Sa lunch, dahil nasa office si Daddy Dave at si Mommy naman ay nasa shoes boutique niya ay dalawa lang kaming kumakain ni Abel. Sa kabilang side ako pumwesto kaya magkatapat kami. Dinagdagan ko uli yung pagkain na nasa plato niya. Feeling ko sinasadya na niyang konti lang ang ilagay sa pinggan niya para dagdagan ko yun. Nakita kong napangiti siya. Nagring yung phone ko na nasa table. Nagvi-video call si Jimin. Napatingin dun si Abel. Kinancel ko yung tawag. "You shouldn't bring your phone to the dining table. Kung nandito si Mom pinagalitan ka na." Ang sama na naman ng mood niya. "Eh sinadya ko talagang dalhin dahil hinihintay ko yung tawag niya." Dahilan ko na lang. "So bakit hindi mo sinagot nung tumawag siya." Natigilan ako. "Eh bakit ba phone ko to. Sasagot ako ng tawag kung kai

