THIRD PERSON - Sab, did you find out anything about Ellen's boyfriend? Nabasa ni Sab na text ni Cohen paghiga niya sa kama. Hiningi ni Cohen ang number niya kaninang naroon siya sa hotel para makontak raw siya nito at ibinigay niya naman. Naisip niyang kailangan niyang mag ingat sa pagreply sa dalawa niyang simcard at siguradong katapusan na niya kung magkakamali siya. Bigla rin siyang nairita na minamadali siya ni Cohen. Kanina lang naman ng sabihin nito na i-stalk niya si Ellen para malaman niya ang about sa boyfriend nito pero naghahanap na agad ng kasagutan ngayon. Nakapag usap na sila ng kaibigan niyang si Ellen about doon at sinabi nitong bahala na siyang gumawa ng kahit na anong istorya tungkol sa katauhan ng boyfriend niya. Wala pang maisip tungkol doon si Sab kaya wala pa siy

