Tapos na yung meeting namin pero may snacks na hinanda para samin kaya kumain muna kami. Napatingin ako kay Abel habang kausap si Sir Darwin. Iniisip ko kung may nagbago ba sa kanya, medyo nagmature yung itsura niya, syempre dahil 29 years old na siya ngayon compare dati na 22 lang siya. Mas lumaki pa yung katawan niya. Very professional at napakalakas din ng dating niya sa suot na gray trouser pants at plain black polo, hindi ko alam kung long sleeve yun dahil may black coat pa na nakapatong. Mas lalo tuloy siya gumwapo. Hindi ko namalayan na napapangiti ako habang nakatitig sa kanya. "Crush mo noh?" Panunukso sakin ni Kelly, napansin pala niya na nakatingin ako kay Abel. "Hindi noh!" Pagtanggi ko. "Ang gwapo diba?" Nag agree ako sa sinabi niya dahil totoo naman din. "Grabe yung ti

