"She's my fiancée!" Pakilala ni Sir Cohen sa akin nang may lumapit na isang babae at lalake. Namukhaan ko sila na naroon rin sa event na dinaluhan namin ng nakaraan at nakaharap ko pa. Bigla ko tuloy naramdaman ang kumplikadong sitwasyon ko. Naisip kong nakamask at eyeglass ako noon at hindi naman siguro nila ako makikilala ngayon kaso sobra makatitig sa akin ang babae na parang may sinisiyasat na kung ano sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na sila. "So where did you guys meet?" Narinig kong tanong ni Kyla at salitan kaming tinignan ni Sir Cohen. Kailangan pa ba niyang itanong ang bagay na yun?! "Ahm, she's the daughter of one of my business partners. That's when I met her." Ani Sir Cohen. Bigla naman ako nag alala na baka matuklasan ni Kyla ang totoo at kay Sir Cohen bumagsa

