KINUHA ko ang cellphone ko at tinext si Sir Cohen sa number ko bilang Ellen. Pakiramdam ko ay nilalamon na ako ng kung ano man itong nararamdaman ko. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Nang dahil lang sa babaeng nakasama niya kagabi ay para na akong mawawala sa sarili. Sinabi niyang gusto niya ako. Seryoso rin siyang pakasalan ako kaya dapat ay ako lang ang babae sa kanya. Sa akin lang dapat siya nahuhumaling. Bigla naman akong natigilan sa mga naiisip ko. Gusto ko sa akin lang mahuhumaling si Sir Cohen pero wala naman ako planong pakasalan siya dahil hindi naman tunay si Ellen. Kung umasta ako ngayon ay parang pag aari ko na siya samantalang iniiwasan ko nga siya dahil wala namang totoo sa akin. Napakagulo ng sitwasyon ko pero ang malinaw lang sa akin ngayon ay naiinis akong may iba

