NA-OVERTHINK ako sa sinasabi ni Sir Cohen. Fiancée pa rin ang tingin niya sa akin sa kabila nang nalaman na niya ang lahat. Nahahati ang isip ko kung papayag pero sinabi naman niyang may panahon pa ako para makapag isip. Ayoko naman rin pilitin ang sarili kong pakasalan siya gayong hindi naman ako sigurado kung ano bang damdamin niya para sa akin. Kahit mahal ko siya, hindi ako susugal sa lalakeng wala namang pagmamahal para sa akin. Kinalma ko ang isip ko at pinikit ang mga mata. Gumaling nga ako sa sakit ko, sakit naman sa ulo ang kapalit sa pag iisip ko. Nasa office niya sa kabilang kwarto si Sir Cohen at nagtatrabaho. Ayaw niya raw ako iwan dito kaya hindi na siya bumaba sa office niya para bantayan ako. Inaalagaan niya ako ngayong may sakit ako at masarap sa pakiramdam. Feeling ko mag

