tasa. “Apo…” Hinaplos ni Lola ang likod ng kamay ko. “Hindi ko kailangang malaman ang detalye. Pero sana alam mong mahal ka namin. Mahal ka ng Tito mo. At kahit pa anong desisyon ang piliin mo mula ngayon, susuportahan ka namin.” Hinigpitan ko ang hawak sa tasa. “Nasira ko po lahat, La…” “Hindi lahat ng nasira ay hindi na kayang ayusin, apo,” sagot niya. “Pero minsan, kailangan mo ring tanungin ang sarili mo… gusto mo pa ba itong ayusin? O panahon na para bitawan na?” Napayuko ako. Hindi ko pa alam ang sagot. Hindi ko pa kayang harapin si Earl. Hindi ko pa alam kung mapapatawad ko ang sarili ko. Pero ngayon, kahit papaano… nararamdaman kong may tahanan pa rin akong uuwian, at hindi ako nag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD