Pag uwi ko sa condo. Nasa pinto pa lang ako naririnig ko na yung ingay sa loob. Naabutan ko si Abel na nagluluto sa kusina. "Hi!" He greeted me pagdating ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Nagluluto!" "Alam ko. Bakit ka nandito?" "Unit ko din to eh." Napatingin ako sa pinto na parating sarado. Nakabukas yun ngayon. Lumapit ako dun at tinignan. May isa pang unit dun. Doon si Abel nakatira. "Nagugutom ka na ba?" Tanong niya pagbalik ko. "Busog ako. Kumain kami ni Lander sa labas bago niya ko hinatid dito." Sumama yung mukha niya. "Okay, so ako na lang kakain nito." Naamoy ko yung shrimp bisque na niluto niya. Kahit kumain na ko nakaramdam pa rin ako ng gutom. Hindi ko na lang yun pinansin at dumiretso ng pumasok sa kwarto ko. Nilock ko yun pagpasok ko sa loob. Nagpalit ako

