SABRINA "Are you planning to steal that?" Kunot noong tanong ni Sir Cohen matapos niyang makita na hawak ko ang hikaw na nakita ko sa kama niya. "Hey, hindi po, Sir! Ang hikaw na 'to po ay...!" Bigla akong natigilan. Hindi ko pwedeng aminin sa kanya na sa akin ang hikaw kaso mukhang pinagbibintangan niya akong kukunin ito. "What?" Aniya nang hindi na ako magsalita pa. "Sir, hi-hikaw ko po kasi- ito." Kinakabahan ko na sabi. No choice ako kundi iyon ang sabihin kaysa mapagbintangan niya ako. "What? Sab, sa fiancée ko ang hikaw na yan. Nahulog niya yan diyan sa bed." Ma-awtoridad niyang sabi. "Sa akin po ito, Sir!" Mariin kong sabi at kinuha sa bulsa ko ang kapareha ng hikaw na iyon at pinakita sa kanya. "Tignan nyo po. Nagiisa na lang ang hikaw ko dahil nawala ang isa at ito po iyon

