4. Montevista Hotel

1406 Words
MABILIS akong bumaba ng jeep paghinto sa tapat ng Montevista hotel at patakbong pumasok sa loob. 10am ang pasok ko at 10:03 na sa oras. Siguradong mabubulyawan na naman ako ni Ms. Tina dahil late na naman ako. "Naku, Sab, kanina pa nanginginig sa galit si Tinay, yare ka na naman!" Sabi ni Kuya Hector na security guard pagpasok ko. "Ganoon ba? Eh kasi tinanghali ako ng gising eh!" Sambit ko at halos patakbong tinungo ang staff room. Pagpasok ko pa lang sa loob ay naririnig ko na ang boses ni Ms. Tina sa loob ng office niya na mukhang may pinagagalitan kaya mas lalo akong kinabahan. Kinalma ko ang sarili ko at huminga muna ng malalim bago ko pinihit ang doorknob. Sakto namang palabas si Kenji na isang Porter nang buksan ko ang pinto na panay ang iling. "Sab, huwag ka ng tumuloy, may dragon sa loob. Iligtas mo na ang sarili mo!" Saad ni Kenji sabay tawa. "Hoy, hoy! anong dragon yang sinasabi mo?" Bulyaw ni Ms. Tina. "Bahala ka na dyan!" Umalis na si Kenji. Sumilip ako sa pinto at ang salubong na kilay ni Ms. Tina ang bumungad sa akin. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya at mas lalong bumabangis pa ang mukha niya na hindi gaya kagabi nang makita ko siya sa comfort room ng restaurant na todo ang ngiti at napakagalang pa. "Hay naku, ano na naman kaya ang alibi ng isang ito?" Sambit ni Ms. Tina na kinuha ang pamaypay niya at nagpaypay kahit napakalamig na sa office niya. "Eh Ms. Tinay kasi po...!" "Tina... Nananadya ka talaga eh!" Bulyaw niya. Yung nasanay kasi ako na tinatawag siyang tinay kapag pinag uusapan namin siya ng mga kasamahan ko. "Sorry po. Ms. Tina. Ano po kasi eh, natatakot po ako sa inyo kaya mali mali po ang salita ko." Magalang kong sabi sa kanya at napakamot ng ulo, baka kasi mas matagalan pa kami at mabwisit siya lalo sa akin kung babarahin ko siya. "Alam mo kasi na may ginawa ka na namang labag sa policy ng hotel kaya ka natatakot." Nanatili ang mataas niyang tono. "Eh Ms. Tina na-late po ako dahil..." Natigilan ako at napaisip. Parati kong dinadahilan sa kanya ang traffic. Balewala na sa kanya ang dahilan na iyon at siguradong mas lalo lang siyang magagalit kung yun pa ang idadahilan ko. "Dahil napuyat ka, ayan oh obvious sa mga mata mo na puyat ka. Adik ka ba sa gabi, huh?" "Grabe ka naman po. Hindi po!" Agad kong sabi sa sarcasm niyang salita. Natigilan naman rin ako nang maisip na napuyat nga ako kagabi. Alas tres na ng madaling araw kasi ako nakauwi sa bahay matapos kong palihim na umalis sa pad ni Sir Cohen. Hindi pa ako makatulog dahil ramdam ko ang epekto ng ginawa namin ni Sir Cohen sa pagkababaé ko. Bukod sa hapding nararamdaman ko doon ay nakaramdam rin ako ng hapdi sa puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro dahil iyon na ang huli, nalulungkot ako na iyon ang una't huli naming pagsasama ni Sir Cohen, pero ano pa bang ie-expect ko? Na magpapatuloy kami sa ganitong estado ko? "Hoy, tinatanong kita kung bakit late ka na pumasok? Bakit ba hindi ka nagsasalita. Lutang ka na naman eh!" Bumalik ako sa realidad nang magsalita si Ms. Tina. "Sorry po kung na-late ako. Napuyat po kasi talaga ako kagabi dahil ano po eh, ahm... Ano po...yung foreigner ko po kasing jowa tumawag sa akin, yung nasa america, ayun po ang dahilan kaya ako napuyat at tinanghali ng gising!" Dahilan ko sa kanya at hindi ko naman rin alam kung bakit iyon ang naidahilan ko. Basta bigla ko lang naisip ang amerikanong jowa ni Ms. Tina na parati niyang sinasabi na kinapupuyatan niya sa gabi kapag kausap niya sa phone. "At kailan ka pa nagkaroon ng jowang kano?" Sambit niya. Yung naiirita na ako sa mga tanong niya dahil dapat ay hindi na niya pinapakialaman pa ang bagay na iyon. May pagkamosang rin kasi ang babaeng ito na halos lahat gusto niya ay alam niya. "Nakilala ko lang po siya sa dating app. Nainggit talaga ako sa'yo na meron kang boyfriend na gwapong kano kaya naisip kong gayahin ka." Sabi ko at bigla naman nagbago ang mood niya. Bigla siyang napangiti at namungay ang mata. Ganito talaga siya kapag pinaguusapan ang jowa niya. Masyado kasi siyang inlove doon. Ngumiti siya pero saglit lang at bumalik uli sa kanina ang reaction niya. "Huwag mo akong utuin, Sabrina. Alam ko na yang style niyong yan." "Sorry na po, hindi na po mauulit. Ms. Tina bukas po maaga na po talaga ako papasok." Yumuko ako at nagpasensya na lang. Hindi kami matatapos kung magmamatigas pa ako. "Oh siya sige na, umalis ka na sa harap ko at magtrabaho ka na. Aasahan ko yang sinabi mo na hindi ka na male-late ha!" Sabi niyang itinaboy na ako palabas. Nakahinga naman ako ng maluwag at naglakad na palabas ng opisina niya. Pumunta ako sa locker room at nilagay doon ang bag ko. Sinuot ko rin ang sapatos na gamit namin sa trabaho. Suot ko na ang uniform namin kaya ang sapatos na lang ang pinalitan ko. Pinusod ko muna ang mahaba kong buhok. Kinuha ko ang mga gamit na kailangan ko sa trabaho ko saka ako lumabas na ng staff room. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa lang ng uniform ko nang marinig kong tumunog iyon. Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang number ni Sir Cohen sa notification, at kagaya ng mga message niya kanina na nabasa ko nang magising ako ay hinahanap niya ako. Ilang message niya ang nabasa ko kanina dahil nagising siyang wala ako sa tabi niya. Hinahanap niya ako. Nag alala siyang wala ako sa tabi niya. Sinabi pa niyang bumalik ako sa hotel. Sa ilang message niyang nareceive ko ay wala akong reply. Hindi ko siya nireplyan dahil hindi ko naman alam ang idadahilan ko. Sinabihan ko si Ellen na siya na ang bahala na kagaya ng pinangako niya sa akin. Tapos na ako sa part ko kaya ayoko ng magkaroon pa ng connect sa boss ko kahit may parte sa akin na gusto kong maulit pa iyon. Huminga ako ng malalim nang makaramdam ng kung anong mabigat sa dibdib ko na kanina ko pa nararamdaman simula nang lisanin ko ang kwarto ni Sir Cohen. Masyado lang siguro akong affected. Binigay ko sa kanya ang sarili ko at sino ba namang babae ang magiging okay kapag nasa sitwasyon ko. Kinalma ko ang sarili at binalik na ang cellphone sa bulsa ko. Tinungo ko na ang elevator para simulan na ang trabaho ko. Nasa tapat ako ng elevator at hinihintay na bumukas iyon, hanggang sa bumukas ang pinto at namilog na lang ang mata ko nang mukha ni Sir Cohen ang bumungad sa paningin ko. Ni hindi ako nakakilos agad at parang natuklaw ng ahas sa pagkabigla. Expect ko namang magkikita at magkikita kami dahil nasa iisang lugar lang kami pero hindi ko expect na ganito ang mararamdaman ko. Biglang bumilis ang tibók ng puso ko na kagabi ko pa nararamdaman habang kasama siya. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayong nakita uli siya matapos ng nangyari sa amin kagabi. Sinabi ko sa sarili kong kalilimutan ko na ang pangyayaring iyon at magpapatuloy sa buhay na nakagawian ko pero ngayong nakita ko uli siya ay parang gusto kong bumalik ang oras na kasama siya at hilingin na wala na sanang katapusan 'yon. "Excuse me!" Sambit niya dahil nakaharang ako sa dadaanan niya. Kinilabutan naman ako nang marinig muli ang tinig niya na kagabi lang ay parang musika sa pandinig ko. Tumingin siya sa akin. Muling nagtama ang paningin namin at kahit bigla kong naramdaman na gusto ko siyang mayakap uli ay ang realidad ang mas nangibabaw sa isip ko. Agad akong yumuko at umatras para makadaan siya. Nakikita ko ang ilang pares ng mga paa habang nakayuko ako na naglalakad paglabas nila ng elevator at may ilan naman na pumasok sa elevator pero ang mga paa ni Sir Cohen ang mas pinagtuunan ko ng pansin. Mabagal kasi ang lakad niya. Hindi ko alam kung nakatingin pa rin ba siya sa akin. Mas nanaig sa akin ang pangamba na baka makilala niya ako kaya agad akong pumasok na sa elevator. Pumwesto ako sa gawing likuran. Hindi ko na siya nakikita mula roon hanggang sumara na ang pinto ng elevator. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD