MALAKAS ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad sa loob ng function room. Napansin ko ang mga eleganteng kasuotan ng mga naroon. Kaya pala ganito kagarbong dress ang binili ni Sir Cohen para sa akin ay dahil formal event ito at mas lalo naman akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko bilang assistant ni Sir Cohen at kung bakit ako pa ang sinama niya. Napariin ang kapit ko sa braso niya at napatingin siya sa akin. "Are you okay?" Tanong niyang tumingin sa akin. "Opo!" Sagot ko. May nasalubong kaming isang babae at lalake. Nakatingin sila sa amin hanggang batiin ng babae si Sir Cohen at nag shakehands sila kaya napabitiw ako sa kapit sa kanya. "By the way, this is Sabrina!" Pakilala niya sa akin. Hindi ko expect na ipapakilala niya ako at hindi ko naman alam kung anong g

