Pumunta ko sa office ni Sir Darwin nung may iabot akong document. "Ay sorry po." Yung wala kasi ako sa sarili ko kaya binuksan ko yung pinto ng hindi kumakatok. Hindi ko alam na nandoon din yung wife niya si Suzet. Naabutan ko si Sir Darwin na nakayakap kay Suzet at kitang kita sa mga titig niya yung pagmamahal niya sa asawa. Biglang bumitiw sa yakap niya si Sir Darwin nung bigla akong sumulpot. "Sorry Sir!" Pag uulit ko. "It's okay!" Sabi ng wife niya. "What can I do for you Mrs. Enriquez!" Panunukso na naman niya sakin. "Ibibigay ko lang po to." Inabot ko yung document. "Congrats Vi, I heard engaged ka na kay Abel Enriquez." Nakangiting bati ni Suzet. "Po??" Yung engagement na naman namin yung topic. Naalala ko tuloy yung inis ko kay Abel kaninang umaga. "Bigyan kita nito." Bini

