Nilock ko yung pinto ng kwarto ko pagpasok ko sa loob. Maya maya naririnig kong sinusubukan niya yun buksan. Malamang na kay Mommy yung mga susi ng mga kwarto dito sa bahay kaya malabong mabuksan yun ni Abel. "Vi!" Kumakatok siya. "Let's talk naman." Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa CR para maligo. Matapos maligo nag stay na lang ako sa kwarto hanggang sa maghapunan. Tinawag na ko ni Manang Fe para sa dinner. Nasa dining table na si Abel at mga magulang niya pagdating ko kasisimula lang nila kumain. Umupo ako sa tabi ni Abel. Pansin kong konti lang yung pagkain sa pinggan niya, tingin ko sinasadya niya lang yun para lagyan ko siya ng pagkain kaya hinayaan ko na lang siya. Maya maya hindi ko din natiis kaya nilagyan ko din siya ng pagkain. Mukhang natuwa siya dun. Matapos

