"I'm your fiancee, your fiancee! Magpapakasal tayo, oh my gosh mapapangasawa ko si Mr. Cohen Montevista." Wala sa sarili kong sabi. Hindi ko alam kung ilang bote ng alak ang nainom ko kaya lasing na lasing ako na hindi ko na alam kung ano bang pinagsasasabi ko. Ang naaalala ko lang ay hindi na ako tumutol pa sa kanya noong yayain niya ako kanina sa restaurant na lumipat sa kalapit na bar. Sa lahat ng naramdaman ko kanina nang malaman kong si Sir Cohen na boss ko ang nakatakdang magpakasal kay Ellen na kunyari ay ako ay gusto kong magrelax pero sa ganito naman ako humantong.
"Yeah, baby, we will get married. I'm going to marry you and you will soon be Mrs. Montevista!" Mapungay ang mga mata niyang saglit na tumingin sa akin habang nagmamaneho siya ng kote. Hindi ko alam kung nasa katinuan rin ang isip niya dahil pareho kaming maraming nainom na alak. We were both drunk and out of our minds. Sa panaginip ko lang nangyayari na nakakasama ko siya at ilang beses ko ng kinurot ang sarili ko masiguro ko lang na totoong nangyayari nga ito. Ang pangarap kong lalake ay kasama ko ngayong gabi. Sinabi niyang pakakasalan niya ako, alam kong hindi naman magiging tunay iyon dahil nagpapanggap lang ako pero masarap sa pandinig ko ang paulit ulit nyang pagbigkas ng salitang iyon.
Napatingin ako sa kamay niya nang ipatong niya sa legs ko. Bukod sa kilig na naramdaman ko ay nakaramdam rin ako ng tila pag iinit na ngayon ko lang naramdaman. It feels so different but I love it. Tumingin siya sa akin na namumungay ang mga mata at pakiramdam ko ay namumungay rin ang akin.
Mas nag-init ang pakiramdam ko nang himas himasin niya ang legs ko. Parang nag aapoy ang palad niya sa init na lalong mas nagpainit pa sa nararamdaman ko. Napapitlag ako nang ipasok niya ang kamay sa dress ko at himasin pa ang legs ko hanggang sa singit ko. Pilyo siyang tumingin at ngumiti sa akin saka ibinaling na sa harapan ang tingin.
Napatingin naman ako sa bintana nang huminto siya at nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa paningin ko ang hotel kung saan ako nagtatrabaho at CEO si Cohen, ang Montevista Hotel.
"Eh Sir, bakit po tayo nandito?" Agad kong tanong.
"Ayan ka na naman sa tawag mo sa akin na Sir ha?" Natatawa niyang sabi. May ilang beses ko na kasi yun nabanggit sa kanya simula pa kaninang nagkita kami. Nasanay na kasi ako sa tawag na sir sa kanya kahit ni minsan ay hindi pa naman kami nagkausap at nagkaharap. Iyon ang tawag sa kanya ng mga empleyado kaya nasanay ako at hindi na maalis pa sa akin.
"I mean, Cohen!" Sambit ko. Bumaba na siya sa kotse niya kaya hindi niya rin narinig at hindi niya rin ako sinagot sa tanong ko kung bakit kami narito sa hotel na pagmamay-ari niya. Paano kung may makakilala sa akin at mabuko ako ni Sir Cohen na nagpapanggap lang, siguradong malilintikan ako at baka mawalan pa ng trabaho.
Nakita kong sinalubong si Sir Cohen ni James na isang valet at inabot sa kanya ang susi ng kotse para i-park. Dumiretso naman siya sa akin at binuksan ang pinto ng kotse. Nilahad niya ang kamay sa akin para alalayan ako sa pagbaba pero naalangan naman akong bumaba.
"Let's go inside!" Nakangiti niyang sabi.
"Bakit po tayo nandito?" Tanong ko.
"I want to know you more. Alam ko marami ka pa rin gustong malaman sa akin. So, let's get to know each other more sa pad ko." Namumungay ang mga mata na sabi niya. Sinabi niyang pupunta kami sa pad niya. As in ngayong gabi na kaming dalawa lang ang naroon. Biglang bumilis ang tibók ng puso ko na hindi ko alam kung naeexcite ba ako sa sinabi niya o kinakaban sa pwedeng mangyari. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi iyon magets. Sa edad kong ito na 25 years old ay wala pa kasi akong experience dahil iaalay ko lang naman ang sarili ko sa lalakeng mapapangasawa ko kaya kahit crush na crush ko si Sir Cohen ay hindi naman ako bibigay ng basta basta sa kanya.
"Let's go, baby, ipa-park na ang car!" Sambit niya saka ako hinawakan sa pulsuhan ko at hatakin pababa ng kotse. Napababa naman ako ng kotse. Itinakip ko bigla ang bag ko sa mukha ko dahil nakatingin sa akin si James at baka mamukhaan ako.
Hinawakan ni Sir Cohen ang kamay ko habang naglalakad papasok sa hotel.
Napayuko ako nang batiin kami ni Kuya Hector at Kuya Larry na security guard ng hotel. Sa araw araw ay parati ko silang nakikita at baka makilala ako.
Nakahinga ako ng maluwag pagpasok sa loob ng hotel pero muling napayuko nang mapadaan kami sa front desk. Naroon kasi ang mga receptionist na madalas ko rin makita. Alternate ang duty nila sa day at night shift kaya sa araw araw ay nakakasama ko rin sila at baka mamukhaan ako. Binati si Sir Cohen ng mga receptionist at kagaya ng expect ko ay dedma lang siya. Ganito kasi siya ka-snob sa mga empleyado niya hindi kagaya ng magulang at mga kapatid niya na malapit sa mga empleyado ng hotel. Siya lang ang kakaiba sa pamilya Montevista pero kahit ganito siya ay pantasya pa rin siya ng mga kababaihan at isa na ako doon.
Nanatiling hawak niya ang isa kong kamay habang naglalakad sa loob ng hotel at iba ito sa pakiramdam ko. I feel like a special woman na iniingatan niya ng ganito. Samantalang sa araw-araw na narito ako sa lugar na ito ay simpleng empleyado lang naman ako na tagalinis ng mga marurumi. Pakiramdam ko tuloy ay para akong si cinderella na kasama ang prince charming niya matapos mag ibang anyo. Tumingin siya sa akin at ngumiti at mas lalong gumaan pa ang pakiramdam ko.
Naghintay kami ng elevator. Napadaan ang isa kong kasamahan na room attendant at binati si Sir Cohen. Tumingin siya sa akin at napatitig pero agad akong yumuko at kunyaring may kinukuha sa bag ko. Sobra pa naman sa pagkamosang itong si Julie at walang nakakaligtas basta siya ang kumilatis. Napasulyap uli ako sa kanya habang naglalakad siya palayo sa amin pero nanatili siyang nakatingin sa akin. Feeling ko rin naman ay hindi niya ako makikilala na kagaya ni Ms. Tina na nakatitigan ko pa kanina. Sino ba naman kasi ang mag iisip na ang simpleng trabahador ng kumpanya ay magta-transform sa ganitong itsura na kasama pa ang boss niya.
Bumukas ang elevator at pumasok kami sa loob ni Sir Cohen. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa bewang ko para alalayan ako hanggang sa pagpasok sa loob at sobra akong kinikilig. Pakiramdam ko tuloy ay nawala na ang pagkalasing na naramdaman ko kanina at napalitan na ng kung anong pakiramdam na bago lang sa akin.
Napatingin ako sa reflection namin sa pinto ng elevator. Nabasa ko sa profile niya na 6'2 ang height niya. Napakatangkad niya at sa height kong 5'4" ay nanliit ako bigla. Nakita kong tumingin siya sa akin habang nakatingin ako ng diretso sa reflection namin sa pinto ng elevator kaya tiningala ko siya. Numumungay ang mga mata niya at parang nangungusap. Parang may gusto siyang ipahiwatig at iparamdam sa akin na dinadaan lang niya sa mainit niyang titig sa akin.
Namilog ang mga mata ko nang ilapit niya ang labi sa mukha ko at halikan ako sa noo. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibók ng puso ko na hindi ko alam kung normal pa ba ito pero napakasarap sa pakiramdam. Feeling ko ay hinahaplos ng anghel ang puso ko. Napakagaan sa pakiramdam. I feel butterflies in my stomach and my cheeks blush. Nilapit niya ang labi niya sa tenga ko at bumulong.
"My fiancee, I want to know you more. More of you. Stay with me tonight, gusto kong malaman ang lahat lahat sa'yo!" Bulong niya saka hinapit pa ako sa bewang kaya napadikit pa ang katawan ko sa kanya. Sinabi niyang mag stay ako sa kanya ngayong gabi at wala akong maramdaman sa sarili ko na pagtutol. Kanina lang ay sinabi kong hindi ako basta basta sasama sa kanya pero tila halos lahat sa akin ay nagkakaisa at ang nagagawa ko na lang ay magpatianod. Alam kong mali dahil nagpapanggap lang ako at bukas lang ay tapos na ang lahat ng ito at babalik na uli ako sa dating ako pero gusto kong lubusin na ngayong gabi na kasama siya. Kahit ngayong gabi lang.
♡