PROLOGUE: The Fake Fiancee
MABILIS na tumibók ang puso ko sa kaba pagbaba ko ng taxi na sinakyan ko pagdating sa isang restaurant. I'm still not sure sa gagawin ko pero dahil nandito na ay wala na akong magagawa kaya itutuloy ko na.
"This is it Sabrina, you can do it!" I said to myself. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng restaurant.
The place is very romantic, classy and cozy, that's what I saw when I stepped inside. First time kong makapunta sa ganitong karangyang restaurant kaya bigla akong kinabahan at nailang. Dumagdag pa ang tingin ng mga kalalakihan sa akin habang naglalakad ako. They looked at me like I was the most beautiful woman they had ever seen, na parang ako lang ang nag iisang babaeng naroon samantalang may mga kasama silang ka-date nila. Ganito na ba kaganda ang itsura ko ngayon para pag aksayahan ng oras na titigan ng mga kalalakihang ito? Hindi lang kasi ako sanay sa ganitong klaseng atensyon dahil simula pa noon sanay na akong hindi gaanong napapansin ng mga tao.
Huminga ako ng malalim at pinilit na kumilos ng normal kahit sobra ang pagkailang ko. Diretso kong tinungo ang comfort room. Masyado pa namang maaga at gusto kong ikalma muna ang sarili ko. Pagpasok ko sa loob ay humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang kagandahan ko sa harap ng salamin.
Ako ba talaga 'to? Kahit kasi ako ay hindi makilala ang sarili sa itsura ko ngayon. Grabe ang ganda ko! Samantalang kanina lang ay nanlilimahid ako sa pawis sa trabaho ko bilang room attendant sa isang hotel. Hindi ko akalain na mapapaganda ako ng ganito ng makeup artist na kinuha ng kaibigan kong si Ellen para ayusan ako.
Inayos ko ang neckline ng suot kong white dress na above the knee ang length. Hindi ako gaanong komportable dahil hindi naman ako sanay na nagsusuot ng ganito at napilitan lang ako ngayong gabi. Ilang oras ko lang naman isusuot kaya pagtyatyagaan ko na.
Tinignan ko ang oras. 7:30 pa lang ng gabi. 8pm ang sinabi ng kaibigan kong si Ellen na oras ng meet up namin ng magiging Fiance niya este Fiance ko, no Fiance niya na pinagpapanggap niyang ako. Hindi ko akalain na may mga ganito rin palang sitwasyon na sa mga drama ko lang napapanood. Pinagkasundo kasi si Ellen ng Daddy niya sa business partner nitong ubod ng yaman para isalba raw ang negosyo nila, ang kaso ay ayaw ni Ellen, bukod kasi sa meron na siyang boyfriend na mahal na mahal niya ay hindi raw siya papatol sa mga gurang. Ni makita ang lalakeng iyon ay hindi niya kaya, kaya humingi siya ng pabor sa akin na humarap sa taong iyon ngayong gabi at magpakilalang siya.
Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwalang gagawin ko ito. Para naman ito sa kaibigan ko na itinuring ko na rin na kapatid. Kasunduan namin ito ni Ellen at pumayag ako. Sa laki ba naman kasi ng utang na loob ko financially, emotionally and mentally sa bestfriend at nag iisa kong kaibigan na iyon kaya kahit anong pabor ang hilingin niya sa akin ay gagawin ko. Noong una ay ayaw ko pero kalaunan ay hindi ko na tinutulan pa. Sinabi naman niyang ngayong gabi lang ito at siya na ang bahala sa mga susunod pa kaya pumayag na rin ako.
Plano kong gumawa ng bagay na ika t-turnoff ng lalakeng iyon ngayong gabi nang sa gayon ay siya rin mismo ang kusang umayaw sa engagement at matapos na ang lahat ng ito.
Kinuha ko ang cellphone sa pouch bag na bitbit ko at muling tinignan ang picture ng matanda na imi-meet ko. Agad ko rin ibinalik sa loob ng bag ko dahil hindi ko ma-take na tignan ng matagal. Kinuha ko ang lipstick at nagpahid sa labi dahil nawala na ang kulay doon. Natigilan naman ako kung bakit kailangan ko pang magpaganda. Bakit nga ba kumuha pa si Ellen ng makeup artist para pagandahin ako kung balewala rin naman kung magustuhan o hindi ako ng matandang iyon. Baka makursunadahan pa ako nun, malaking problema pa ang kahaharapin ko.
Sikat na business man ang lalakeng iyon at diborsyado. Hindi ko lubos maisip na naatim ng Daddy ni Ellen na ipagkasundo siya sa isang lalakeng hindi niya gusto, at ni hindi pa nakikilala. Matagal ng problema ni Ellen ang tungkol diyan at sa akin niya inilalabas lahat, at dahil gusto ko rin siyang tulungan kaya ginagawa ko ito.
Binalik ko na ang lipstick sa loob ng bag ko. Napatingin ako sa babaeng tumabi sa akin na naghugas ng kamay. Si Ms. Tina!
Bigla akong kinabahan na makita ang supervisor ko sa hotel na pinagta-trabahuhan ko. Napatingin siya sa akin at napatitig, at maya maya ay ngumiti.
"Hi, sorry, gagamit ka ba?" Nakangiti niyang sabi sa akin. Umalis na siya sa lababo at nagpunta sa hand dryer. Nagtaka ako bigla dahil parang may halong paggalang ang kilos at salita niya samantalang kanina lang na halos lumuwa na ang mga mata niya sa galit dahil na-late akong pumasok sa trabaho.
Naguguluhang pinagmasdan ko siya habang pinapatuyo ang kamay niya hanggang sa umalis na siya. Napakibit balikat na lang ako at napatingin sa salamin.
Grabe, hindi niya ako nakilala dahil sa itsura ko ngayon! Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang room attendant na taga linis sa mga kwarto ng hotel ay magta-transform sa ganitong itsura?! Natuwa naman din ako dahil kahit minsan lang naranasan kong ngitian niya. Parati na lang kasi siyang nagsusungit hindi lang sa akin maging sa ibang kasamahan ko.
Sinuklay ko ng daliri ang mahaba kong buhok na nakalugay lang. Narinig ko ang cellphone ko na tumunog at kinuha iyon sa bag ko. May nareceive akong text galing sa simcard na binigay sa akin ni Ellen. Bigla akong kinabahan dahil iyon na ang lalakeng katatagpuin ko. Kinakabahang binasa ko ang message niya.
"I'm approaching the restaurant. See you in a while, Ms. Suarez."
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya. Malapit na siya at pakiramdam ko ay hahatulan na ako. Magpapanggap lang naman ako pero bakit kinakabahan ako ng ganito?!
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Gaya nga ng usapan namin ni Ellen ay ngayong gabi lang ito at pagkatapos ay tapos na ang pagpapanggap ko at siya na ang bahala sa lahat.
Huminga pa uli ako ng malalim bago ako magpasyang lumabas na sa CR.
May lumapit sa akin na waiter habang naglalakad ako.
"Table for two, please!" Saad ko. Inassist naman niya ako patungo sa table.
Kampante akong umupo kahit kinakabahan ako. Napatingin ako sa paligid. Halos lahat ay magkakapareha ang naroon kaya malalaman naman siguro niya na ako ito pagdating niya sa restaurant.
Tinignan ko ang menu na nasa ibabaw ng table. Bigla akong nakaramdam ng gutom habang pinagmamasdan ang mga pagkaing naroon na mukhang masasarap. Hindi pa ako nakakatikim ng kahit alin sa mga naroon at bigla naman akong natakam. Panalo rin palang pumayag akong maging fake fiancee ngayong gabi.
Gusto ko tuloy sulitin ang pagkakataon ngayon habang narito ako. Tutal ang matandang iyon naman na sobrang yaman ang magbabayad ng kakainin ko.
Napapangiti ako habang tinitignan ang mga pagkain. Ano kayang o-orderin ko parang lahat kasi ay masarap?!
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyon kinuha sa bag ko. Nakita ko ang pangalan ni Ellen sa notification at binasa ko iyon.
Ellen:
Sab, what happened? Nag meet na ba kayong dalawa?
I replied sa message niya.
Sab:
Hindi pa pero malapit na raw siya.
Ellen:
Okay, basta whatever happens, just relax and enjoy the night. I'm sure mag e-enjoy ka. This is your dream come true.
Nagtaka ako sa sinabi niya. Kilalang kilala ko na siya at alam ko ang ganitong reaction niya na para siyang kinikilig. Ano namang nakakakilig doon sa matandang gurang at ubod pa ng laki ang tyan. May pa-dream come true pa siya, ni minsan hindi ko pinangarap na makapangasawa ng ganung lalake dahil ang tanging pangarap ko lang ay si...
"Hi! Are you Ms. Ellen Suarez?"
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na baritonong tinig. Naramdaman ko bigla ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan na hindi ko alam kung dahil ba sa napakalamig ng lugar o dahil sa tinig na iyon na hindi ko expect na maririnig ng mga oras na 'yon.
Unti-unti akong nag angat ng paningin at biglang para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sobra ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay nanginig bigla ang mga kamay ko. Naguguluhan ang isip ko kung bakit siya nandito at bakit niya tinatanong kung ako ba si Ellen, hindi niya ba ako nakikilala? For sure hindi, dahil kung si Ms. Tina nga na halos oras-oras kong nakakaharap sa hotel ay hindi ako nakilala, ito pa kayang lalakeng ito na tinatanaw ko lang sa malayo at sa panaginip ko lang nakakasama at nakakausap.
"I'm Cohen Montevista, and you're Ellen, right?!"
Mas nanindig ang balahibo ko nang ngumiti siya at ang mga titig niya ay walang pinagkaiba sa titig ng mga lalakeng nahumaling sa kagandahan ko kanina.
Nilahad niya ang isa niyang kamay, gusto niyang makipag shakehands sa akin pero nanatili lang akong nakatingin doon. Sinabi niya ang buo niyang pangalan, and of course I knew him and he was right. Siya nga si Cohen Montevista, the CEO of the Montevista Hotel kung saan ako nagta-trabaho bilang room attendant. Siya ba ang lalakeng nakatakda kay Ellen? pero hindi siya ang nasa picture.
Unti-unti kong ginalaw ang kamay ko hanggang hawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko at tila ilang libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko kasabay ng pagbilis ng tibók ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang nararamdaman ko ang init ng palad niya ngayon na tanging sa panaginip ko lang nakikita. Dinala niya sa labi niya ang kamay ko at hinalikan. Namilog naman ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako at kung panaginip man ito ay ayoko ng magising pa. Kahit nararamdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba ay nararamdaman ko pa rin ang kilig.
Oh my gosh! Kaharap ko ngayon si Sir Cohen na nakatitig sa akin na parang ako ang pinakamagandang babae sa mundo.
Sa lahat ng nararamdaman ko ngayon ay halos hindi ako makapagsalita. Kinakausap niya ako pero parang umurong bigla ang dila ko kaya ni wala akong masabi. Umupo siya sa upuan sa tapat ko at nanatili akong nakatitig lang sa kanya.
"Anyway, your Dad and I have an agreement, about business and ahm... us! I know you already know about this." He said in his husky voice. Naiintindihan ko ang bawat salita niya pero nanatili pa rin akong tila wala sa sarili na kaharap siya.
"I hope everything goes well between us, coz to be honest, I came here not sure if I will continue the agreement but upon seeing you, things changed." He smiled and paused for a moment then continued.
"Let me introduce myself again, I'm Cohen Montevista, the CEO of Montevista Hotel. It's a pleasure to finally meet you, my fiancée!"
♡